HE'S MY FATHER

3 0 0
                                    

"Kuya gusto ko pong pumunta doon ah? Sama mo ko ah?" Nakangiting sambit ko noong ako'y anim na taong gulang pa lang.

"Sige bunso basta behave ka lang doon ah?" Aniya.

"Opo kuya, kuya andoon po ba sila mama ko?" Nakangiting tanong ko, galak ako sa mga oras na iyon.

"Sorry bunso.. wala sila doon.." Nakayukong sambit ni Kuya.

"Ok lang kuya, kasama naman kita eh.. di mo naman po ako iiwan diba?" Nakatingalang paninigurado ko.

"Oo naman bunso.." Nakayukong sambit niya.

-

Nakarating kami sa pupuntahan namin at masasabi kong mayaman ang may-ari ng bahay na napuntahan namin.

"Yaya pakuha si Letisha, laruin mo muna doon kayo sa labas. May pag-uusapan kaming importante ni Ethan." Masungit nq saad nang babae kaya sumama ako sa sinasabi nilang Yaya kahit na ayaw ko.

"Letisha, ilang taon ka na?" Tanong nito sa'kin.

"6 po." Nakangiting sagot ko.

"Yung anak ko.. 6 din.." Aniya at maluha-luha akong tiningnan.

"May anak ka na po?!" Gulat na tanong ko rito.

"Oo naman.. kaso nasa pangangalaga s'ya ng tatay niya.. naiwan ako dito sa bahay na ito dahil sa pagsuway namin sa utos ng mga magulang niya." Malungkot na aniya.

"Ano pong pangalan ng anak nin'yo?" Tanong ko rito.

"Pwede ko po syang maging kalaro?" Nakangiting tanong ko ulit.

"Scarlet name niya.." Nakangiting aniya.

"Wow! Kapangalan ko po siya ate!" Masayang sambit ko.

"Oo hahaha." Tumayo na kami at hinawakan ako nito sa kamay, bumalik na kami sa bahay na pang-mayaman.

Nakarinig kami ng sigawan kaya di kami tumuloy sa pag-pasok, maya-maya ay lumabas si kuya na namumula ang mata.

Hinalikan niya si Ate na naging isang malaking tanong sa akin.

"Alis na kami Cath, 'wag ka mag-alala sa susunod wala ka na rin dito." Wika ni kuya.

Hinawakan na ako ni kuya sa kamay at naghintay ng masasakyan.

-

"Kuya, papasok na po akong school." Wala ang mga magulang namin, hindi ko alam kung nasaan.

Kinukwento nalang ni kuya sa'kin si Mama, si papa.. wala akong alam sa kan'ya.

"Sige bunso, hintayin mo'ko ihahatid kita." Nasa ika-pitong baitang na ako at hatid sundo pa din ako ni Kuya.

Hinintay ko ito sa may pintuan, pagkarating nito ay kinuha nito agad ang bag ko at isinukbit sa balikat niya.

"Ako na kuya, di naman mabigat 'yan eh." Wika ko at kinukuha sa kan'ya, ngunit di n'ya ito ibinigay at nagpatuloy sa paglakad.

"Anak--- Bunso.."

"Anak? may anak ka na kuya?" Takang tanong ko rito.

"Hahaha, saka ko na ipapakilala sa'yo pag nakapagtapos ka na." Sagot nito.

"Kuya matanda ka na, wala ka bang balak mag-asawa? 29 ka na oh." Ani ko.

"Anu naman? Nakakapaghintay naman ang pag-aasawa. Pagtatapusin muna kita." Napangiti ako sa sinabi ni kuya, ako lagi ang inuuna niya kaya't napaka-swerte ko.

"Kaya 'wag ka muna mag-nobyo! Saka na yan pag may trabaho ka na para mae-enjoy mo na lahat." Nakangiting dugtong niya at ginulo yung buhok ko.

"Ano ba yan kuya! Kaka-ayos ko lang nito eh." Nakasimangot na reklamo ko.

"HAHAHAHA anu naman? pangit ka pa din naman kahit mag-ayos ka." Tumatawang asar nito kaya hinubad ko ang sapatos ko at pinalo sa kaniya.

"Psh! Napaka-salbahe mo talaga!" Nakasimangot na sigaw ko rito.

"Talagang talaga HAHAHAHA, mag-ingat ka dito ah? 'wag makulit sa room niyo makinig ka sa teacher wag puro daldal. Chismosa ka pa naman." Nainis nanaman ako dahil sa huling sinabi nito.

"Ikaw nga eh! Lagi mo ngang alam secrets ko eh! Ikaw chismoso! Hindi ako psh." Nakasimangot na wika ko.

"HAHAHAHA sige na, pasok na. Tawagan mo 'ko mamaya pag pauwi ka na ah?"

"Opo, kuya." Ani ko at hinalikan ito sa pisnge bago pumasok.

Hinalikan din ako nito sa noo at hinintay na maka-akyat ako sa building namin bago umalis.

"B-bye." Paalam ko dito ng nasa room na ako, tumango ito na senyas na aalis na siya.

-

"Kuya may nanliligaw po sa'kin.." Nakangusong sumbong ko.

"Sino naman 'yan? Ilang taon na? Taga-saan?" Sunod sunod na tanong nito.

"Si Jason po, 14 taga kabilang kanto kuya." Sagot ko din.

"Sabihin mo sa kaniya, hindi pa pwede atsaka di pa nga yan marunong maglaba tapos mangliligaw na?"

"Pasabi din, kung talagang gusto ka n'ya maghintay siya. Bumalik s'ya pag nakapagtapos na kayo at may mga trabaho na." Dugtong pa nito at tumango nalang ako.

-

"Bunso.. nakapag-tapos ka na.." Masayang wika ni kuya habang lumuluha.

"Opo kuya, salamat po kuya sa suporta." Nakangiting pagpapasalamat ko at niyakap siya.

Maya-maya ay may nakita akong babae, papalapit sa amin.

Hindi ko na ito masyado matandaan pero alam kong siya ang katulong doon sa bahay pang-mayaman.

14 years ago simula noong una't huli naming pagkikita.

Nagulat ako ng yakapin ako nito.

"Thanks lord! Ang saya-saya ko anak nakapagtapos ka na." Umiiyak na sambit nito.

Nagulat ako sa mga sinabi nito.

"A-anak.. may sasabihin kami mamaya.." Bigla din akong tinawag ni Kuya na anak, sumakit ang ulo ko dahil sa mga tanong sa isip ko.

Natapos ang seremonya na lutang ako.

Lumabas na kami at dumiretso sa mamahaling restaurant, may nakaabang na pala sa amin.

Sila iyong mag-asawa na mayaman.

"Congratulations apo." Tumayo itong dalawa at niyakap ako.

"P-po?" Tanong ko rito.

"Ethan! Hindi mo pa ba nasasabi?" May banta sa tingin nitong matanda kaya maski ako ay natakot ngunit nginitian ako nito.

"Napaka-ganda talaga ng apo ko. Manang-mana sa lola." Nakangiting wika niya at hinawakan ang buhok ko.

"Ma.. paupuin nyo po muna kami." Sambit ni Kuya.

"Bunso.. sorry kung nagsinungaling kami ah? Ako yung tatay mo.. Naiwan ka sa'kin kasi nagt-trabaho si mommy mo doon kila lola.. bata pa kasi kami noong nabuo ka kaya bilang leksyon ay inilayo ka nila sa mommy mo at hindi mo din ako maaaring tawaging daddy.. sorry.. pero maganda naman yung resulta kasi nakapag-tapos ka." Wika nito habang nakayuko.

Gulong gulo ako.

A-anong itatawag ko sa kanila?

"Kuya.." Sambit ko at unti-unti ng pumatak ang luha ko.

"Naguguluhan ako.." Umiiyak na wika ko.

"Maiintindihan mo din.. pero sana mapatawad mo kami." Nakayukong sambit ni kuya at niyakap ako.

-

1 year na simula noonv umamin sila, masaya ako ngayon dahil kasama ko na ang nanay at tatay ko.

Kasama ko na lahat at ngayon ay naiintindihan ko na, ganito pala ang pakiramdam pag buo ang pamilya.

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

May 19, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon