IBALIK ANG LANDIANG NAGDAAN

0 0 0
                                    

📌IBALIK ANG LANDIANG NAGDAAN

"Uyy? Bat di mo na ko china-chat?" Nagulat ako dahil may nag-chat sa akin.

"Wow first time!" Bulong ko sa sarili ko.

'Uyy bat di mo na ko china-chat?'

Pagbasa ko sa chat ni Clyde.

"Potaaa? Ako pa mag-aadjust? Obligasyon ba kitang i-chat taon-taon o araw-araw ha?" Pagsasalita ko mag-isa na parang akala mo talaga kaharap ko sya.

"Ahh? Wala naman kasi tayong pag-uusapan." Sagot ko sa chat nya, Yan! Buti nga sayo.

"Ahh ganun ba? Hehe.. May jowa ka na?" Wow ambilis mag-reply halatang walang ka-chat.

"Bakit?" Tanong ko saka nagshare ulit ng mga Memes.

"Wala, meron na nga?" Tanong nya ulit kaya natawa ako.

Pagkatapos mo akong ipag-palit sa Lecheng Raven na yun, babalik ka?! After 1 year ha?!

"Bakit nga?" Tanong ko ulit saka gigil na naghintay sa reply nya.

"Wala, liligawan sana kita." Sagot nya kaya natawa ako, Di mo nga ko niligawan dati tapos ngayon liligawan mo ko?!

"Ahh, ayoko pa bata pa ko saka magagalit Tita ko satin." Sagot ko, duh hindi kami pwede hindi kami mag-pinsan pero hindi kami pwede.

"Balik ka na kasi sakin.." Nagulat ako sa chat nya saka tumawa HAHHAHAHA siraulo ka ba? Ano ako marupok?

"Oo na.. Basta wag mo ng uulitin yun ah?" Reply ko HAHAHHAHAHA gago! Tama kayo marupok nga ko HAHAHAHA.

"Sige po, i love you." Chat nya, yieehhh! I love you daw! I love you too sagad!

"I love you too po, prinSiPi Qouu" Pag reply ko saka tumili sa unan ko.

"Kelan graduation nyo?" Tanong nya kaya agad akong nagtipa saka sya nireplyan.

"Sa April 05." Sagot ko ng nakangiti.

"Nice! Congrats mahal qou" Shit kakakilig.

"Ga-graduate na tayong elementary.. Sana di ka maghanap ng iba, i love you ulit" Yieehh elem me nemen ne ekew leng bebe ke debe po?

"I love you too hihi, syempre ikaw lang." Pag-bawi ko saka ngumiti-ngiti.

Tumayo ako para mag-cr kaya naiwang bukas ang account ko.

"Shit kala ko iihi lang ako, natatae na ko! Naghihintay na asawa ko." Pagsasalita ko mag-isa sa loob ng banyo.

"Ohh nanana~ Ohh nanana~" Pagkanta ko sa loob ng banyo saka tumayo na at naghugas.

Paglabas ko ng cr ay andyan na si Mama at hawak hawak ang cellphone ko.

"Ano to ha?! Grade 6 ka palang nagbo-boyfriend ka na?! Halika dito!" Sumenyas si mama na lumapit ako kaya tumakbo na ko agad dahil may hawak na syang Hanger.

"Waaah!! Joke lang yan ma!" Umiiyak kong sabi saka umilag ilag sa palo nya.

'Sabi ko nga di na kita babalikan eh!'

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

March 3, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon