HE NEEDS ME

0 0 0
                                    

📌HE NEEDS ME.

Dedicated to Klyde Kiminari :<

"Lagi ka nalang naglilihim!" Pagbulyaw ko kay Klyde.

Tahimik lang itong nakayuko at maya-maya ay lumapit sa akin.

"Sorry na.." Di ko pa rin maalis ang galit ko kaya iniwan ko ito magisa sa kwarto n'ya.

Umuwi muna ako sa bahay at nagpalipas ng sama ng loob.

"Nilalagnat sya." Basa ko sa text message galing sa tropa nya kaya bumalik na ulit ako sa bahay nila.

Hindi ko ito kinibo at agad na pumuntang kusina.

Nagsalang na ako ng lulutuin ko at iniwan ito saglit at inakyat ang kwarto niya.

"Ginagawa mo sa buhay mo?" Iritadong tanong ko.

"Ok lang naman ako eh.." Aniya at tumagilid ng higa.

Hinipo ko ang noo nito at ang taas nga ng lagnat, bumaba na ulit ako at tinapos ang niluluto ko.

Pagtapos kong magluto ay kumuha na ako ng mangkok na paglalagyan ng niluto ko at kinuha ko na rin yung mga binili kong gamot kanina.

"Kain na." Yaya ko at inalalayan syang bumangon.

"Anong ginawa mo sa sarili mo? Ba't nilalagnat ka nanaman? Nagpaulan ka ba? Tss." Sunod sunod na tanong ko, yumuko lang ito at kinuha ang pagkain na hinanda ko.

"Salamat." Nakangiting aniya, nang makita kong nahihirapan ito ay inalalayan ko na ito.

"Sorry.." Pagbasag ko sa katahimikan, may mga nasabi akong masasakit na salita kaya kailangan kong bumawi.

"Ok lang.. pero sana di ka na pumunta.. sayang lang oras mo para sa'kin." Ramdam ko ang tampo sa boses nito kaya agad ko itong niyakap.

"Sorry na.. ayokong nagagalit kasi kung ano-anong nasasabi kong hindi naman dapat.. sorry.. Uminom ka na ng gamot." Inabot ko dito ang tabletas at saka sya inabutan ng isang basong tubig.

Bumaba na ako dala dala ang mga pinagkainan n'ya, naginit ako ulit ng tubig at kumuha ng malinis na bimpo.

Kailangang lumabas ng init ng katawan n'ya.. wala din ako masyadong alam pero wala naman yung Mama nya kaya ako nalang muna ang gagawa.

Pagtapos kong maginit ng tubig ay umakyat na ako sa taas para balian sya, joke HAHAHA dala dala ko ang palanggana at bimpo saka sya tinabihan.

Mahimbing na syang natutulog, hindi na ako nag-abalang gisingin pa s'ya.

Pinunasan ko ang buong katawan nya at saka pinalitan sya ng damit.

---

3:00 am na nang matapos ko syang asikasuhin kaya ako naman ang nag-asikaso ng sarili ko.

Nakiligo na din ako sa kanila nakiki-feeling bahay ako eh pake mo ba? Naligo nga ako at dito na nakitulog sa sala nila.

Pero bago pa pala ko matulog dinala ko yung mga orange na binili ko sa kwarto nya, nagdala din ako ng isang pitsel ng tubig doon para pag nauhaw sya di nya na kailangan bumaba.

4:00 am na ako dinalaw ng antok, sobrang puyat.

---

"Goodmorning." Bati sa akin ni Klyde, nagulat ako at nasa kwarto nya na ako.

"Ba't andito na 'ko?" Inis na tanong ko.

"Dinala kita dito, ikaw na nga nag-alaga sakin ta's sa sala ka pa matutulog." Nakapikit na sagot nito at bigla akong niyakap.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon