SHE GOT RAPED BECAUSE OF ME

1 0 0
                                    

SHE GOT RAPED BECAUSE OF ME

[TAKE TIME TO READ THIS]

"Ate Mara, laro tayo." Yaya ko sa kakambal ko.

Napatingin ito sa gawi ko at lumapit sa akin, kinuha nito ang laruan ko saka ako hinawakan sa kamay.

S'ya si Mara at ako naman si Almira, hindi siya nakakapagsalita,

Simula noong ipinanganak kami ganoon na siya.

Nag-sign language ito, "Labas tayo." Yaya nito.

Sumama naman ako sa kaniya, Ate ko siya.

Siya ang unang lumabas sa aming dalawa.

Umakyat kami sa puno at doon naglaro, gumawa kami ng bahay doon.

"Ate Mara, ang galing galing mo talaga." Puri ko sa kaniya dahil s'ya lang halos ang gumawa ng bahay bahayan namin.

Nginitian lang ako nito ng tipid.

"Almira! Mara!" Napatingin kaming dalawa ni Ate mira sa baba, nandoon si Mama at may hawak na pamalo.

Bakas ang takot sa mata ni Ate pero hindi niya iyon ipinahalata.

Hinawakan niya ako sa kamay at niyakap, "Ako ang unang bababa at sumunod ka." Pagsi-sign language nito.

Tumango naman ako at sumunod sa kaniya, nang makababa s'ya ay bumaba na din ako.

Inalalayan pa ako nito at niyakap.

Tumakbo na kami papasok sa bahay, "Ikaw talaga Mara! Wala ka na ngang pakinabang ganiyan ka pa! Idadala mo pa ang kapatid mo sa kapahamakan! Akala mo hindi ko nakita? Nakita kong nauna ka at pinahuli mo s'ya! Para ano? Para s'ya ang pagalitan? Napakatigas talaga ng ulo mo. Sana ay hindi ka nalang nabuhay." Biglang salubong sa amin ni Mama at sinermunan.

Umiyak lang si ate at yumuko, niyakap ako nito at dinala sa kwarto bago siya lumabas.

"D'yan ka lang." Pagsi-sign language nito.

"Opo ate." Maluha-luhang pagtango ko.

Nakatulog ako sa paghihintay.

-

Nagising ako ng nasa tabi ko na si Ate at puro pasa.

Iyak ako ng iyak sa awa, "Ate ko.. sorry po.." Umiiyak na wika ko.

Nagising ito at ngumiti, niyakap lang ako nito at hinalikan sa noo.

"H'wag kang mag-alala ok lang si Ate."

Niyakap ko ito at sa kanya umiyak.

Lagi napapagalitan si Ate dahil sa'kin.

-

Nag-aaral na kami at grade 2 na.

"Hoy almira! Yung ate mo abnormal kung ano anong sinasayaw gamit kamay niya kanina HAHAHAHA." Panunukso nila sa amin.

"Oo nga! HAHAHAH pipi, pipi, pipi! HAHAHAHA." Pang-aasar nila kay Ate.

Hinawakan ko nalang ito sa kamay at nginitian.

"I love you." Pagsi-sign language ko rito.

"I love you too."

-

Noong una ay ok lang hanggang sa nakilala ko si Jeremie.

"Huy hindi ka ba nahihiya sa ate mo?" Tanong nito sa akin.

"Hindi, bakit naman?" Inosenteng tanong ko rito.

"Kasi tingnan mo, pipi siya tapos nasa public school pa kayo. Nakakahiya kaya yon. May kasama kang abnormal HAHAHAHA." Aniya at tumayo na.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon