IN ANOTHER LIFE I'LL BE YOUR GIRL

1 0 0
                                    

YOU'LL ALWAYS BE MY GIRL

"Hoy Love, tayo naman maglaro puro ka naman kay Hannah sumasama.." Nakangusong sambit ko habang hawak hawak ang cellphone ko.

"Mamaya ka na, RG pa kami ok? Manood ka nalang muna babe." Aniya at pinakita sa'kin ang cellphone n'ya.

Busangot akong umupo sa tabi n'ya at sumandal sa balikat nito habang nanonood.

"Hayyyy." Buntong hininga ko at tumayo na pagtapos ng 30 minutes, hindi pa rin sila tapos kaya napagdesisyunan ko nalang magopen ng Netflix at manood ng movies.

Kasalukuyang nakangiti ako sa harap ng cellphone ko ng biglang hugutin ito ni Cael sa'kin.

Sa gulat ko'y napaiwas ako.

"A-ano ba 'yan! Nakakagulat ka naman!" Nakasimangot na usal ko at kinuha pabalik ang cellphone ko.

"Bakit ka nakangiti sa cellphone mo ha? Siguro may kachat ka ng iba tss. Sabing RG lang kami e, di nakikinig." Aniya at binalik sa'kin pabalik ang cellphone ko.

Sa sobrang gigil ko dahil sa sinabi n'ya padabog akong tumayo at lumabas ng kwarto n'ya dala dala ang gamit ko.

"Uuwi na ako." Paalam ko't tumalikod na.

Ang lakas n'yang mangbintang samantalang siya kung sino sinong kalaro niyang babae pero hindi ako nagagalit kasi naiintindihan ko s'ya, tapos ako na nanood lang dahil sa inip kinagalitan at pinagbintangan agad na nakikipagusap na sa iba?!

Sinisipa sipa ko ang mga batong nadadaanan ko ng may makasalubong akong asong malaki

"Hoy! Wag kang lalapit babatuhin kita! Aga aga nandito ka sa daan!" Nanginginig na sambit ko at dumambot ng bato.

Sa sobrang takot ko napabalik ako sa bahay nila Cael.

Inis akong sinalubong nito, salubong din ang kilay nito.

"Hindi ka man lang nagpaalam!" Inis na anas nito.

Inirapan ko lang ito at tumayo sa tabi niya habang hinihintay umalis 'yung asong malaki.

Limang minuto lang akong nakatanga sa asong hindi pa din umaalis ng tinapik ako ni Cael.

"Sorry.." Aniya at niyakap ako bigla.

Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin niya iyon.

Yumuko nalang ako habang kinakagat ang pang ibabang labi ko, habang nagpipigil umiyak.

Kanina pa masama 'yung loob ko, sa pagsigaw n'ya sa akin at sa pangbibintang.

"Sorry love, LS kasi ako sorry kung ikaw napagbuntungan ko.. Promise hindi na mauulit." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Tumulo na nga ang pinipigilan kong luha.

Pagtapos n'ya 'yon sabihin ay hinatid n'ya na ako hanggang sakayan ng jeep.

Paguwi ko sa bahay ay para akong pagod na pagod.

Ngumiti nalang ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng makakain.

Nagiisa nga lang pala ako sa bahay, 'Yung Mama ko wala na simula nung 10 years old palang ako and yung Papa ko may iba na ring pamilya.

Okay naman na ako kaso nga lang minsan ay hindi ko maiwasang magisip na kung paano kung buhay pa si Mama.. Siguro buo pa kami ngayon.

And the reason why i can't let him go.. kasi he's my strength, my world, my happiness and a love of my life. He's my first love, siya yung unang nagbigay sa akin ng atensyon na hinahanap ko for almost 8 years. Siya din ang nagparamdam sa'kin ng may kakampi ako at may nagmamahal sa'kin talikuran man ako ng mundo.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon