HOY PAKITA KA SA'KIN

0 0 0
                                    

📌HOY PAKITA KA NA SA'KIN

Nagsimula ang lahat noong Lima o Pitong taong gulang palang ako.

Lumabas ako ng likod bahay upang hanapin si Lola dahil kakagising ko lang at sanay akong lagi syang anjan.

Lumabas ako at sa paglabas ko ay biglang nag-iba ang paligid biglang naging black and white at may nakita akong lalaking mga nasa 20+ ang tangkad tangkad at ang gwapo ngunit may naka-agaw ng atensyon ko iyon ay ang ilong nya at maputlang balat.

Kung anong kulay ng labas ay ganoon rin sya, black and white rin.

Naka-tuxedo at mukang mayaman ngunit nakayuko.

At di umaalis sa pwesto nya, Sya ay nakatayo sa gilid ng alateris na puno.

Tingin ko'y doon sya nakatira sa punong iyon.

Iyon ang natitirang ala-ala niya sa aking isipan.

At sa paglipas ng Tatlong taon ay pinutol iyong punong iyon.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil doon, Hindi ko alam kung bakit.

"Tita! Doon sa dati nating bahay may nakita akong lalaking sobrang tangkad tas naka-tuxedo!" Pag kwento ko sa aking Tiyahin ngayo'y 15 taong gulang na ako at sariwa pa rin sa aking isipan ang napakagwapong lalaking iyon.

"Ahh, nakita ko na rin iyon sobrang haba nya tapos sumisilip rin sa bintana ng 2nd floor natin dati." Sagot nito.

"Akala ko ako lang nakakita non.."

"Zen.. Prinsipe iyon ng laman lupa." Biglang sabi ni Lola kaya tumingin ako sa kanya.

"Kung prinsipe sya? Bat ang gwapo?" Tanong ko.

Di sumagit si Lola atsaka nagkwento tungkol sa mga kaluluwa at mga kung anu-ano pang nakikuta ng tita ko nung dalaga rin sya.

Napangiti ako sa di malamang dahilan.

Umuwi ako sa bahay namin at kinwento ko rin ang tungkol roon sa lalaking naka-tuxedo.

"Talaga? Alam mo nak, Ang pinsan rin ni Lola mo nakapangasawa ng lalaking laman lupa." Pagkwento nito.

"Tapos anung nangyari?" Tanong ko.

"Iyon nainlove sya sa laman lupa." Pag-kuwento nya.

"Yung kalsada daw roon ay--"

"Ginto?" Pagputol ko ka'y mama.

Nagulat rin ako kung ba't lumabas iyon sa aking bibig.

"Oo pati raw ang mga bahay ay gawa sa ginto, Sa bawat laman lupa doon ay may inaalagaang ginto tapos modern daw ang mundo noon, eh 25 palang nuon ang lola mo wala pang Limousine na sasakyan pero sa mundo ng mga laman lupa ay mayroon na." Pagkwento ulit ni Mama kaya ma's lalo akong naging interesado.

"Tapos umuwi sya sa kanila pinaalam nya na anjan daw yung boyfriend nya at mamamanhikan na raw kaya hinintay nila maya-maya'y may tunog ng sasakyan pero paglabas nila'y wala raw tao tapos sabi ng pinsan ng lola mo "Andyan na sila nay!" Pagsabi nya non ay biglang nagpakita ang Limousine ngunit walang lumabas at pagkakita nila biglang nawala yung pinsan ni Lola mo at nawala na rin yung Limousine pero yung tunog ng sasakyan na palayo narinig nila." Mahabang kwento nito.

"Tapos may mga nakakita daw sa kanya sa mall kung ano raw ang suot nya at itsura nya pag-alis ay ganon pa rin sya at yung mga kasing edad nya'y matatanda na pero sya ay di tumanda." Nakinig lang ako ka'y mama saka nag-imagine na baka gusto ako ng Prinsipeng nakita ko.

"Ba't di mo makalimutan yung mga nakita mo nung bata ka, Zen?" Tanong ni Mama kaya ngumiti ako.

"Syempre mahal na mahal ko sila HAHAHAHAHAH nakalimutan ko na nga ala-ala ko nung bata pa ko pero yung mga ala-ala ng mga kaluluwang yan di ko pa rin makalimutan HAHAHAHHAHA." Sagot ko.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon