REINCARNATION (FORBIDDEN LOVE 2)

0 0 0
                                    

REINCARNATION (FORBIDDEN LOVE PART 2)

Nandirito ako sa kakahuyan habang may sinusundang amoy, tila pamilyar ang amoy ng isang 'to.

Nag-anyong lobo ako at mabilis na tumakbo, Nakasagupa ko ang malaking tigre agad ko itong kinagat sa leeg.

"Rawr!" Mabilis itong tumakbo paalis, sinundan ko pa rin ang amoy ng isang dalaga.

Ang kan'yang muka.. may nanunumbalik sa aking ala-ala ngunit hindi ko maalala.

Naabutan ko itong pauwi, Namutla ito ng makita ako.

Nilapitan ko ito at inamoy-amoy, siya nga.

"L-lumayo ka sa'kin!" Nanginginig na sambit niya at biglang nahimatay.

Nag-anyong tao na ako at tiningnan ito ng malamig, binuhat ko ito at dinala sa puno.

Halos ilang oras akong nakatitig rito, ang ganda niya pero mukang tanga.

"Waaaah! Yung lobo!" Napabalikwas ito at dumilat, agad itong lumayo sa'kin.

"Hele eng gwepe nemen." Bulong niya kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Gusto mo gawin kitang hapunan ko?" Pananakot ko sa kaniya.

"Pwede nemen, mesherep nemen eke ehehehe atsaka mas maserep eke se gabi hihihi." Naiirita ako sa boses niya kaya hindi ko ito pinansin.

"Pogi, anakan mo 'ko hihihi." Gusto ko itong sikmuraan kaso babae siya, nakakagigil ang kalandian ng isang ito!

"Ang landi mo." Malamig na wika ko at tinapunan siya ng isang malamig na tingin, namula naman ito at nanahimik.

"Saan ang bahay mo?" Tanong ko rito dahil ayoko siyang makasama.

"S-sa baba ng gubat.." Sagot nito habang nag-iiwas ng tingin.

"Sumakay ka sa likod ko at pumikit ka." Utos ko rito ngunit tiningnan lang ako nito.

"A-ayoko, takot ako." Nagiiwas pa rin ito ng tingin habang namumula.

Hinapit ko na ang beywang nito at dinikit ang muka niya sa dibdib ko, tumalon na ako mula sa puno at agad siyang naihatid sa bahay nila.

Bago ko ito iwan ay may tinanong ako, "Kilala mo ba ako?" Tanong ko rito.

"H-hindi.."

"Well, isa lang naman ako sa mga kumakain ng tao." Sagot ko rito.

"Kainin mo naman ako, masarap naman ako eh." Nakangiti nanamang biro niya kaya pinatungan ko ito mula sa kama niya.

"Paki-ulit nga." Bulong ko sa tenga nito, napalunok ito.

Ang pu-puti ng balat niya, napatingin ako sa leeg nito at dibdib.

May naalala ako, hindi ko lang matandaan.

"Kainin mo 'ko." Ulit nito kaya nilapit ko ang muka ko sa kaniya.

Naduling naman ito sa lapit ko sa kaniya kaya napangiti ako ng tipid.

"Mag-ingat ka rito, 'wag mo ng ulitin na lumabas sa gabi." Utos ko at tumalon na sa bintana niya.

Lumapit pa ito sa bintana niya at kinawayan ako kaya inirapan ko ito.

"Sungit! Hmp." Rinig kong bulong niya napailing nalang ako at napangiti.

Nakabalik na ako sa bahay ko, pumasok na ako sa isa sa mga kwarto at nagpalit ng damit.

Nakita ko ang dugo sa aking tagiliran, bunga ito ng pangangalmot sa'kin ng tigre.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon