GANTI

7 0 0
                                    

📌GANTI

Andito ako sa hardin ng aming eskwelahan.

Nagpapahinga.

Habang nagbabasa upang matahimik muna ang aking mundong magulo.

Natapos ang kalahating oras, Andito ulit ako ngayon sa harapan ng aming kwarto.

Pag pasok ko pa lang ay masasamang salita na agad ang bumungad sa akin.

"Andito na yung bobo! HAHAHAHAHA."

"Guys! Andito na si Kyesha! Pag tripan na natin!"

"Nasan na ba yung maduming tubig tsaka yung mga basura!?"

"Ito na! HAHAHAHAHA."

Sunod sunod na salita nila ang aking naririnig.

Wala na akong pakialam dahil sanay naman na ako.

Pumihit ako patalikod at akmang aalis ng hinarangan ako ng dalawang malalaki kong kaklase.

"Ohh saan ka pupunta? HAHAHA."

Walang reaksyon ko lang silang tiningnan tsaka bumalik sa loob dahil alam ko namang wala na rin akong kawala.

Pag-pasok ko sa loob ng kwarto ay umupo na ako sa aking upuan.

May nagbuhos sakin ng isang maduming tubig.

Malagkit na basura.

Iyan ang aking naaamoy at nararamdaman ngayon.

Tiningnan ko sila isa-isa.

"Tapos na ba kayo?" Tanong ko at ngumiti.

"Ngayon ako naman." Isang nakakakilabot na tinig ang aking pinakawalan.

Nilabas ko ang kanina ko pang hawak na balisong at sabay tinarak sa leeg ng presidente namin.

Nakita ko ang mga takot sa muka nila kaya isa-isa ko silang nilapitan.

Tinanggalan ko sila ng ulo at mga mata.

At ang huli ay ang taong minahal ko ngunit pinaglaruan ako.

Kinuha ko ang baseball bat ko at pinalo sa ulo nito.

"Kyesha! p-please! maawa ka!" pagmamakaawa nya.

"Bat ako maaawa sayo? Ikaw ba naawa sa puso ko?" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tsaka ko itinarak ang balisong na hawak ko sa kanyang dibdib.

✒:Zellen Smith

Requested by: Hazel Hazel

Credits to the real owner of this photo (Ctto)

Nov. 14, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon