PRANK GOES WRONG

1 0 0
                                    

📌PRANK GOES WRONG

Nakilala ko si Gerome sa RP hanggang sa umabot ito sa real world.

"Hi! Pwede kang maging guest sa GC namin?" Unang chat ko sa kanya.

"Yes, sure." Agad ko itong in-add sa GC namin at agad na winelcome.

"Hi Gerome! Pwede ba kitang jowain?" Tanong agad ng mga kababaihan.

"Haha." Yan lang ang ni-reply nya.

"Single ka?" Chat ko sa kanya.

"Yeah, bakit?"

"Wala lang, pili ka nalang ng jojowain mo sa GC namin." Tanging sagot ko at nakipagkulitan na ulit sa mga kaibigan ko.

"Haha no need."

Pag nag-uusap kami ni Gerome ay masyadong seryoso, tungkol sa lipunan, pamilya at realidad ang pangunahin naming laging pinag-uusapan. Madalas din kaming mag-debate.

Hanggang sa napalagay na ang loob ko sa kanya at nasasanay na rin akong andyan sya.

"Sinabihan ako ng Ate ko sana daw namatay na lang daw ako haha, sana nga." Pag-kwento ko sa kanya.

"Sira! Ako papatay sayo dyan ehh."
"Hindi ka pwedeng mamatay a-attend ka pa sa kasal namin ni Charles HAHAH." Oo, bakla sya.

Pero umaasa akong magiging lalaki sya.

"Gerome! Anong nangyari sayo?" Nag-aalala kong tanong nang makita ang post nya na kabaong at may pangalan nya.

"Gerome!" Dali dali na akong nagbihis at sumakay ng Taxi para puntahan sya.

"Hi miss, saan ka?" Tanong ng driver na may malagkit na tingin.

"Sa Adeline Homes subdivision po." Sagot ko at nagtipa ulit ng icha-chat kay Gerome.

Andito ako sa Front seat dahil sa pagmamadali.

Napapansin kong panay ang tingin ng driver sa mga hita ko kaya agad ko iyong tinakpan ng Jacket na dala dala ko.

"Manong dito nalang po." Nagulat ako ng humarap ito sa'kin at hindi tinitigil abg sasakyan.

"Kuya nakalagpas na po tayo." Bigla nya itong niliko sa liblib na lugar kaya agad na akong nag-panic.

Nanginginig na ako sa takot, nablangko ang utak ko ng itigil nya ito at sinunggaban ako ng halik.

Nagpupumiglas ako pero napatigil ako ng itapat nito sa tagiliran ko ang isang malamig na bagay.

Para akong naubusan ng dugo at biglang natahimik.

Nakakuha ako ng pagkakataon kaya agad akong nakababa sa sasakyan at agad tumakbo sa High way.

Sa sobrang kaba ko ay di ko napansin ang malaking Truck.

Iiwas sana ako ng biglang may putok na nangyari, pagtingin ko sa tagiliran ko ay puro dugo na 'to.

Nilingon ko ang driver na hinahabol pa rin ako, tiningala ko rin ang truck na malapit na sa 'kin.

Hindi ko alam ang gagawin, nakarinig nanaman ako ng isang putok at tinamaan ako sa dibdib, unti-unting bumibigay ang katawan ko at pabilis din ng pabilis ang takbo ng truck.

"Ayy! Dyos ko! Yung bata! Iha!" Unti-unti ng namamanhid ang katawan ko, lumusot pa ako sa ilalim ng truck kaya pinagtulungan nila akong hatakin.

"A-ate... P-pag nakuha na yung katawan k-ko sabihin mo s-sa pamilya ko, mahal na mahal ko s-sila." Tumigil ako saglit at umubo.

"S-sabihin mo wag p-po silang magagalit kay Gerome.. Pakisabi din po sa pamilya ko n-na wag sisisihin si Gerome." Pagtapos kong sabihin iyon ay unti-unti ko na ring di nararamdaman ang katawan ko.

-

"HAHAHA ip-prank ko pre si Jelai! Tapos saka na ako aamin, i-edit mo'ko ng lapida pre HAHA." Utos ko sa mga kaibigan ko.

"Beep, Beep." Agad kong tiningnan ang mga messages, ngunit may naka-agaw ng pansin ko.

"Wala na si Jelai."

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

March 16, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon