I KILLED MY FATHER

0 0 0
                                    

📌I KILLED MY FATHER

[Take time to read this, SPG po ito.]

"Anak.. kumain ka na. Nagtira ako ng pagkain kanina oh, binigay ito ng ka-trabaho ko. Para sa 'yo ito." Nakangiting salubong sa akin ni Mama, kakauwi n'ya lang galing trabaho.

"Wow! Ang sarap naman po nito mama." Tumatalon sa tuwa na sambit ko.

"Masarap talaga iyan anak kaya ubusin mo para mabilis ka lumaki ah?" Aniya ng nakangiti at ginulo ang buhok ko.

"Opo mama!" Nakangiting sagot ko at tumango-tango pa.

"Mama.. si Papa po kanina may kasamang babae." Maluha-luhang sumbong ko, agad kong nakita ang pagod sa muka nito pero pinilit nitong ngumiti kahit tumutulo na ang mga luha nito.

"Ok lang iyan anak.. hayaan mo na s'ya ang importante hindi ka n'ya ginagalaw." Nakangiting sambit nito.

Natapos na din akong kumain ng may makalimutan ako, "Mama! Mama sorry po. Di kita natirhan mama.. nakalimutan ko eh.. sorry po." Nakayuko kong sorry at niyakap ang binti n'ya.

"Ok lang anak, para sayo talaga iyan. Sige na matulog ka na, maglalaba pa si mama." Aniya at binuhat ako papasok sa maliit naming higaan.

"Goodnight po mama!" Paalam ko dito at pumikit na.

-

"Mama! May project po kami eh.. wala na po akong pera ma." Ani ko sa harap ni Mama, niyakap ako nito at hinalikan sa noo.

"May pera pa ako dito haha kawawa naman yung binata ko, ok lang yan pag may trabaho ka ng maayos di ka na maghihirap sa pera." Sambit nito.

"Oo nga po ma eh.. gusto ko talagang makatapos para makaalis na tayo sa lugar na ganito." Malungkot na wika ko.

"Makakaalis din tayo dito 'nak." Nakangiting aniya.

Napaka-swerte ko talaga sa nanay ko.

-

"Ano ba Reynaldo? Nasasaktan ako!" Nag-aaway nanaman sila ni mama.

"Pahingi sabi akong pera! Ano? Binigay mo na siguro sa lalaki mo ano? Huh? Sumagot ka! Nagt-trabaho ka tapos walang pera!" Mahabang lintanya nito.

"Wala nga sabi akong pera! Ibinayad ko na sa tuition fee ng anak mo! D'yos ko. Pinapayagan na nga kitang mangbabae tapos pati bisyo mo sa akin mo pa ihihingi?!" Galit na tanong ni Mama.

Napatayo ako ng makarinig ng mga nabasag na baso at naglaglagan na kutsara.

Hindi na ako nakatiis at kinuha ko na ang kutsilyo na kanina ko pa hawak hawak.

"Pa.. tama na yan." Pag-awat ko sa kanila.

"Aba! Sinong nagturo sa'yong makisali sa usapan? Huh?!" Galit na tanong sa akin ng tatay ko.

"At sinong nagturo sa'yo na pwede mong saktan ang nanay ko?" Pabulong na tanong ko ngunit sapat na para marinig nila.

"Simula bata, ang nagtaguyod sa akin si Mama lang. Wala kang karapatan na pagbintangan si Mama na nanglalalaki. Unang una palang alam mo sa sarili mong ikaw ang gumagawa non. Simula noong bata pa ako puro sakit nalang ang natatamo namin sa'yo." Mahabang saad ko at tiningnan ito sa mata.

"Pero wala ka dito sa mundong ito kung hindi dahil sa akin! Sana pala ipinutok nalang kita sa kumot! Hudas ka." Gigil na wika nito.

"Ang kapal naman ng muka mong magsalita ng gan'yan Reynaldo HAHAHA. Ano nga palang ginawa mo kay Mama? Ni-rape mo 'yan diba? Napaka-kapal ng muka mo. Ikaw ang hudas! Ikaw ang dapat di na nabuhay sa mundong ito!" Lumuluhang wika ko, gulat na tumingin si Mama sa akin at niyakap ako.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon