BA'T DI MO KASI AKO HININTAY?

0 0 0
                                    

BA'T DI MO KASI AKO HININTAY?

Tinititigan ko ang lalaking una kong minahal.

Habang masayang kausap ang Girlfriend nya.

"Sabi ko hintayin mo ko eh.. Ga-graduate pa ko.. Magta-trabaho pa ko tapos tutulungan ko muna sila mama.. Tapos babalik ako sayo.. Tss gago ka talaga." Bulong ko sa isang tabi habang pinagmamasdan sila.

"Tapos ko na lahat, Successful na rin ako HAHAHAHA pero para saan? Wala ka naman na, tch." Para akong balis na kinakausap sya habang masayang kausap ang bago nya.

"Klein! 12 years na yon! Di ka pa rin naka moveon pfftt HAHAHAHA." Pagpapatahan ko sa sarili ko saka pinunasan ang mga luha ko at tumayo.

Nakakita akong pamilya at mayroon silang anak na babae na mataba, maputi singkit at mamula mula.

"Ganto sana pangarap natin HAHAHHA, Gantong anak.."

"Alam mo Love? Gusto kong baby yung kamuka mo.. Chinita maputi tapos black yung buhok at mataba HAHAHHAHA." Kwento nya sa akin ng mga gusto nya para sa future namin.

"Tapos pag nanganak ka ayokong may gagawin ka, Gusto ko ako gagawa lahat! Kahit pagod ako basta di ka mahirapan, Anak mayaman ka kasi HAHAHAH." Nakinig lang ako sa kanya atsaka ngumiti.

Si Jerald ay Senior High na samantalang ako ay Highschool pa lang ang tatay nya ay mambubukid at ang nanay naman nya ay labandera pero walang kaso sa akin iyon dahil mahal ko sya at mahal na rin ako ng pamilya nya.

"Alam mo love? Pag nakapagtapos ako gusto kong magpakilala na sa Papa mo tapos ibubukod na kita ta's magtatrabaho na ako at aanakan na agad kita para di ka na mapunta sa iba HAHAHAHHAH." Binatukan ko agad sya sa sinabi nya.

"Joke lang, Love.. Alam ko namang may pangarap ka rin sa buhay.. At ako yon HAHAHAHHAHA."

"Kapal mo Jerald." Sagot ko at inirapan sya.

Humiga na ulit ako sa mga braso nya at sumiksik sa dibdib nya.

"Hmm love?" Twag nito kaya tumingala ako.

"Baket?" Tanong ko at yumakap ulit.

"I love youuu." Sabi nito kaya napangiti ako at agad tumugon.

"I hate youuu." Sagot ko at hinalikan sya sa pisngi.

12 Year's ago na pala yon HAHAHAHAH pero sariwa pa rin sa akin ang mga iyon.

"Anong gusto mo Klein ha?! Mag boyfriend o mag-aral?! Pag nag boyfriend ka ay palalayasin ka na namin!" Sigaw ni papa sa akin.

Pinalabas ko nalang na di ko mahal si Jerald noon para di sya masaktan sa sasabihin kong hindi ko sya kayang ipaglaban.. Ayokong laiitin sya ng pamilya ko kaya ma's mabuting ako nalang ang manakit sa kanya kesa ang pamilya ko..

Yumuko ako at nagpunas muli ng mga luha.

Pumasok na ako sa office ko at inabala ang sarili ko ng may matanggap akongchat galing ka'y Jerald.

"Hi klein! Gusto sana kitang imbitahan sa kasal namin ni Soleil." Nakasulat sa message nya at may nakangiting emoji.

Parang nanlumo ako lalo at saka umiyak.

"W-wala na talaga akong pag-asa." Saad ko sa gitna ng paghikbi.

Nagtipa agad ako ng mensahe saka sinend sa kanya iyon.

"Wow! Congrats men! Sa susunod may misis ka na pala HAHAHAHA, Oo pupunta ako." Reply ko.

Natapos ang trabaho ko ng puro iyak ang ginawa ko.

Ang mga papeles ay nababasa na rin.

"Anak?! Ba't ka pa nagpapagod?! T-tatlong araw ka nalang dito sa mundo! Tapos lumalayo ka pa sa amin!" Pag-aalala ni Mama sa akin.

'May Cancer pala ako..'

In-enjoy ko ang tatlong araw ko na natitira.

Alam kong di na ako makakadalo sa kasali ni Jerald pero pipilitin ko dahil sa Feb. 18 na iyon at ngayong February 3 na ako mawawala..

"A-anak! Please lumaban ka?!" Humahagulgol si Mama habang nagmamakaawa na lumaban ako, Pinunasan ko ang mga luha nya saka sinenyasang yayakapin ko sya.

"Ma.. I love you, Mahal na mahal ko kayo.. Sana makatulong sa inyo yung naipon kong pera.. Babantayan ko kayo lagi ma.." Saad ko ng nakangiti.

Sa pagsabi ko noon ay unti-unting pag pikit ng mga mata ko.

'Everything went black, And I'm happy seeing my Love na ikakasal sa babaeng di sya sasaktan at mahal na mahal sya..'

Nakita ko ang kabaong ko at iniiyakan ako nila Mama.

'Sorry ma.. Kung iniwan ko kayo agad..'

Nailibing na rin ang katawan ko ang tanging hinihintay ko nalang ay ang pagdating ng kasal nila Jerald para makatawid na rin ako.

Dumating na nga ang araw ng kasal nila at natutuwa ako dahil sa nakikita kong saya sa mga mata nya, Hindi man galing sa akin atleast andito na sya sa pangarap nyang simbahan.

Nanunuod ako sa seremonya at lumabas na pagtapos.

Nagpakita ako ka'y Jerald at saka sya niyakap.

"I'm Happy for you Jerald! Congrats!" Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.

"B-bat ang lamig mo?" Tanong nito.

"Malamig kasi dito HAHAHAH btw! Bye Jerald! I love you! Mwah!" Sambit ko at unti unting naglaho.

Written by: Zellen Smith.

Jan. 18, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon