POSER

1 0 0
                                    

📌POSER

"Here we are in the best of our lives~." Kanta ni Theo sa akin.

"I use to know her brother but, I never knew i love her till the day she laid her eyes on me~." Pagtuloy nya.

Andito kami sa Mall at tinitingnan na kami ng ilan.

"I've got your picture in my wallet and your number phone to call it and i miss you more, Whenever i think about you.."

Tinapos nya ang kanta saka lumapit sa akin.

No, Sa kapatid ko pala..

Paglapit nya kay Leidei agad nya itong niyakap saka lumuhod sa harapan nito.

'Ang saya nila..'

Pasimple akong pumunta sa cr ng mall saka doon umiyak.

_________

"Hello babe good morning! May surprise ako sayo mamaya!" Sabi ni Theo sa conversation namin kaya sinimulan na akong kabahan.

"Ano babe?" Tanong ko.

"Surprise nga eehhh! Wag ka na magtanong baka masabi koo!" Sagot nito.

"Maligo ka na babe sige na i love you! Mag ingat ka mamaya sa Mall na pupuntahan mo ah? Mwah! (っ˘з(˘⌣˘ )"

Naligo na ako saka nag-ayos.

Si Theo? Sya yung boyfriend ko 3 year's na kami at hindi nya man lang ako kilala..

Ang ginagamit ko kasing picture ay sa kapatid ko, Dahil sya yung babaeng Maganda,Mahinhin, at maganda ang katawan.

Samantalang ako Pangit, Maangas maglakad, Hindi ganun ka-sexy, Saktuhan lang yung balat.

Alam ng kapatid ko na muka nya ang ginagamit ko sa pagbibigay ng picture kay Theo.

Ok lang naman daw sa kanya.

Pero di ko inaasahan yung mangyayari ngayon..

Pumunta si Theo sa mall kung saan kasama ko si Leidei kaya akala nya ako iyon.

Ang sakit makita na nagp-propose sya sa kapatid ko..

'Ako dapat yun eh.. Ako naman talaga dapat iyon..'

Yung kapatid ko naman ay umoo agad at sumama na sa boyfriend ko.

Nasasaktan ako dahil hindi sana ako masasaktan ng ganito kung umamin agad ako.

Naiwan akong mag-isa sa mall dahil umuwi na daw sila Leidei dahil ipakikilala nya daw si Theo sa mga magulang namin..

Hindi ko akalaing yung sarili kong kapatid gaganunin ako..

Nasasaktan na nga ko sa araw araw namin ni Theo eh.. Mas masasaktan pa pala ako ngayon haha.

Paglabas ko sa Mall ay dumiretso na akong Bar saka uminom.

Pauwi na sana ako ng may humawak sa mga braso ko kaya sinapak ko ito.

"Tangina mong gagu ka! Wag mo akong bibiro biruin ngayon at broken ako! Yung jowa ko andun sa kapatid ko nagpropose! Alam mo yung masakit?! Ha?! Hindi nya ako kilala!"

"Wala akong pakialam!" Kaya sinipa ko ang harapan nya saka sya ulit sinapak.

"Lumayas ka sa dadaanan ko." Utos ko sa lalaki.

Agad syang umalis ng tumatakbo.

________

"Babe anung gusto mo?" Tanong ko kay Jeicy.

"Gusto ko babe itong Fried chicken saka itong fries." Sagot ni Jeicy sa akin.

"Spicy din kukunin mo diba?" Tanong ko sa kanya.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon