SUMPA

0 0 0
                                    

"Ang sakit sakit naman." Bulong ko sa sarili ko habang nagba-backread sa conversation namin ni Ian.

"Yawa ka, bakit mo ako iniwan?" Umiiyak na tanong ko sa sarili habang umiinom ng juice.

"Hoy sumagot ka!" Napahagulgol nalang ako sa sakit na nadarama, hindi kasi sumagot ang picture ni Ian.

Parang nung nangiwan siya, wala man lang paalam.

Bitbit ang baso ay bumaba ako sa kusina at kumuha ng juice.

Kumuha na rin ako ng isang tabo ng tubig at bumalik sa kwarto ko.

"Hoy Angelica! bakit namumula 'yang mata mo?" Tanong ni mama ngunit hindi ko ito pinansin at pumasok ng kwarto.

Nagpatak ulit ako ng tubig sa mata at nag-iyak iyakan ulit habang nakatingin sa conversation namin ni Ian.

Nang humapdi na ang mata ko ay tumigil na ako.

"Angeli--! Anong nangyari sayo?! Bakit ka umiiyak?" Agad akong nilapitan ni mama at hinawakan ang muka ko.

Nagulat ako sa pagpasok ni mama pero mas nagulat ako ng damputin niya ang cellphone ko.

Agad dumapo ang kamay niya sa buhok ko, "Ikaw bata ka! Ano 'tong message mo dito?! 'Bakit ka iniwan at hindi nagpaalam'?! Gaga ka ba? Hindi ka pa nga na-crushback at wala ngang kayo tapos iniwan?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni mama.

"Mama naman eh! Nag-eemote ako dito! Panira ka!" Tatalikod na sana ako ng may sabihin itong nakapagpabalik sa akin sa kama.

"Aba aba, ayaw mong tulungan kita?" Tanong niya na nakapagpangiti sa akin.

"Talaga ma?!" Excited na tanong ko at hinawakan ang mga balikat niya.

"Hindi."

"Isusumbong kita sa papa mo!" Mas lalo akong namutla dahil sa sinabi ni Mama.

"Honey, andito na ako." Ani papa kaya mas lalo akong kinabahan.

Naghima-himatayan ako dahil sa kaba, "Anak! Anak?!" Ramdam ko ang pagyugyog ni Mama sa akin at ni papa ngunit hindi pa rin ako nagpahalatang gising.

"Anak!" Nagulat ako ng dumapo ang matigas na palad ni Mama sa pisnge ko, "Ano hindi ka pa gigising diyan? Isusumbong talaga kita sa papa mo." Agad akong dumilat pagkasabi niyang ganon at tumayo.

"Honey! Yang anak mo lumalandi na, may mga ka-chat." Nabigla ako sa pagsumbong ni Mama kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Ano?!"

"Kumuha ka ng asin doon, lumuhod ka dito ange! Napakatigas talaga ng ulo mo! 10 years old ka palang ganyan ka na! Luhod!"

Nakaluhod na ako ngayon dito sa sala at hindi pa rin pinapatayo, ilang oras na ako dito ngunit inirapan lang ako ni Mama.

"Yan emote emote ka pa ah, buti nga sayo. Bata bata mo pa humaharot ka na."

Umiiyak ako rito ngayon sa kwarto dahil sa sakit ng daliri ko, pinalo rin ako ni papa rito.

Hindi na talaga ako haharot.

Dahil naisulat ko na ang nangyari ay ikaw na ang susunod na mahuhuli ng mama mo.

Written by Zellen Smith.

Aug 21, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon