YES I CHEAT BUT I LOVE HER

1 0 0
                                    

"Mahal ko? Bakit ang lungkot mo?" Tanong sa akin ni Cathlea at nilapitan ako.

"Wala po hahaha, bakit?" Nakangiting tanong ko rito.

"H'wag mo nga ako lokohin alam kong malungkot ka. Ikwento mo na." Aniya at niyakap ako.

Nagsimula ng magsilaglagan ang mga luha ko, "S-si mama.. Sumama na sya sa iba, mahal. Si mama wala na, di na s'ya uuwi sa pilipinas.. Mahal dalawang bwan nalang g-graduate na 'ko tapos pangako niya a-attend sila ni Papa." Punas ako ng punas ng luha ko at pinagpatuloy ang pagkwento,

"T-tapos nalaman ko araw ng kasal n'ya ay yung graduation day ko." Umiiyak na dugtong ko.

"Sige lang iiyak mo lang mahal ko, andito pa rin ako ok? Ako na bahala sa graduation day n'yo. Hindi kita iiwan." Pagpapatahan nito sa'kin at niyakap ako, napaka-swerte ko sa babaeng 'to.

Hinalikan ako nito sa noo at ipinahiga ako sa braso niya.

"Mahal.. ipagdasal nalang natin ok? Magiging maayos din ang lahat." Nakangiting aniya.

Umiiyak pa din ako, nakaka-bakla man pero nasaktan talaga ako ng sobra. Niyakap ko nalang si Cath at sa dibdib niya umiyak.

Para akong bata sa t'wing kasama ko si Cath, para ko s'yang nanay, ate, asawa kaya napaka-swerte ko sa kaniya.

"Anong gusto mong kainin mahal?" Tanong nito sa akin at pinabangon na ako.

Malamig ang panahon ngayon, "Umuulan naman.. pwedeng mag-request? Gusto ko mahal ng Champorado tapos madaming gatas." Naka-ngiting sagot ko rito.

Hinalikan naman ako nito sa noo at tumayo na, "Tama na sa pag-iyak ah? Magang maga na mata mo. Ipagluluto muna kita, dito ka lang." Paalam nito at pumunta ng kusina.

Tinawagan ko si Ryssi.

"Hello baby?" Bungad ko rito.

"Hello baby, kamusta pakiramdam mo? Hindi ka na nilalagnat?" Tanong nito sa akin.

"Nilalagnat pa rin." Malungkot na tono ang ginamit ko upang kapani-paniwala.

"Pupunta ako d'yaan gusto kitang alagaan, kawawa naman baby ko." Malambing na wika nito ngunit agad akong kinabahan.

"Huwag na baby, andito naman si Nanay s'ya na magluluto sa akin." Pagtanggi ko sa gusto niya.

"Sigurado ka baby? Baby i miss you, gusto na kitang yakapin." Malungkot na saad nito.

"I miss you too, pag magaling na 'ko magkikita tayo agad. I love you." Ani ko.

Nakita ko ang anino ni Cath papasok ng pintuan kaya agad na akong nagpaalam kay Ryssi.

"Sige na baby, matutulog muna ako. I love you, chat nalang kita mamaya." Paalam ko at pinatay na ang tawag.

"Wow ang bango naman mahal ko." Puri ko sa luto ni Cath.

"S'yempre para sayo eh." Nakangiting sagot nito.

"Kumain kang madami ah?" Aniya at nginitian ako, ang ganda n'ya talaga.

"Ang cute cute mo talaga mahal ko." Saad ko at pinisil ang pisnge niya.

"HAHAHA nambola ka pa mahal." Namumulang wika niya.

"Totoo yun mahal ko." Nakangiting sambit ko at hinalikan ito sa noo.

"Gabi na pala Brian.. Dito ka nalang muna kaya?" Suhestyon ni Cath.

"Sige mahal." Nakangiting pag-payag ko.

-

"Hmm.." Ungol ni Bea habang nilalamas ko ang dibdib nito.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon