MALING AKALA

2 0 0
                                    

📌MALING AKALA

"Mahal?" Maluha-luha kong tanong sa taong nasa harapan ko ngayon.

"Bakit mahal ko?" Nagtatakang tanong nya.

"Bumalik ka?" Tanong ko habang lumuluha.

"Di naman ako umalis lev haha." tumatawang sagot nya.

Kaya wala na kong inaksayang panahon, Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

'Bumalik nga sya.'

"Jake alam mo?"

"Ano?"

"Miss na miss kita." sagot ko.

"Pero bumalik ka.. Kaya napawi lahat iyon.." Maluha luha ko nanamang sabi.

"Shh andito na ko oh.. Wag na umiyak." Nakangiting aniya.

Kaya niyakap ko ulit sya.

'Sana sa pagbukas ng mga mata ko andito ka pa rin.'

'Sana hindi ito panaginip.'

'Sana ako pa rin talaga.'

Nagising ako.

Nagising akong may luha sa mga mata.

"S-sino k-ka ba-a?" Humihikbi kong ani.

"Isa ka lang namang mahirap. Pangit at walang tinapos sa pag-aaral." Humihikbi ko pa ring usal.

"Limang taon na ang nakalipas.. Pero di pa rin kita makalimutan."

Bumangon na ako sa aking hinihigaan at naligo para pumasok sa aking trabaho.

Andito na ko sa aking pinagt-trabahuhan.

'Muling makikita nanaman kita.'

Pumasok na ko at saka sinarado ang pintuan.

"Oh anjan ka na pala levy." Ani ni jake.

'Sana pwede mo pa ulit akong tawaging 'mahal' sana maulit yon.'

"Oo boss aga ko noh? Haha." pilit na tawang usal ko.

"Oo nga eh haha." nakangiting usal nya habang nakatutok pa rin sa laptop nya.

"Hmm wala po ba kayong iuutos?" Tanong ko.

"Ahh meron! Di pa ko nakakapag kape eh."

"Paki-bili mo ko jan sa malapit na cafe ng ice tea."

"Sige po." nakangiti kong usal tsaka pumunta doon sa cafe.

Tatawid na sana ako ng may paparating na bus.

Di ko ito napansin.

Alam kong nabangga ako nito.

Nandidilim ang paningin ko.

Napahawak ako sa aking ulo.

"A-andaming d-dugo."

✒:Zellen Smith
Credits to the real owner of this photo (Ctto)

Nov. 15, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon