MYSTERY

1 0 0
                                    

[TAKE TIME TO READ THIS]

-3 years old-

"Mama ano po yung nakikita ni bunso?" Talang tanong ko sa aking ina.

Hindi nito alam ang isasagot kaya nginitian lang n'ya ako.

Bata pa lang ay namulat na ako sa mga kababalaghan.

-4 years old-

"Papa jesus! Tulungan mo po ako!" Umiiyak na sigaw ng kapatid ko habang nakalutang, 3 taon palang ito ngunit nakakadanas na ng ganito.

Nakatanga lang ako habang nakatingin, hindi ko alam ang nangyayari.

Nagdasal ng nagdasal ang kapatid ko habang umiiyak, "Papa jesus, 'wag niyo po akong ibibigay sa kaniya." Nakapikit na wika niya.

Gulat akong lumingon ng nasa likod ko na ito at puro itim na ang mata niya, wala ng puti at nakatingin sa akin.

"Ate, laro tayo." Nakakatakot ang ngiting ibinigay nito habang nakahawak sa laylayan ng damit ko.

"Anong nakikita mo? Totoo bang nakakakita ka ng multo?" Sunod sunod na tanong ko sa aking bunsong kapatid ngunit nawalan ito ng malay.

"SANA MAKAKITA RIN AKO NG MULTO." Nakangiting hiling ko habang nakangiti.

-5 years old-

Unti-unti ng tumitigil ang panggagambala ng mga laman lupa sa aking kapatid.

Alas-tres ng madaling araw, akmang pupunta ako sa banyo ng makita ko ang kaluluwa ng kuya ng kalaro ko.

Imbes na matakot ay nagdasal agad ako at nagtalukbong ng kumot.

Iyon ang unang beses kong makakita ng multo.

-6 years old-

"Tita maila, busog na busog po ako tapos nahihilo ako ang sarap kasi ng luto ni lola." Pagrereklamo ko habang nakahawak sa tiyan ko.

Nag-iigib kami ngayon rito sa balon kasama ang ninong ko at tita ko.

Madilim ang paligid, ilog ang baba ng balon at walang bahay.

"Baka high blood ka na beh." Tumatawang wika ng ninong ko at sabay silang tumawa ng tita ko.

Pagtingin ko sa likod ng ninong ko ay may babaeng nakatingin sa amin, nagtatago sa likod ng malaking bato sa likuran ng ninong ko.

"Tita, nakita mo yung babae? Nagtago siya bigla d'yan sa malaking bato." Wika ko.

Nanlaki ang mga mata nito at binilisan na nila ang pag-igib at agad na kaming umuwi.

-7 years old-

Nakita ko ang aking sarili sa ibang henerasyon kung saan isa ako sa pinakamataas na antas ng uri ng tao.

Iba ang aking kasuotan at ibang tao rin ang aking kga nakakasalamuha.

Nakangiti ako sa isang panaginip, masyado pa akong bata noong oras na iyon kaya imposibleng makita ko ang itsura ko ngayong dalaga na ako.

Isinawalang bahala ko na ito.

-8 years old-

Nasa ika-apat na baitang na ako at kailangan kong magbanyo dahil ihing ihi na ako.

"Maam, may i go out?" Nakataas kamay na paalam ko, tumango naman ito.

Dahil malapit na ang uwian ay nagmamadali akong mag-banyo.

Wala na akong kasabay umihi ng oras na iyon dahil nakauwi na din ang mga estudyante sa kabilang building kaya nagmamadali ako.

Pagtingala ko ay gulat akong napatingin sa isang babae.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon