I'M A NUN

0 0 0
                                    

📌I'M A NUN.

"Zen, sasamahan ko muna si Elise mag-salon ah?" Paalam sa'kin ni Black, Boyfriend ko.

"Sige lang, mag-ingat kayo ah?" Nakangiting sagot ko, hinalikan muna ako nito bago umalis.

Hays, yeah boyfriend ko s'ya pero nand'yan nanaman yung mga kaibigan niya. Naintindihan ko naman, nasasaktan lang.

3 year's na kami at hanggang ngayon nagseselos pa din ako ng patago kay Elise, wala akong tiwala sa kaniya.

Mabait naman si Elise pero ba't ganon? Hindi ako mapakali pag magkasama sila ni Black.

Hindi ko namalayang tumulo nanaman ng luha ko, nanaman.

Agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko at humarap sa salamin.

Agad kong inayos ang sarili ko.

-

"Babe? Pupuntahan ko muna si Elise ah? May sakit daw s'ya." Nag-aalalang paalam nito sa akin na agad ko namang tinanguan.

Pagtapos ko sumang-ayon ay agad na itong lumabas, hindi n'ya man lang ako nahalikan.

'Baka nakalimutan lang'

Bulong ko sa sarili ko at bumalik na ulit sa pagluluto.

Busy ako sa pagluluto ko ng may nag-text sa cellphone ni Black. Naiwanan nya.

'Black? Mister ko.. i need you now.. ang sakit sakit na talaga ng katawan ko'

Pagbasa ko sa text message, may nickname ito na 'Misis ko' isinawalang bahala ko nalang.

Baka trip lang nila.

"Babe! Buksan mo yung pinto, naiwan ko phone ko." Sigaw mula sa labas kaya dali-dali akong nagbukas ng pintuan.

Agad na pumasok si Black at kinuha ang cellphone niya, nilampasan lang din ako nito palabas ng pinto at dire-diretsong naglakad.

Parang sumikip ang dibdib ko sa nakikita ko at nararamdaman ko, bakit nagbago ka Black?

Pagtapos kong magluto ay naligo na ako.

Inihanda ko muna ang mga niluto ko para kay Black at nahiga na sa sala. Hihintayin ko s'ya.

-

"Sorry elise.. pero di ko pa mahiwalayan si Leizen." Rinig kong boses ni Black kaya napamulat ako ng mata.

Tinitigan ko ang likod nito, may kausap s'ya sa telepono.

"Mahal ko pa s'ya.." Aniya, agad kong pinunasan ang luha ko at nagpanggap muling tulog.

'May plano na pala kayo'

"Mahal ko.." Nagulat ako ng tumabi ito sa akin at hinalikan ako sa noo, binuhat ako nito ngunit nagkunwari pa rin akong tulog.

"Napakahina ko.. sobra.. Hindi kita maipaglaban kila Mama kasi kahit ako wala pang maipagmalaki sa sarili ko." Tumulo ang mga luha nito sa balat ko, pumikit ako ng madiin at hindi dumilat gusto ko lang syang pakinggan.

"Sorry mahal ko.. promise babalikan kita pag may trabaho na ako. Pag mayroon na akong sariling bahay para hindi na ako makokontrol nila mama." Aniya, ramdam ko yung sakit sa boses nito.

"M-magpapakasal kami ni Elise.. hindi ko kaya Leiz. Hindi ko kaya." Umiiyak na bulong nito.

Inilapag na ako nito sa kama at agad na kinumutan, humiga din ito sa gilid ko at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Sana kung malaman mo 'to hindi ka magalit.. Sobrang hina ko, hindi ko alam kung paano sasabihin." Umiiyak pa din ito, rinig na rinig ko ang mga hikbi nito.

"Alam mo noong sabi ko sasamahan ko si Elise magpa-salon? Hindi kami sa salon nagpunta noon.. nagpasukat kami ng Gown." Tumigil ito saglit at suminghap.

"Fuck ang sakit sakit.. mahal ko, hindi kita kayang masaktan sobrang mahal na mahal kita eh. Hintayin mo sana ako kahit matagal.." Umiiyak na aniya.

Hindi ko na napigilan, naglaglagan na din ang mga luha ko.

"Y-yung gown.. wedding gown iyon. Ipinagkasundo kami, ipinagkasundo kami kasi iyun yung utos nila Lola." Umiiyak na aniya, para akong dinurog.

'Andito naman ako ah? Ba't sya pa? Ang sakit naman ng ginawa ng tadhana sa'min'

"H-hindi ko gusto! Hinding hindi ko magugustuhan pero dahil huling utos na yun ng natanda susundin namin.. pero please, please hintayin mo'ko. Hindi ko kayang makitang hawak ka na ng iba." Umiiyak na pakiusap n'ya at hinalikan ang ulo ko.

"M-may aaminin pa ako.. kahit tulog ka at least na amin ko.." Suminghap ulit ito at muli uling nagsalita, "N-nabuntis ko si Elise.. kanina.. nung sinabi kong may sakit siya, wala siyang sakit.. naglilihi lang siya." Tumigil ito sa pag-iyak.

"L-lasing kami nun.. noong mga araw na wala ako gabi gabi nagiinom ako.. ang akala kong sumundo sa'kin ay Ikaw, pero hindi. Si Elise iyon." Humihikbing aniya.

"Hindi ko sinasadya.." Mahinang bulong niya.

"Lasing na lasing ako noong oras na iyon.. iniisip kita. Iniisip ko yung puso mo, paano ka? Pero mas nadagdagan ko pa yung sakit na maidudulot ko sa'yo." Puno ng pagsisising sambit niya.

Dumilat na ako at tiningnan siya sa mata, "Black.. sorry din.. sorry kung hindi ako gusto ng pamilya mo. Sorry." Ani ko.

"Wala kang kasalanan, kasalanan ko lang lahat ito. Alam ko na sa sarili kong mangyayari na yung kasal na 'to pero pinilit kong mahalin mo ko.. kasi iun lang yung chance ko at gustong gusto talaga kita. Ikaw yung gusto kong mapangasawa." Mahabang lintanya niya, para akong matutunaw sa titig nito kaya nag-iwas ako ng tingin.

Ang sakit nga..

-

5 Year's Later.

Isa na akong madre, oo madre HAHA. Masaya akong nakatingin sa isang masayang pamilya dito sa parke.

Walang iba kung hindi si Black at Elise, hindi sila naghiwalay.

Masaya sila at masaya rin ako para sa kanila, suot suot ko ang damit pang-madre ng lumapit sa kanila.

"Hi Black, hi Elise! Kamusta kayo? Ang cute naman ng anak niyo." Nakangiting puri ko at hinawakan ang kamay ng bata, mataba ito at maputi na sobrang pula ng labi.

"Uyy Leiz. Kamusta? Kamusta buhay madre? Pinanindigan mo talaga yung sinabi mo noon ah.." Nakaiwas tinging sambit ni Black.

Ngumiti naman sa akin si Elise at nakipagbeso-beso.

"Ang ganda mo ngayon Leizen. Ang laki ng pinagbago mo." Nakangiting saad ni Elise.

"HAHAHA oo nga eh, ganun siguro pag tunatanda na HAHA." Biro ko.

"Sayang.. hindi na kita matanong kung kailan ka mag-aasawa." Kumakamot ulong ani ni Elise.

Natawa naman ako at tinapik ito sa balikat.

"Anu ka ba? Wala naman talaga yan sa plano ko HAHA."

"Nagkaroon lang akong planong ganon nung minahal ko si Black pero nawala na ulit yung planong iyon kasi di na 'ko ulit nagmahal. Sa diyos ko nalang ibubuhos yung pagmamahal ko, hindi pa ako masasaktan." Nakangiting sambit ko.

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

May 6, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon