PILIIN MO NAMAN AKO

0 0 0
                                    

📌PILIIN MO NAMAN AKO.

"Hi Deus, good morning!" Pagbati ko kay Deus.

Naghihintay ako ngayon sa reply nya, 6:00 am palang at alam kong nag-gagayak na ito papunta ng kanyang trabaho.

"Hi goodmorning! Nag-aayos ako eh, maliligo na rin ako maya-maya." Reply nya, tulad nga ng sabi ko, nag-gagayak na sya.

"Ingat pagpasok." Chat ko, Yeah nasa RPW kami.

"Ikaw rin, wag labas ng labas kung di naman kailangan ok? Mamaya pa naman ako papasok kaya ok lang makakausap pa kita." Napangiti ako sa chat nya, he always make me feel special.

"Hehe, baka may gagawin ka pa? Unahin mo yun.. Makakapaghintay naman ako eh." Reply ko, pakipot muna HAHAHA.

"Wala naman Cyrell." Reply nya kaya napangiti ulit ako.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nya kaya agad akong nagtipa.

"Kausap ka.. Wala naman kaming pasok eh."
"Ikaw?" Tanong ko at saka humiga.

"Kausap lang din yung mahal ko." Napawi ang kanina ko pang ngiti dahil sa sinabi nya.

"Ahh, ganon ba? HAHA nice one sana ol." Kunwareng tumatawa pero sa loob loob ko ay nagseselos na ako.

"Yeah.. HAHAHAHA sumasana ol ka dyan? Inggit ka sa sarili mo?" Kahit nakabusangot mapigilang ngumiti dahil sa sinabi nya.

"Cyrell alam mo?" Tanong nya na ikinataka ko.

"Ang alin?"

"Na mahal kita?" Letseng lalaki to! Sarap patayin andaming banat!

"Alam mo rin ba?" Tanong ko pabalik.

"Oo."

"Alam kong mahal mo rin ako HAHA." B-ba't nya alam?

"JK, Ano ba yon?" Sunod sunod na chat nya.

"Ipapatukhang na kita." Nakangiwi kong sagot.

"HAHAHA pasensya na at nasobrahan lang ng adik sayo mahal ko HAHA." Napangiti ako pero may halong lungkot.

Lagi kaming gan'to, umaakto na mayroong kami pero ang totoo walang kami.

Ang hirap pag nagseselos ka di ka pwedeng umamin, pag nasasaktan ka mananahimik ka nalang.

"Cyrell alam mo.. 2 year's na akong nagmamahal ng patago at ang hirap.. Hindi ko maamin sa kanya yung nararamdaman ko." Ramdam ko ang lungkot sa mensahe nya.

'Ba't kasi puro ka sa kanya? Andito naman ako, handang mahalin ka.'

"Aminin mo na kasi! Pakatorpe eh HAHAH." Kaya ko syang pasayahin at mahalin pero andoon sya lagi sa taong pinapaluha at sinasaktan lang sya.

"Ang hirap, lalayuan nya ko." Sagot nya na ikinangiti ko.

"Sa akin ka umamin, mamahalin kita't iingatan wag ka lang mawala sa'kin." Bulong ko sa sarili ko.

"Hindi yan, try mo wala namang imposible eh HAHA." Pagpapalakas ko sa loob nya, Posible din kayang mahalin mo ko? Wala din namang imposible eh HAHA.

"Sige bukas.." Sagot nya, ngumiti nalang ako at hinayaang magbagsakan ang mga luha ko.

"Ie-enjoy ko nalang habang andito ka pa sa'kin, alam kong sa susunod na araw, bwan, taon nasa kanya ka na." Bulong ko ulit sa sarili ko.

"Tulog ka na Deus!" 1:00 na at 7:00 pa ang pasok nya kaya kailangan nyang pasok nya.

"Sige po, boss! Goodnight! Sana i-crushback ka na ng crush mo HAHAHAH." Sana nga, sana nga i-loveback mo na ko HAHAHAHA ansaket.

"Goodnight, pray ka muna bago matulog. Bye." Paalam ko at saka tinurn-off chat ang messenger ko.

-

"Cyrell ghod! Umamin na rin sa'kin si Camille!" Para akong tinusok ng kutsilyo, ang aga aga ito ibubungad sa'kin.

'Pake ko?'

"Ahh, paki ko?" Meron ako ngayon kaya ansama talaga nang pakiramdam ko.

"Joke, congrats." Pagbawi ko.

" Salamat!" Masayang sagot nya.

"Sige na, aalis ako ingat ka dyan ligawan mo na si Camille." Pagpapaalam ko.

Bumaba na ako para kumain, ngayon ako makikipag-meet sa mga katrabaho ni Papa.

"Hi po goodmorning po sa inyo." Bati ko sa kanilang lahat at umupo na.

Nag-meeting lang kami ng mabilis kaya nakauwi na rin ako agad.

In-open ko agad ang accout ko sa RP at tiningnan ang messages.

"Cyrell! Nag-date kami ni Camille kanina!"

"Cyrell, ang ganda nyaaaaa shit."

"Deus sent a photo." Tiningnan ko ang babae, di hamak na mas maganda ako doon pero wala akong magagawa iyon ang mahal ni Deus, walang magagawa ang ganda ko.

"Ang ganda nya no? HAHA girlfriend ko nga pala." Nasaktan ako sa sinabi nya.

"Oo nga, ang ganda sana ol.." Pag-reply ko.

"Nag-lunch ka na?" Tanong ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Yeah, ikaw?" Tanong nya.

"Not yet HAHA." Sagot ko.

"Ahh." Sagot nya, Ok lang naman ini-expect ko na.

"Deus may aaminin ako.." Humugot ako ng malalim na hininga at saka ito sinend.

"Ano yon?"

"Mahal kita." Dalawang salita pero ang hirap bigkasin.

"S-sorry.." Ngumiti lang ako.

"It's ok, i love you haha.. Aalis na ako sa
RP." Sagot ko at pinunasan ang mga luha ko.

"M-mahal na rin kita.. Pero mas mahal ko sya.."

"Ok lang, piliin mo sya. Kung saan ka masaya duon ako susuporta. Hindi ko rin ini-expect na piliin mo." Sa mga oras na ito alam kong dito na tayo magtatapos.

"P-paano ka?"

"Ok nga lang, kaya ko sarili ko, ano ka ba? HAHAHA ikaw nga nabuo ko, sarili ko pa kaya?" Tama, kaya kong buohin sarili ko.

"Ilabas mo muna mga sama ng loob mo sakin bago ka umalis.." Utos nya, hindi ko kaya pero susubukan ko.

"A-ako yung andito pero mas pinili mo sya, ako yung bumuo sayo pero sinira mo'ko."

"Ako yung nagmamahal sayo pero ba't nasa kanya ka?"

"Ako yung nagpapasaya sayo pero andyan ka sa taong dahilan nang pagluha mo."

"M-mahal mo ko pero sya yung pinili mo."

"Piliin mo naman ako HAHAHA." Iyak lang ako nang iyak pagtapos ng usapan namin.

"S-sorry.. Can i hug you? Sorry talaga.. Wag ka ng umiyak.." Ramdam ko naman na mahal mo'ko, alam kong mahal mo'ko.

Mas pinili mo lang talaga sya, pipiliin mo talaga sya kasi 3 years mo na syang mahal at araw araw mo pang kasama. Talo ako, malapit sya anlayo ko, Plus the fact na wala pang tayo. Parang ikaw ang lupa ko pero wala akong titulo, wala akong matawag na 'tayo'

"No need, i can handle myself." Sagot ko at humiga.

"I love you Deus.. So damn much.. Kakaamin ko nga lang sayo tapos natapos na agad HAHA but it's ok, mahal naman kita eh."

"I love you Deus, ingat ka palagi Stay strong sa inyo ni Camille kahit di pa kayo.. Mahalin mo sya lalo at napaka-worth it nyang tao para mahalin, bye." Then i logged out my accout.

Pagtapos ng nangyaring iyon ay wala na akong naging balita sa kanya.

Dineact ko rin lahat ng account ko kaya di ko na alam kung nasaan na sya.

'Sana kung nasaan ka man ngayon, masaya ka sa kanya'

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

March 13, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon