PAKAGAT

1 0 0
                                    

📌PAKAGAT

Naglalakad ako sa parke dahil naaaburido na ko sa bahay.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong manikang maliit.

Para syang dwende.

"Ate! Pulutin mo po ako!" Maliit na tinig na aking narinig.

Pagtingin ko ay 'nagsasalita ang manika!'

"Waaahh! Malignooo!!" Tili ko at tumakbo.

Umuwi ako sa bahay ng hingal na hingal dahil sa katatakbo.

Nagpunas ako at saka kumain di ko na sinabi sa mama ko ang nangyari dahil kinikilabutan ako.

Pag pasok ko sa kwarto ay nagulat ako dahil andun yung manika Shet!

"Anong ginagawa mo dito!? maligno ka! Lord please paalisin mo na po ito!" Dasal ko kaagad dahil sa takot.

"Gusto ko lang naman ate makipag kaybigan.." Malungkot na ani nito.

Kaya medyo naniwala ako at lumapit sa kanya.

"Eh bat ka kasi andito sa bahay?" tanong ko.

"Wala kasi akong bahay." sagot nya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Chi." simpleang sagot nya.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko ulit.

"16." sagot nya kaya tumawa ako.

"pfftt! 16? are you kidding me? HAHAHAHAHA." tawa ko.

"No." sagot nya.

"Eh anong nangyari sa iyo? Bat lumiit ka?" Tanong ko.

"Nasumpa ako dahil sa may ginawa ako." sagot nya.

"Anu ba ginawa mo?" ani ko.

"Ganito, Akin na daliri mo." Binigay ko sa kanya.

Nung una ay sinisipsip nya.

"Ginagawamue? HAHAHHAHA." tanong ko.

Maya maya ay nagulat ako dahil naramdaman kong nawala ang kalahati ng daliri ko at namanhid.

"Anong ginawa mo!?" tanong ko ng may galit dahil naputol ang daliri ko.

"Kinain yung daliri mo." Sagot nya ng nakangiti at biglang nagbago ang anyo niya.

Bigla syang lumaki at ako naman ay unti unting lumiit.

'WTF!? anong nangyayare!?'

"Hoy anung ginawa mo!?"nanggagalaiti kong tanong.

"Nagpauto ka saakin kaya ka nagkaganyan. Kaya ako nagkaganito dahil sa nauto din ako at ngayon bumalik na ako sa dati magagawa ko na ang gusto ko HAHAHHAHAHA." sagot nya at mas lalo akong kinilabutan.

'P-pano na ako?'

✒:Zellen Smith

Credits to the real owner of this photo (Ctto)

Nov. 17, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon