PINAPALAYA NA KITA

0 0 0
                                    

📌PINAPALAYA NA KITA

Dedicated to: Kimkim Kyot and Jalex B. Marquez

"Mahal, san ka?" Pagbasa ko sa mensahe sa'kin ni Jalex.

"Nasa bahay lang, kamusta school? Pagod?" Sunod-sunod na tanong ko at hinintay ang reply n'ya.

"Opo, ok lang may bago akong kaibigan mahal si Zellen." Napangiti ako sa nabasa ko, mabuti naman at may mga kaibigan na sya.

"Mabait ba? Kamusta naman kayo?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Superrr tapos ang dami nyang kinukwento about sa family and friends nya sa dati nyang school." Bakas ang saya sa pagkwento nito kaya natutuwa ako, bihira lang sya magkaroon ng kaibigan.

"Mabuti yan, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Opo, ikaw? Kain ka na ah ayokong magutom ka papayat ka HAHAHAH." Nainsulto ako sa pagkasabi nya ng papayat kaya nagsimula na kaming mag-asaran.

Gan'to lang kami ng boyfriend ko, tratuhang magkaibigan lang dahil pareho kaming di gusto ang sobrang sweet.

"Sige na matutulog na ko, goodnight." Paalam ko at natulog na.

-

"Mahal, si Zellen andami nya palang talent hehe.. nakaka-attract." Natawa ako dahil sa chat nya.

"Mas nakaka-attract ka HAHAHAHA." Ani ko at ngumiti.

"Call tayo." Paalam ko at tinawagan ko na sya.

"Hello, mahal." Aniya sa kabilang linya.

"Hi, kamusta? Ano mga kinwento nya sa'yo?" Nakangiting tanong ko.

"Iyun.. May mga kaibigan daw sya sa school nya dati na mga solid, na mapagsasabihan at matatakbuhan pag kinakailangan kaso nalulungkot daw sya at wala na yung mga yun sa tabi nya kaya sabi ko 'Andito lang ako, pwede mo din akong sabihan ng mga problema'." Mahabang kwento nya, napangiti ako dahil sa huling sinabi nya.

"Ang bait mo talaga.. Kaya kita minahal eh HAHAHA. Kamusta mga subjects? Di ka naman nahirapan?" Tanong ko ulit.

"Nahirapan ako sa Math, wala akong kopya eh may surprise quiz pala si Maam HAHAHA buti katabi ko si Zellen kaya nakakopya ako ng di ko mga alam." Aniya.

"HAHAHAH siraulo ka talaga, di ka nahihiya? Nakakahiya ka HAHA." Tumatawang ani ko.

"Hindi zelle-- Kim HAHAHAH." Napawi ang ngiti ko dahil sa maling banggit nya ng pangalan.

Simula no'n ay lagi nya ng bukang bibig si Zellen kaya medyo naiirita na ako.

"Si zellen, umiyak sya kanina.." Di pa nya natatapos ang sinasabi ng patayan ko ito.

'Zellen nanaman.'

Ilang beses ako nitong tinawagan ngunit paulit-ulit ko lang itong pinatayan.

-

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Jalex dahil sa simpleng away namin.

"Mahal?" Pagtawag ko ngunit sineen lang ako nito, para akong nadurog sa mga oras na iyon ngunit mas pinili kong kausapin sya.

"Tayo pa ba?" Diretsong tanong ko at hinayaang magreply sya.

"Hindi ko alam.." Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha ko sa nabasa ko.

"N-naagawan na ako.." Bulong ko sa aking sarili.

"Anong hindi mo alam? Mahal mo pa ba ako?" Pangalawang tanong ko habang lumuluha.

"Hindi ko alam kim.. Hindi ko na alam." Pinipigilan kong gumawa ng ingay habang umiiyak dahil katabi ko si Mama.

"Mahal mo na ba si Zellen?" Diretsong tanong ko.

"Oo.. oo kim.. sorry, pinigilan ko naman eh kaso sya yung lagi kong kasama araw-araw na hindi mo magawa.." Para akong sinaksak sa nabasa ko, oo nga pala ang layo ko nga pala sa kanya.

"Pero hindi mo yan magugustuhan kung nakuntento ka sakin.." Sagot ko.

"Sorry kim.. Wag ka mag-alala lalayuan ko na sya.." Imbes na matuwa ay mas lalo pa akong nagalit sa huli nyang sinabi.

"Umamin na sya sakin." Sagot ko.

"Mahal ka na din nya, mahal ka nya." Umiiyak na pagtipa ko.

"2 days lang, maging akin ka muna ulit. Bumalik muna tayo sa dati, dati na wala pa sya at layuan mo muna sya, pwede ba?" Umiiyak na tanong ko.

"Sige.. I love you, goodnight." Paalam nya.

Hindi ko alam kung anong irereply ko dahil alam ko sa sarili kong hindi na ako.

-

"Hi goodmorning! Kain ka na ah! I love you, wag ka magpapagod ng husto makinig ka sa teacher mo. Papasok na po ako mwah!" Mahabang text ko bago umalis ng bahay, Unang araw.

"Hello mahal, goodmorning! Ingat ka din magmask ka. I love you." Reply nya kaya napangiti ako, kahit peke na ang mga sinasabi nya di ko pa din mapigilang ngumiti.

"I love you too." Reply ko habang patawid ng kalsada.

"Tabi!!" Paglingon ko kung saan nanggaling ang tunog ay may paparating ng sasakyan.

Huli na ang lahat ng akmang iiwas ako,

May lalaking humugot sa akin.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko nakita ang muka nito.

"M-mahal, sorry.. Sorry sa nagawa ko.." Nagulat ako sa pagtawag ng 'mahal' nito kaya kahit na natatakot ay nilapitan ko ito.

"Shit! Jalex! G-gumising ka!" Unti-unti ng nagbagsakan ang mga luha ko sa mga nakikita ko.

"Mahal na mahal kita.." Pagkasabi nya nun ay unti-unti na itong pumikit.

-

Sariwa pa rin sa aking alaala ang nangyari kay Jalex at hanggang ngayon pag naiisip ko 'to ay napapaluha ako.

Pakiramdam ko'y nasa tabi ko sya palagi kaya hindi ako natatakot.

Ngunit nagising ako sa isang malalim na panaginip kung saan kasama ko sya.

"Pakawalan mo na 'ko." Malungkot na utos ni Jalex.

"A-ayoko! Dito ka nalang sa tabi ko please? Please? Mahal! W-wag kang umalis!" Unti-unti na itong nawala.

"Jalex!" Nagising ako sa sarili kong sigaw.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at dumiretso ng banyo upang maligo at puntahan ang puntod ni Jalex.

"Mahal.. Sorry ah? Mahal na mahal kita kung nasan ka man. P-pinapalaya na kita." Umiiyak kong sambit at tumalikod na.

Ngunit sa malayo ay natanaw ko si Jalex na nakangiti sa akin at puti lahat ng suot.

Pumunta ito sa likod ng puno kaya agad ko itong sinundan.

"Salamat." Nakangiting aniya kaya muli nanaman akong napaluha.

"Walang anuman, mahal ko."

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

March 25, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon