I'M SLEEPY

0 0 0
                                    

📌I'M SLEEPY

[TAKE TIME TO READ THIS]

"Baby.. ipapakilala na kita kila mama." Ani ko.

"'Wag muna baby." Nakangiting aniya.

Ngumiti lang ako at tumango, pinanood ko itong nakangiti sa telepono niya.

Sinilip ko ito ngunit inilayo n'ya lang ito wala akong nagawa kung di ang bumalik sa puwesto ko.

Nakangusong tumingin ako sa cellphone ko.

"Carl? Labas tayo.." Yaya ko sa boybestfriend ko, tinawagan ko siya.

"Sige baks, saan ka ba?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Nasa puso mo hahaha joke, dito sa bahay lalabas nalang ako mamaya pag nand'yan ka na." Ani ko.

Alam ko namang mali 'to pero pag si Gavin yung niyaya ko.. di naman s'ya papayag.

Wala naman siyang pakealam sa'kin.

"Oh? Aalis ka? Ingat." Tinapunan lang ako ni Gavin ng mabilisang tingin at bumalik na sa cellphone niya.

"Alis na ko." Nakangiting paalam ko, lumapit ako dito at akmang hahalikan sana s'ya sa pisnge ng umiwas ito.

Tumalikod nalang ako at ngumiti kahit na napahiya ako.

-

"Mau." Tawag sa akin ni Carl, nginitian ko ito at lumapit.

"Hulaan ko, di ka nanaman pinansin ng Boyfriend mo 'no?" Tumawa lang ako at hinila na s'ya papunta doon sa Arcade.

"Kung hindi mo lang ako pinipigilan siguro nasapak ko na yun.. lagi nalang gan'yan yung ginagawa n'ya sayo. Parang di ka babae kung itrato." Nakasimangot na wika n'ya.

Yumuko nalang ako at nag-iwas ng tingin, hindi ko alam ang sasabihin.

-

"Gavin? Kamusta?" Tanong ko rito, isang linggo na kaming walang usap kaya namimiss ko na talaga s'ya.

"Ok lang." Malamig na sagot nito, niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan.

"Na-miss kita baby.." Nakangusong ani ko.

"Na-miss din kita." Sagot n'ya ng di tumitingin sa mata ko.

"Labas tayo?" Yaya ko dito.

"Ayoko, lalabas kami ni Xyrell ngayon." Aniya, sino si Xyrell?

"Ahh.. sige." Nakangiting sagot ko.

Nagseselos ako pero ayokong magreklamo, baka mag-away lang kami.

"Mau." Tawag nito sa'kin.

"Bakit?" Hindi ko ito tiningnan sa mata, natatakot akong tingnan s'ya doon.

Natatakot akong makita na hindi na ako..

"Ayoko na." Malamig na wika niya.

Nginitian ko lang ito at hinalikan sa noo.

'Ayoko muna'

Tinalikuran ko na ito, hindi na ako nagpaalam.

-

"Ms. Mau, kailangan mo na magpa-opera sa lalong mabilis na panahon. Malala na yung butas sa puso mo." Nag-aalalang paalala sa akin ni Doc. Bea.

"Kaya ko pa naman." Nakangiti ani ko.

Makikipagkita ako kay Gavin ngayon, miss ko na s'ya.

"Baby." Tawag ko dito at inabot ang kahon na dala-dala ko.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon