43

133 3 2
                                    

Chapter 43

   Nakasimangot si Lyka nang umupo ito sa tabi ko. Nagkatinginan kami ni Marie, nagkibit balikat naman ito sa akin. Ano na namang problema ng babaeng ito? Lately ay ang tamlay niya. Hindi naman kasi siya nagsasabi.

"Problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Naiinis ako," aniya.

"Bakit?" Si Marie ang nagtanong.


"How dare he to dump me? Hindi naman siya gwapo." Naiinis na sabi nito, muli kong tinignan si Marie, nakangisi na ito sa akin kaya ngumisi rin ako sa kanya.

"Who's that boy?" Tanong ko.

Tinignan ako nito saka umirap, ayaw niyang sabihin kung sino ang lalaking kinaiinis niya ngayon. Dalawa lang 'yan e, it's either kakilala namin o kung saan niya lang nakuha.

"Kakilala namin?" Tanong ni Marie, hindi umimik si Lyka. Umayos ako ng upo paharap sa kanya, inangatan niya ako ng kilay.

"Bumabalik ka?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata nito at hinampas ako, agad naman akong napangiwi.

"Gago! Kahit kailan hindi ako bumabalik, noh. Kapag tapos na, tapos na." Aniya.

Nauubusan na ako ng pasensya sa kanya.

"O sino nga?"

"Aivan."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Mabilis ko siyang hinarap sa akin ng mag iwas ito ng tingin. Hindi ito makatingin ng maayos, napangisi ako.

"Kailan pa?" Tanong ko.

"Last week. Unexpected 'yun, ok." Pagpapaliwanag nito.

"Akala ko ba ayaw mo?" Natatawang tanong ko sa kanya, nag iwas naman ito ng tingin.

"E, lapit siya ng lapit e." Nakangusong sabi nito. "Hayst, dapat talaga hindi na ako nakinig doon e. Akala mo naman ay kung sinong gwapo."


Hindi na namin pinansin ang pagmamaktol ni Lyka. Mabilis kong tinapos ang lunch ko dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang next subject ko. Puro review na lang naman ang ginagawa namin, kailangan kong mag focus ngayon. Medyo mabigat ang midterm ngayon.

"I'll go ahead guys," paalam ko sa kanila saka tumayo.


"Sasabay kang uuwi?" Tanong ni Marie sa akin, agad naman akong tumango sa kanya.

"Yep, hindi ako masusundo ni Abo." Hindi ko na inantay na makapagsalita ito at mabilis nang naglakad palabas ng cafeteria. Shit! Malelate na ako.

Tinakbo ko na papunta sa room, wala pa ang prof ng makapasok ako. Tumabi ako ng upo kay Andres, tinignan naman ako nito saka umiling sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ba't nakabusangot ka?" Tanong ko kay Aivan, nasa tabi siya ni Andres. Tinignan ako nito saka nilayo ang sarili sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

"Mga lason talaga kayong mga babae kayo," irap matang sabi nito sa akin. Agad kong naintindihan ang sinabi niya. Umayos na lang ako ng upo saka ngumisi. Gusto kong malaman kung saan sila nag simula ni Lyka. Pero aantayin ko na lang na magkwento 'yung isa, kapag tinanong mo pa naman 'yun ay hindi magsasalita.

Maya maya ay dumating na ang prof, agad nitong sinet up ang laptop na dala niya. Isang nakakaboring na klase na naman.

"How's your lovelife?" Tanong ko kay Andres, hindi ako nilingon nito. Napaka snob niya talaga.

Sawyer Series#2: Here's your Perfect (Completed)Where stories live. Discover now