CRUSH NAMAN E!

1 0 0
                                    

📌CRUSH NAMAN EH!

Pababa na ako ng hagdanan ng makita ko si Zeke.

"Hi Zeke!" Nagmamadali akong bumaba at kumaway-kaway pa.

As usual ini-snob nya nanaman ako kaya lumapit ako sa kanya saka sya binatukan.

Ke't di kami close nababatukan ko yan! Di ko pa jowa pero under ko na! Panis! Inggit ka? Hanap ka jowa mo.

"Anu ba?! Ba't bigla bigla ka nalang namamatok ha?!" Nagrereklamong singhal nito at tiningnan ako ng masama.

"Iyon! Buti naman at pinansin mo na ko." Maangas kong sagot saka sya inakbayan.

"Anu ba?!" Reklamo nito saka tinanggal ang kamay ko sa balikat nya.

"Para kang lalaki! Tsk." Aniya saka ako tinalikuran.

"Oo! Magiging lalaki ako para sayo BABE!" Sagot ko saka humalakhak.

Lumapit naman agad ito sa akin at tinakpan ang bibig ko dahil nagtinginan ang ilang mga estudyante at natawa.

"Fuck! Manahimik ka nga! Andyan si Haley!" Aniya saka ako hinila at dinala sa likod ng building namin.

Agad ko namang hinawakan ang katawan ko na akala mo'y natatakot.

"W-wag po! Bata pa ko!" Nakita kong lalong namula ang muka nya.

"Anu bang sumapi sayo ha?!" Tanong nya at hinawakan ang dalawa kong balikat.

"Yung kaluluwa ng pag-ibig! Bakit?!" Tanong ko rin pabalik saka sya tinulak dahil natatawa na talaga ako sa muka nya.

"Bwiset na pag-ibig yan!" Aniya saka umalis.

"Bwiset ka ren ulul!" Sagot ko pabalik saka na umalis sa likod ng building.

----

"Sarah, I like you.." Natawa ako dahil sa umaamin ngayon sa harapan ko, Sampu sila HAHAHAHAHA.

"Kinain nyo?" Natatawang tanong ko sa kanila.

"Pero.. Sarah.. Pwede mo ba akong bigyan ng chance kahit maliit lang?" Tanong ni Zedrick habang nangungusap ang mga mata na kala mo aso tss.

"Ewan ko sa inyo! Akin na mga chocolates ko dyan! BTW thank you! Yung puso ko nga pala para ka'y Zeke lang HAHAHAHHA." Sagot ko saka umalis na habang dala dala ang mga tsokolate na natanggap ko.

"San galing yan?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Zeke sa harap ko.

"Sa pinanggalingan." Nakangiwing sagot ko sa kanya saka sya nilagpasan, Wala kong plano harutin sya ngayon dahil ang plano ko lang ay kainin ito lahat.

"Ang tanong ko saan galing yan?!" Pasigaw na tanong nya kaya humarap ako at binatukan sya.

"Sa nagbigay malamang! Wag mo kong sigawan hindi ako bingi!" Sagot ko at nagwalk out! Paki nyo? Feeling artista ako eh!

Pagpasok ko sa room ay nilagay ko agad ang mga chocolate sa bag ko at isa isa itong kinain.

"Ehem." May tumikhim sa harapan ko at nakita ko si Zeke na inaabit ang malaking paperbag.

"Ano yan?" Tanong ko ng nakataas ang kilay.

"Chocolate!" Sagot nya at tumalikod.

"Thank you babe ah! I love you!" Pagpapasalamat ko saka sya tinawanan habang paalis ng room.

Valentine's Day pala ngayon HAHAHAHA.

----

May iniabot sa akin si Zeke habang pauwi kami.

Nagulat ako dahil isa iyong bulaklak.

"Nice! Sweet ng bebe ko!" Ani ko saka tumawa, Inirapan nya lang ako saka iniwan mag-isa.

Maya-maya ay maraming estudyante ang nasilabasan at may dala dalang mga bond paper na may Capital Letters.

"Yieehh walang poreber mga tanga!" Umalingawngaw ang boses ko at dahil dun nagsitawanan ang mga nakarinig.

"Pero tayo may forever." Biglang sagot ni Zeke na nasa harap ko na ngayon.

"Syempre naman crush!" Sagot ko saka sya nilapitan.

Nagulat ako sa ginawa nito, Lumuhod ito at sinabing.

"Sarah? Can you be my wife?" Tanong nito.

Napaiyak ako, napaiyak ako ng maalalang wala pala kong jowa.

Written by Zellen Smith.

Feb. 3, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon