PINAASA

1 0 0
                                    

"Hi miss! Hoy babae pansinin mo 'ko." Pagpapapansin ni Hayden.

Hindi ko ito pinansin at naglakad na papuntang room.

"Sungit mo talaga, kumain ka na?" Pangungulit nito sa'kin.

"Oo, ikaw?" Tanong ko din pabalik.

"Oo din, mamaya ihahatid kita sa inyo ah?" Paalam niya.

"Sige lang." Sagot ko at dumukmo dahil kanina pa ako nahihilo.

"H-hoy ok ka lang ba?" Tanong nito sa'kin.

"Oo naman, bakit?"

"Namumutla ka.." Hinawakan nito ang muka ko at noo ko.

"Ang init mo!" Agad ako nitong binuhat at dinala sa clinic, "H-hoy ibababa mo 'ko!" Pag angal ko pero 'di niya ako ibinababa.

"M-miss painumin niyo po siya ng gamot, ang taas ng lagnat niya." Nagaalalang wika niya at lumabas.

Binigyan naman ako nito ng gamot at pinagpahinga.

Pagbalik ni Hayden ay may dala na itong mga pagkain.

"Kumain ka ah, kailangan mo 'to." Aniya habang kinukuhanan ako ng mansanas.

Nakapag skip din tuloy siya ng dalawang sub.

Bumalik na kami sa room ng medyo bumaba na ang lagnat ko, ayoko ding umuwi may test kami sa isang subject.

"Ok ka na ba talaga Kianna?" Tanong nito sa'kin.

"Oo naman." Sagot ko at naunang pumasok sa room.

"Thank you Hayden ah." Nakangiting pasasalamat ko.

Tinanguan lang ako nito at umupo na sa upuan niya.

-

Uwian na kaya nagmamadali ang lahat makalabas, "Akin na bag mo." Biglang sulpot ni Hayden.

"K-kaya ko na 'to.." Nakayukong wika ko.

Pero mapilit si Hayden kaya ibinigay ko na ang bag ko, isinakay niya ako sa motor niya at dahan-dahang nagmaneho.

"Kumapit ka sa'kin." Utos niya kaya humawak ako ng unti sa bewang niya.

Bigla niya itong binilisan kaya napayakap ako sa kaniya, "HAHAHAHA! Aayos ka din pala eh."

"Diyan mo lang kamay mo!" Aniya ng akmang babawiin ko na ang kamay ko.

Bumaba na ako at kinuha ang bag ko, "Thank you ulit.." Nakayukong wika ko at nginitian siya.

Ginulo nito ang buhok ko, "Wala yun, pasok ka na. Titingnan kita." Utos niya kaya kinawayan ko na ito pagpasok ko sa gate namin.

Umalis na din ito pag pasok ko.

-

"Aalis na po ako Mama!" Paalam ko kay Mama at lumabas ng gate.

"B-bakit ka andito?" Gulat na tanong ko kay Hayden.

Ngumiti ito, ang gaganda ng mata at ngipin niya pati na rin ang ngiti niya.

Nitong mga araw ay napapansin kong Gumagwapo siya sa paningin ko at hindi ko na siya sinusungitan.

"Hoy! Sabi ko sakay na." Nagulat ako ng nakasakay na ito sa motor niya kaya umangkas na din ako.

Lagi niya na akong hinahatid sundo simula noong nagkasakit ako.

"Salamat." Hinintay ko itong matapos sa ginagawa niya sa motor niya.

Sumabay na din ako sa kaniya dahil nakakahiya naman kung mauuna ako.

"Akin na bag mo, alam kong madami nanaman 'yang libro." Aniya at kinuha ang bag ko.

Napayuko nalang ako sa hiya, bakit ka ba ganito?

Halos hindi na ako makahinga sa kaba.

Nang makarating kami sa room ay inilapag niya sa upuan ko ang bag ko.

"Salamat!" Nakangiting ani ko at nginitian pa siya pag punta niya sa upuan niya.

Napangiti nalang ako, ganado na akong magrecite dahil nanunuod si Hayden.

Pakitang gilas HAHAHA.

Nagulat nga si Mama dahil ang tataas ng grades ko ngayon.

Pauwi na kami ng kinuha ulit ni Hayden ang bag ko at hinatid ako sa bahay.

Nasanay na ako at hindi na masyadong naiilang dahil mabait naman pala siya.

"Ba-bye! Thank you!" Nakangiti akong kumaway ulit sa kaniya.

"I love you misis ko HAHAHAHA! Aasawahin pa kita, pasok na sisilipin kita." Banat niya kaya namula ako.

Pumasok na ako sa loob para hindi niya makita.

-

"Mama alis na po ako!" Paalam ko at lumabas na.

Ngunit.. wala si Hayden.

'Baka may ginawa lang'

Nagcommute nalang ako at pumasok agad sa room ng nakangiti.

Ngunit nawala ang ngiti ko dahil may kasiyahan sa room, nakaluhod si Hayden sa harap ni Angela.

"Will you be my girlfriend?" Tanong ni Hayden ng nakangiti kay Angela.

"Y-yes!" Lumuha si Angela, masaya siya sana lahat hehe.

Napatalikod nalang ako at pumunta sa likod ng building kung saan walang tao.

Nagsmula ng maglaglagan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"A-akala ko ako yung gusto mo.." Umiiyak na wika ko, ang sikip sikip ng dibdib ko.

Parang may nakabara sa lalamunan ko.

"M-may mali ba sa'kin?" Umiiyak na tanong ko sa sarili ko.

"S-sobrang pangit ko ba talaga?" Umiiyak na tanong ko sa sarili ko.

"A-ang sakit s-sakit!" Umiiyak na wika ko at hinampas ang dibdib ko.

"A-ayoko 'tong maramdaman! Ayoko nito.." Umiiyak ako dito sa mga puno banda, iyak ako ng iyak.

"H-hindi naman ako gumawa ng ikasasakit mo! Bakit ako pa yung napili mong saktan?!" Umiiyak na tanong ko.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa wala na akong maiyak, lumabas lang ako ng mag-uwian na.

Umuwi na agad ako at hindi pinansin sila mama, agad akong nagmukmok sa kwarto.

-

Pinili kong magpa-late ngayong araw para may nagtuturo na pagpasok ko.

"Good afternoon, i'm sorry i'm late." Nakayukong paumanhin ko.

Pag-angat ko ng tingin ay nakangiti sa akin si Hayden.

Hindi ko ito pinansin at naupo na sa upuan ko, dumukmo na ako dahil tatanungin nila ako pag nakita ang maga kong mata.

Pag recess ay bumaba na ako sa canteen at bumili lang ng isang biscuit dahil hindi naman ako gutom, dumiretso ulit ako sa pinuntahan ko kahapon.

Habang nagbubukas ng pagkain ay tumulo nanaman ang luha ko, "Bakit sa'kin 'to nangyari? Nananahimik ako.. s'ya 'tong pumasok sa buhay ko na hindi ko naman ginusto.."

"Ayoko na, last na 'to.. hindi na ako magmamahal ulit."

Written By ZELLEN SMITH/ Franzen

June 24, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon