DI NA BABALIK

2 0 0
                                    

📌DI NA BABALIK

"Anu ba?! San ka nanaman pupunta?! Pag tapos nating mag-away at wala kang matinong rason ay aalis ka nalang ng walang paalam?!" Sigaw ko kay Keil.

'Dyos ko pagod na pagod na ako..'

Di sya sumagot at tuloy tuloy na naglakad.

Umiyak na lang ako sa isang tabi.

'Grabeng pagpapahirap mo sa akin.. Keil.. Mahal ko.. Di ka naman ganyan ah? Siguro'y kasalanan ko.. Pasensya na't ito lang ako..'

Pagkatapos kong umiyak ay tumayo na ako at nagluto na parang walang nangyari.

Nilutuan ko sya ng pagkain nya para sa pag-uwi nya.

Umuwi na sya ng Ala-una ng umaga.

Di na ako sumagot o tumayo.

Natulog nalang ulit ako saka patagong lumuha.

'Wala na ba talaga? Di ka na ba talaga maibabalik sa dati?'

"Babe date tayo?" Tanong ni keil sa akin.

Unti-unting umaliwalas ang aking muka at saka tumango.

Lumabas kami at pumuntang Seven-Eleven para bumiling ice cream.

Binilhan nya ako dahil nga naiinis ako sa prank nya kanina na may ibang babae na syang mahal kaya di ko sya pinansin maghapon.

Nandito kami ngayon sa may bench ng park at nanunuod na ng mga bata na naglalaro.

"Babe.. Sorry sa attitude ko ha?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Ok lang babe.. kahit sino naman siguro ay di matutuwa sa ganon.." Sagot nya habang nakatitig sa akin.

Bumalik sa aking ala-ala ang aming nakaraan kung saan ay buo pa ang aming pagmamahalan.

"Hayystt.. Nakaka-miss.. Di na kita maibalik sa dati.. Siguro'y masaya ka na nga sa piling nya.. Oras na siguro para pakawalan na kita Keil.. Basta andito lang ako twing kailangan mo ako.. Pasensya na kung aalis akong walang paalam.. Pag kausap lang sa tulog mong katawan.. Hysstt.. Bat kasi tayo andito babe.. Kaya pa sana natin tong lagpasan.. Kaso ikaw na yung nagpaparamdam na pasuko ka na.. Kaya para di ka na mahirapan ako na didistansya sa iyo.. Sana alagaan ka ng babaeng mamahalin mo ah? Sana mahalin ka nya higit sa pagmamahal ko.. Sana'y di sya mahirap suyuin tulad ko para di ka mahirapan.. Mahal na mahal kita.. Keil.. Gusto ko pang kumapit.. Pero bumitaw ka na.. Anong gagawin ko Keil? Sumusuko na rin yung puso ko.. Nawawalan na rin ako ng pag-asa.. Pag-asang maisasalba pa.. Masasalba ang ating relasyon.. Tagal na rin natin noh? 8 years na rin pala tayo.. HAHA pero bat ganon? parang isang linggo lang iyon... Kulang ang walong taon para sa akin.. Sana talaga mas minahal kita eh.. Mas inalagaan.. At mas inintindi.. Kung ginawa ko siguro iyon? Siguro'y wala tayo ngayon sa dulo ng ating pagmamahalan HAHA.." Umiiyak na tumatawa kong pagkausap sa kanya.

"Keil alam mo? mahal na mahal kita.. Kaya kong isuko lahat para sa iyo.. Pero oras na rin yata para sarili ko naman yung ayusin ko.. Sirang-sira na rin ako... Buohin ko muna sarili ko.. Aayusin ko na rin muna yung buhay ko.. Babalik ako sa pag-aaral.. Gusto kong maging successful kaso sa pag abot ko ng pangarap ko.. D-di na kita kasama.. Ansakit isipin na wala na yung taong nagpapasaya sayo.. Gusto ko talaga ayusin toh eh! Kaso wala na talagang solusyon.." Saka ako humagulgol.

Niyakap ko sya hinalikan sa labi tsaka tumayo.

Ngunit hinawakan nya ang kamay ko.

Gulat akong lumingon at pilit na itinatago ang kumakawalang luha sa aking mga mata ngunit di ko kaya.

Sobrang sikip ng nararamdaman ko.

Gusto ko ng mawala ito.

Tinanggal ko ang kamay nya saka sya nginitian at tumalikod na mgunit nagsalita sya.

"Babe? I love you.. Sana sa pag-alis mo sa buhay ko ay gumaan na ang buhay mo.. Mahal na mahal rin kita.. Pasensya na.. Sumuko ako.." Humihikbi nyang sambit.

"Ang hirap na makita yung taong mahal mo na umiiyak at nagpapaalam dahil sa kagaguhan mo.." Dugtong nya.

"Alis na ko." Sambit ko saka lumabas ng pintuan.

Umalis ako sa bahay namin.

Bumalik ako sa pag-aaral at masasabi kong nasa maganda ang buhay ko ngayon.

Naalala ko si Keil.

'Namiss ko sya..'

Nakapagtapos akong kolehiyo at nakahanap ng trabaho Abroad.

Nandito na ako sa Ibang bansa at nagt-trabaho ako bilang Tourists.

Masaya naman ako dito sa trabaho ko ngunit may namimiss akong tao..

'Hayyss miss na talaga kita..'

Biglang dumating ang araw na di ko inaasahan.

Nagkita kami ni Kiel. Isa pala syang Manager sa pinagt-trabahuhan ko ngunit di ko sya nakita sa dalawang taon kong pagt-trabaho dito.

"Hello Quenth musta? Long time no see." Nakangiting aniya.

"Ok lang naman, Dito ka rin pala nagt-trabaho."

"Oo haha." Aniya saka ngumiti.

'Ang gwapo nya pa rin.'

"Labas tayo minsan." Aniya.

"Sige pag may free time ako." Ani ko.

"Sige na alis na ko." Dagdag ko.

"Sige mag-ingat ka." Sagot nya saka tumalikod.

'Nakalimot na sya.. Oras na rin para makalimot na ako..'

✒:Zellen Smith

Dec. 1, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon