FORBIDDEN LOVE

2 0 0
                                    

FORBIDDEN LOVE

Naglalakad ako dito sa gubat ng may mamatahan akong malaking lalaki.

Hindi lang s'ya bastang matangkad, masiyado siyang malaki para sa isang tao.

Napalingon ito sa kinatatayuan ko kaya napukaw nito lalo ang aking atens'yon.

Napasinghap ako ng maramdamang papalapit na ito sa'kin, agad akong lumiko sa ibang daan.

Hindi ko kabisado ang gubat na ito at bago lang ako dito sa probins'yang ito, napadpad lamang ako dito dahil sa pagiging curious ko.

Sabi-sabing may lalaki daw dito na gwapo sa gabi at pangit sa umaga kaya napagdesisyunan kong pumunta rito.

Baka dito ko na mahanap magiging asawa ko eh hahahahaha.

"Bawal ang mga tao rito." Nanlaki ang mga mata ko at di makapagsalita ng tinakpan nito ang bibig ko at hinila pabalik.

Halos manginig ako sa takot, sobrang hahaba ng mga talahib at wala akong makitang kabahayan.

Tanging malaking puno lang na puro alitaptap.

Hindi ko maikilos ang katawan ko, nang maramdaman niya na hindi na ako makagalaw ay binuhat niya ako.

Nanginginig pa rin ako sa takot ng ibinaba niya ako, namumula ang mga mata nito at hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ito.

"Isa akong lobo." Napanganga ako dahil sa sinabi nito parang nababasa niya ang aking isipan.

"Nababasa ko nga." Napatingala ako sa kan'ya, nag-iwas lamang ito ng tingin at umakyat sa puno.

Pagbaba nito ay an'yong tao na ito at nakakamangha..

Hindi ko napansing nakanganga pa pala ako ng nasa harapan ko na ito.

Napasimangot ako ng itikom nito ang mga labi ko, pagtapos niyang gawin 'yon ay nag-iwas nanaman ito ng kan'yang paningin.

"B-bakit mo 'ko dinala rito?" Takang tanong ko at pilit hinuhuli ang paningin niya.

"Ikaw ang dapat tanungin ko n'yan, bakit ka nandito sa kalupaan ko?" Biglang nagsalubong ang mga kilay nito ng humarap sa akin.

Gumapang nanaman ang kaba sa aking dibdib, napaatras ako ng lumapit ito sa'kin.

Gusto ko sanang sabihin na gusto ko ng mag-asawa ng lumapit nanaman ito.

"At sa tingin mo'y naririto ang mapapangasawa mo?" Sarkastikong tanong niya at halos i-dikit na ang katawan n'ya sa'kin.

Napasinghap nanaman akong muli ng amuyin nito ang aking leeg, huminto ito roon.

Tiningnan ko din ang tinitingnan niya, "Manyak!" Agad ko siyang tinulak palayo.

Nakatingin lang pala ito sa dibdib ko, nakasando lang kasi ako at naka-jacket.

Tumawa ito at doon umaliwalas ang awra niya, akmang lalapit sana ako ng pinigilan ako nito at tumigil sa pagtawa niya.

"D'yan ka lang." Blangkong emosyon lamang ang nakikita ko sa kaniya.

Napahinto ako at napayuko, med'yo napayuko ako sa pagkapahiya.

Gusto ko lang sana na tingnan ang mga mata niya na kulay putik at mga labi niyang mapupula.

Ngayon ko lang napansin na wala pala itong damit pang-itaas kaya napatalikod ako.

Ang mga balikat niyang malalapad at ang dibdib niyang-- Stop!

Umiling iling ako at humarap, Hinubad ko ang jacket ko at nakapikit na inabot ito sa kan'ya.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon