LOVE SACRIFICES

0 0 0
                                    

📌LOVE SACRIFICES

"Hoy babae!" Tawag sa akin ni Paul.

"Oh bakit?" Tanong ko rito.

"Gagu ampangit mo pag natutulala ka BWAHAHHAHA muka kang nakashabu." Hindi ko ito pinansin.

"Hoy! Pansinin mo nga 'ko." Pangungulit nito.

"Bakit ba kasi?" Mahinhin na tanong ko.

"Wala lang, bakit hindi mo ako pinapansin?" Nakangusong tanong niya.

Kung hindi niyo alam, isa si Paul sa gangster sa school at siga.

Pero pag dating sa'kin nagpapabebe.

"Mamamatay ka ba pag di kita pinansin?" Tanong ko rito.

"O-oo!" Umarte pa ito na sumasakit ang puso niya.

"HAHAHAHHA!" Pagtawa ko.

Bigla itong umayos ng tayo at ngumiti, "Kung hindi mo alam ay ipapaalam ko na, may sakit ako sa puso." Seryosong wika niya.

"H-huh? Talaga?" Takang tanong ko.

"Oo.. ooperahan ako this year sana maging successful. Pagtapos nun liligawan kita." Seryosong wika niya.

"Para ka namang mamamatay.." Nakayukong wika ko.

Humalakhak ito, "Kaya gusto kong magmukang matapang kasi yung totoo isa akong lampa at mahina." Nakayuko ngunit seryosong wika niya.

Napatingala ako dahil sa sinabi niya, "Huh? Eh kayo nga yung kinatatakutan dito eh." Nakangusong wika ko.

"Yeah, pero mahina talaga ako at ayoko magmukang mahina kaya ako sumali sa gang." Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

Nanlamig ang buo kong katawan dahil sa ginawa niya.

Uminit ang mga pisnge ko bigla, "Bakit ka namumula? HAHAHA." Tanong nito.

Yumuko ako dahil sa hiya.

Hinawakan nito ang buhok ko at inikot-ikot sa daliri niya, "Ang ganda mo.." Seryosong wika niya at nakatitig sa mga mata ko.

Natawa ako dahil sa sinabi niya, "Pag gumaling ako sana hayaan mong ligawan kita." Seryoso niyang saad at tumayo na.

"Alis na 'ko, lagi akong nakamasid sa'yo kaya sabihin mo sa akin kung sino ang umaaligid sa'yo. Ipapasalvage ko." Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.

-

"Hoy babae, bibilhan kitang pagkain gusto mo?" Tanong nito sa'kin.

"Wag na nakakahiya.." Ani ko.

Bigla itong sumimangot at umalis na, nagulat ako bg batuhin ako nito ng malalakibg tsitsirya.

"H-hoy, kanino 'to?" Tanong ko.

"Sa'yo, kung gusto mo ay magbigay ka sa mga kaibigan mo." Aniya at tinalikuran ako.

Pagbalik nito ay may 4 siyang tubig na dala.

Inilalag niya sa gilid ko.

"Kain ka na, para sa'yo yan. Ang payat payat mo kasi HAHAHA!"

"Nakakataba ba ito?" Ngiwing tanong ko.

Napangiti lang ito at kumuha ng isa.

Nanuod na kami ng program.

Ilang oras siyang nakatitig sa'kin.

Hinayaan ko nalang.

Aminin man o sa hindi naiinlove na ako kay Paul, napakabuti niya sa akin.

Masungit siya sa iba pero sa akin napakabait niya, amg swerte ko.

Umuwi na ako sa bahay dahil uwian na rin naman.

"Mama!" Sigaw ko mula sa labas at hinalikan siya pagpasok.

May nakita akong anino sa gilid ng mata ko kaya tiningnan ko iyon ngunit nawala.

Lumabas ako ng gate pagtapos magmano kay mama ng may humawak sa kamay ko at tinakpan ang bibig ko.

"Isang galaw mo lang, papatayin kita." Hindi ko kilala ang boses.

H-hindi ko kilala..

Paglingon ko ay si Paul!

Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

'A-anong ginagawa mo?'

Iyan ang mga gusto kong itanong ngunit hindi ko magawa dahil sa panghihina.

Dinala ako nito sa lumang bahay, "Tangina ka Paulo!! Hayop ka, pati si Nalla ay pinakealaman mo! Traydor ka!" Biglang umiyak si Paul.

Bigla itong nagkulay purple at parang nahihirapang huminga, nagulat ako ng makawala ito sa tali.

Agad niyang hinugot ang baril sa gilid ng may hawak sa kaniya at pinutok iyon sa sintido nito.

"Labas!" Utos nito sa akin kaya agad akong tumakbo ngunit pinaputok ni Paulo ang hawak noyang baril.

Sa dibdib ni Paul, agad akong bumalik at niyakap ito.

"P-paul.." Iyak ako ng iyak.

Nakayakap ito sa akin habang binaril niya si Paulo sa braso.

"T-tama na mahal ko please.." Iyak ako ng iyak.

Ngunit natamaan nanaman ito ulit sa tyan, mas lalo akong napahagulgol.

Wala akong magawa! Ako ang totoong mahina!

Natumba na si Paul..

Natumba na si Paul..

Natumba siya at dahan dahang pumipikit ang mga mata ng makita ko sa gilid ng aking mata si Paulo na papalapit sa amin.

Agad kong pinulot ang baril ni Paul at nakapikit na ipinutok ito sa kaniya.

"A-ako sana yung manliligaw sa'yo, ako yung may gusto sa'yo.. ako yung nauna.. naunahan lang ako ni Paul." Natumba na din ito at nawalan ng malay.

Umiiyak ako habang nakatingin kay Paul.

Para lang itong natutulog, "G-gumising ka please.." Umiiyak na wika ko.

Ngunit hindi na ito gumagalaw.

Written by ZELLEN SMITH/ Franzen Castellonè

June 22, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon