I'M LETTING YOU GO

0 0 0
                                    

"Loveeeee puntahan mo 'ko." Pagbasa ko sa text ng girlfriend ko kaya dali dali na akong nagbihis.

Kumuha muna ako ng damit ko at nagayos ng gamit, "Love wag na pala, andito na si Blake." Biglang text nito.

Para akong nanlamig sa nabasa ko, s'ya nanaman? Simula nung naging kami ni Freya lagi ko na syang ka-kompitensya.

Boy best friend s'ya ni Freya at mas nauna siya kaysa sa akin kaya ayokong magreklamo.

Noong una palang alam kong may kakaiba na silang nararamdaman para sa isa't-isa pero wala akong magawa, ganun talaga siguro pag mahal mo kahit masakit tatanggapin mo nalang.

Ako yung nobyo n'ya pero para lang kaming magkaibigan, option lang ako.

Lagi akong talo pag andiyan na si Blake.

Pero si Freya naman ang mahal ko at hindi s'ya kaya wala na akong pakealam sa namamagitan sa kanila.

Ang importante ginagawa ko yung makakaya ko para sa girlfriend ko.

-

"Love, happy anniversary!" Bati ko kay Freya at hinalikan sa noo, binigay ko rin sa kaniya ang kuwintas na dala dala ko.

"Tss, ano ba 'to Mark! Bakit ito lang niregalo mo? Silver? Ang ini-expect ko ay gold na 24 karat!" Nagpapapadyak na aniya.

Napayuko ako sa hiya.

"Pasensya na.. Iyan lang kinaya ng sinahod ko eh.." Nakayukong paumanhin ko.

"Buti pa si Blake binilhan ako ng gold na relo psh, wala ka talagang kwenta!" Bulyaw nito sa akin at iniwan ako.

Nauna na itong maglakad kaya hinabol ko ito, "Love naman." Pakiusap ko rito.

"Ano?!" Galit na tanong nito.

"Ano bang nangyari sa'yo? Nag-away ba kayo ni Blake?" Tanong ko rito, parang ako pa yung kaibigan nya ah.

"Oo, nakita ko s'ya na may kasamang ibang babae tapos hinalikan niya at---" Hindi nito natapos ang sasabihin niya at bigla nalang akong nasampal sa pagkabigla niya.

Napahawak ako sa pisnge ko, umalis na si Freya at sumakay na sa sasakyan niya.

Nagbagsakan na ang mga luha ko, grabe ka talaga Freya.

Umuwi nalang din ako at nag-umpisa ng manlamig.

-

"Love.." Pag-send ko ng VM kay Freya.

"Love, mahal ko.. Baby ko.. asawa ko.. Nag-aalala na ako.. nasaan ka na ba mahal ko?" Lumuluhang sambit ko habang nagrerecord ng boses ko.

"Hihintayin kita ah.. Pag-abot ng 12:00 pm bukas tapos wala ka pa.. matutulog muna ako." Paalam ko rito.

"Love, mahal mo kaya ako?" Malungkot na tanong ko rito.

"Love, minahal mo ba 'ko?" Sunod na tanong ko.

"Love, alam mo ba? Syempre hindi pa HAHAHA pero ipapaalam ko na.. Malapit na kong kunin ni Papa." Malungkot na kwento ko rito.

"Pero love 'wag kang mag-alala babalikan kita promise."

"Love mahal na mahal kita kahit mahal mo iba." Lumuluhang wika ko.

"Loveee ang ganda ganda mo." Puri ko rito.

"Alam mo ba love? Noong una kitang nakilala napatingin agad ako sa'yo sabi ko sa sarili ko, 'Ito yung babaeng papakasalan ko' HAHAHAH ang korni love pero totoo 'yun." Nakangiting kwento ko rito.

"Tapos love ang hinhin-hinhin mo, napakabait mo pa."

"Tapos love mas lalo akong nahulog sa'yo noong tinuruan mo 'ko sa isa nating assignment dati."

"Napakaganda na nga ang talino pa, ang bait pa. Kaya sobrang mahal kita."

"Ang korni love pero inlove na inloveako sa'yo, ginayuma mo ko 'no?! HAHHAHA." Biro ko rito.

"Joke love, pero seryoso mahal na mahal talaga kita. Kaya kong isakripisyo lahat sa'yo."

"Love yung binigay kong necklace sayo, pinag-ipunan ko 'yon. Hindi ako kumakain ng maayos at halos puyat ako no'n para mabili yun. Hindi ako nagpapaawa, gusto ko lang malaman mo na galing yun sa sarili kong bulsa love HAHAHA ganito ata love pag nagmamahal lahat gagawin mo."

"Kaya sana 'di ka mawala sa akin kasi sobrang mahal kita at hindi ko talaga kaya."

"Love.. I love you."

"Lagi nalang ganito, isipan ay.. Gulong-gulo.." Pagkanta ko ngunit di ko na naituloy ng bigla akong kinapos ng hininga.

Sinend ko agad ito at kinuha agad ang gamot ko.

"Love.. Hindi na kita makakantahan.. hihintayin nalang kita."

Yeah, may ashtma ako.

"Mahal na mahal kita."

Naghintay ako mula 8:00 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Natulog muna ako at hinintay ko si Freya sa park.

"Love, hintayin kita doon ah? Bibilhan kotang ice cream. Favourite mo yun eh."

Dumating na nga ako doon ngunit wala akong naabutan na Freya, naghintay ulit ako ng dalawang oras ngunit wala talaga s'ya.

8:00 na ng gabi, "Love ko? Uuwi na ako wag ka ng pumunta ah? Baka mapahamak ka pa. I love you." Send ko dito ng voicemail.

Umuwi na ako at doon na nagmukmok sa kuwarto.

-

Dumaan ang isang linggo ngunit wala pa ring paramdam si Freya, hindi ko na ito kinulit at nanahimik nalang.

Masakit pero unti-unti ko na iting kinakalimutan.

Mukang hindi niya na ako kailangan.

-

"Mark!" Tawag sa akin ni Freya ng makita niya akong naglalakad sa tabing kalsada, nginitian ko lang ito at nagpatuloy na sa paglakad.

"Mark! Anu ba?!" Hinatak ako nito sa braso at pinaharap sa kaniya.

"Bakit, Freya?" Tanong ko rito ng blangko ang expression.

"Ako ang dapat na magtanong! Bakit hindi ka na nagpaparamdam ha?!" Galit na tanong nito sa'kin.

Kung dati ay nadadala n'ya ako sa kaunting pagsigaw niya, ngayon ay hindi na.

Dati takot ako pag galit siya pero ngayon hindi na.

Dati iniintindi ko siya ngayon hindi na.

Pagod na 'ko.

"Ikaw bakit hindi mo sinabing kayo na ni Blake?" Nakangiting tanong ko rito, ngiting sarkastiko.

Nagulat ito at bigla biglang lumuha.

"W-wala na kami Mark.. nag-break na kami.. sorry.." Umiiyak na aniya at akmang yayakapin sana ako ng umiwas ako.

"Tapos na tayo."

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

May 23, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon