ANAK

5 0 0
                                    

📌ANAK

Naglalakad kami ngayon ni Jason pauwi dahil nag date kami HAHA.

Live in kami at legal kaya ok lang atsaka may sarili na kaming bahay.

Nang makauwi na kami ay sinarado ko na lahat ng bintana pati ang pintuan dahil hapon na rin.

Dumiretso si Jason sa kwarto namin at ako ay naiwan sa kusina para magluto.

Natapos ako sa pagluto kaya tinawag ko na si Jason.

"Jason! Kain na tayo bilisan mo!" Sigaw ko.

"Oo, Wait lang maghuhubad na ko!" Sagit nya pabalik kaya natawa ako HAHAHA.

"Ang manyak mo gago! Kakain tayo ng pagkain hindi magkakainan!" Sigaw ko ulit.

Lumabas syang kwarto na tawa ng tawa.

'Parang baliw tss.'

"Oo na nga yab! kakainin kita mamaya.." Sagot nya kaya pag lapit nya binatukan ko agad sya.

"Gagu ka tss.." Bulong ko.

"Kumain ka na nga lang! tss.. Ingay ingay mo." Ani ko.

Natapos kaming kumain kaya hinugasan ko na agad ang mga hugasin atsaka pumuntang kwarto upang kumuha ng damit para maligo.

"Di ka mag ha-half bath?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan." Sagot ni jason kaya tiningnan ko sya na parang diring diri HAHAHA.

"Kadiri ka mag-halfbath ka don! Asimi asim mo eh! Yucks!" Ani ko na parang dumi yung kausap ko HAHAHAHA.

Sumimangot sya at saka sumagot.

"Oo na! Pagtapos mo! Ayusin mo lang na mabango ka pagtapos ah! Kundi lagot ka saken!" Aniya.

"Opo mister!" Saka na ko pumuntang banyo.

Paglabas ko ng pinto ay hinalikan agad ako ni jason sa labi kaya sinampal ko sya.

Mahina lang naman HAHAHA.

"Yucks! Wala ka pa nga toothbrush eh!" Sabay sama ng tingin sa kanya.

"Ok lang yan lab mo naman ako eh.." Saka nya ko niyakap saka hinalikan sa noo.

Hinalikan ko na rin sya sa pisnge at pinapasok na sa banyo.

Natapos na syang magpunas kaya humiga na kami pareho.

" Yab! pano kung buntis na ako?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga.

"Edi maganda.. Magkakababy na tayo.." Sabay ngiti nya sa akin at hinalikan ulit ako sa labi.

"Gusto ko pag nagka-anak tayo, Babae tapos pareho kayong mata at labi.. Tapos gagawin natin syang model ng damit HAHAHAHA." Nakinig lang ako sa kanya habang pinapanood din syang magsalita.

"Tapos gusto ko Girly anak natin para cute.. Gusto ko ring pareho kayo lagi ng suot.. Ayoko rin ng sasaktan natin sya.. Gusto ko pag dinisiplina natin sya ay magpapaliwanag tayo para maintindihan nya at di sya magtanim ng sama ng loob.. Sana lumaki din syang mabait,May takot sa dyos at bibo HAHA." Mahabang dagdag nya.

Nagulat ako pumunta sya sa may tyan ko at tinaas ang damit ko.

"B-bakit mo tinaas yan?" Tanong ko.

"Dedede ako sayo HAHAHA joke." Sabi nya at saka hinalikan ang bandang puson ko.

"Baby? Alam mo ba? Nag date kami ni mommy kanina.. Kahit ang bad ni mommy mo.. Love ko sya pati ikaw.. Pag labas mo dapat kyut ikaw ah? Para may baby na kami ni mommy mo." Kausap nya sa tyan ko HAHAHA muka man syang baliw pero ang sweet nya dito HAHA.

"Yab.. Buntis ako.. Nag PT na ko kanina.." Sabi ko.

"Yehey! May baby na ko! HAHAHAHHAHA." Tuwang tuwa sya tsaka ko hinalik halikan at pumunta sa tyan ko tsaka iyon hinalikan.

Dumaan ang Anim na buwan..

Di namin inaasahan ang nangyari..

Nawala ang iniingatan naming kayamanan..

Nawala sa isang iglap lang..

Nakunan ako dahil nadulas ako..

Parang binagsakan ako ng langit at lupa..

Wala na kong ibang ginawa kundi umiyak at sisihin ang sarili ko..

'Kasalanan ko ang lahat ng ito..'

"Y-yab.. Pasensya na ah? di ko kayo nabantayan ni baby.. Sorry talaga.. Wag mo na sisihin sarili mo yab.. Si baby natin na kay lord na sya.. Nakabantay sa atin.. Nasa mabuting kalagayan ang anak natin yab.." Umiiyak na ani ni Jason dahil sa awa sa akin.

Dumaan ang maraming taon..

Andaming taon dahil di kami nabiyayaan ulit ng magiging anak..

10 Years later..

Nabuntis ulit ako at maayos kong naipanganak ang pangalawa kong anak..

"Baby! Hali ka dito mag pose ka nakaganito oh!" Utos ni Jason sa anak naming si Yayesha habang kinukuhanan ng litrato.

Napangiti ako..

Answerte ko sa tatlong anghel ng buhay ko..

Nilapitan ko silang dalawa at saka pinanood..

"Sayang baby.. Kung buhay pa si mommy mo ansaya natin ngayon.. Kaso wala na sya eh.. Nasa heaven na sila ni kuya Jace mo.."

✒:Zellen Smith

Dec. 1, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon