I'LL NEVER LET YOU GO

1 0 0
                                    

I'LL NEVER GIVE UP

"Ayoko na Cathy!" Bulyaw sa'kin ni Diego habang itinutulak.

"Bakit? Ano bang nagawa ko?" Lumuluhang tanong ko at tumingin sa mga mata niya.

"May iba na ako! Ayoko na sa'yo, magkakaanak na kami. Layuan mo na ako, ginamit lang kita para bumalik siya." Parang gumuho ang mundo ko sa mga salitang binitawan niya.

Tumango lamang ako at ngumiti, "Congrats.." Tila bulong na wika ko at tumalikod na.

Iyon pala ang dahilan kung bakit gusto niya nang makipaghiwalay.

Dumiretso ako sa pinakamalapit na bar at agad na umorder ng hard liquor.

Pagkadating ng inumin ay dahan dahan ko itong dinampot at dahan dahang ininom habang nakatingin sa mga taong nagsasayawan.

Nakatitig lang ako sa baso pagkatapos uminom, hindi ako makaiyak.

Nasasaktan ako na ewan, masakit lamang ang aking lalamunan at parang nap-pwersa ang mga mata ko.

Wala akong kasama kaya nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng wine glass, umiling-iling lang ako at muling ininom ang natitirang wine.

'May kulang kaya sa'kin?' Tanong ng aking isipan.

'May mali ba sa'kin? Nagkulang ba ako?'

Mukang hindi naman, wala akong pagsisisihan.

Dumaan ang isang bwan at unti-unti kong natatanggap ang nangyari, walang paramdam si Diego.

Umaasa akong babalik pa siya pero tinatanggap ko ng may iba na siya at maaaring wala ng pag-asang bumalik pa.

Iniisip ko ang aming nakaraan, napangiti na lamang ako sa mga natitirang ala-ala.

"Diego! Punta tayo doon, ice cream tayo!" Masayang aya ko at hinila siya papunta sa bilihan ng ice cream, nakangiti ito habang nagpapahila sa'kin.

Muntik na kaming madapa kaya mas lalo kaming nagtawanan, "Hahahaha! Ba't kasi sobrang lapit mo hahahaha!" Ani ko at naglabas na ng pera para bumili ng ice cream.

"Eh kasi ikaw e, treat kita mamaya ng cotton candy. Pagtapos niyan hahahaha." Biglang aniya, parang lumiwanag ang paligid ko sa sinabi niya.

"Wow first time manlibre! Sige, 'di ko 'yan aatrasan! Hahahahaha!" Tumatawang ani ko at lumakad na hawak hawak ang kamay ni Diego, 1st anniversary namin at ito lang ang nakayanan. Pareho pa kasing studyante.

Natawa nalang ako habang kinikilig sa ala-alang 'yon, mababaw lang ang kaligayahan ko. Kaya sobrang saya ko na sa panlilibre niyang 'yon.

"Sunduin kita diyan mahal." Text ni Diego kaya agad na akong nagbihis, alam naman niyang wala akong load kaya didiretso na 'yun dito.

Nagsuot lang ako ng puting long sleeve at pantalon na itim, paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Diego sa sala.

Nakaupong pandekwatro at nakangiting nakatingin sa'kin, "Ang ganda naman ng asawa ko." Nakangiting wika niya at inakbayan ako, "Siraulo ka, tigilan mo nga 'ko. Girlfriend mo lang ako duh." Uma-attitude na sagot ko.

"Ayy ayaw mo bang maging asawa ko?" Nakangusong tanong niya kaya pinitik ko ang mga labi niya at nauna ng maglakad, pabebe psh.

"Ayaw mo nga?!" Gulat na tanong nito at humabol sa'kin, "Mahal ayaw mo? Mahal naman, sabi mo papakasal tayo tapos hindi naman pala. Barbero ka! Kababae mong tao pafall ka! Kagatin kita e!" Dugtong niya habang sumisinghal.

Napailing na lang ako at hinalikan siya sa pisnge, "Halika na, ang daldal mo. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sa puso ko." Sinamaan ko ito ng tingin at pinisil ang palad niya, "Sa mall lang, magpapahangin lang tayo. Poor kid lang naman tayo kaya tatambay lang tayo, saka na tayo mamili pag mayaman na tayo." Natawa ako sa sagot niya, parang timang.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon