NUESTRAS VIDAS PASADAS

1 0 0
                                    

Title: "NUESTRAS VIDAS PASADAS"
Genre: Fantasy
Author: @ZELLEN SMITH/AEZHEEN

PROLOGUE

Nagigising ako lagi tuwing madaling araw sa di malamang dahilan.

Bakit ganito? Tila may nagbabalik na mga ala-ala sa aking isipan.

Madalas ko itong isawalang bahala ngunit may isang lalaking lumitaw sa aking harapan dahilan para muli kaming mag-kita.

-

"Ano ba yan! Nagising nanaman ako." Napahawak ako sa akin ulo ng may maalalang bagay.

"Nelia, Te quiero mucho." Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nito, may palasong nakatarak sa dibdib ng lalaki habang sinasabi iyon.

"Yo también te amo, Eliseo." Umiiyak ang babae habang hawak hawak ng dalawang guwardiya, wala sigurong ID 'to kaya nilalayo sa lalaki.

"Volveré pronto, a su debido tiempo." Ani noong lalaki.

"Te espero en el viejo lugar de reunión, Eliseo." Nakangiting tugon ng babae kahit na lumuluha wow ate ghorL napaka-strong.

Nawala na ang ala-alang iyon kaya tumayo na ako at naligo na, hayop na mga taong yun. Maglalandian na nga lang, sa isip ko pa. Malala, di ko pa maintindihan mga sinasabi nila.

"Nelia tu!" Nabigla ako sa sigaw na iyon pagkalabas ko ng banyo.

'Wtf? ito yung igurot!'

"Hoy anong ginagawa mo dito ha?!" Matapang na tanong ko.

"Querida, ¿no te acuerdas de mí? Yo soy eliseo." Malungkot na saad nito.

"The fuck? pinagshashabu mo?" Kunot noong tanong ko rito.

"si, estoy en otra generacion." Nakayukong sambit nito at bigla nalang lumusot sa bintana ko.

'Hayop lang?'

"Brentia! Tawag ka nung prof natin pumasok ka ng maagamay pinapagawa." Bungad sa akin ng kaklase ko.

"Ah sige." Nakangiting sagot ko dito at nagtuloy na sa paglakad.

"Kunin mo doon sa isang room yung inutos ko sayo kahapon at bumalik ka rito." Ani ni prof.

-

"A-anong pangalan mo?" Nagulat ako sa tanong sa akin nung Eliseo.

"N-nagtatagalog ka na?!" Gulat na tanong ko rito.

"Oo, nagpaturo ako sa isang studyante rito. Nagpa-enroll din ako, sasabay ako sa'yo tuwing umaga." Napanganga ako sa sunod sunod na salita nito.

"Ano nga palang pangalan mo? Pasensya na kung tinawag kitang Nelia noong nakaraang buwan." Aniya ng nakayuko.

"Sino pala yun?" Tanong ko rito.

"Iyun yung babaeng mahal na mahal ko, sobrang mahal ko. Hinahanap ko pa rin sya hanggang ngayon, alam kong magkikita pa rin kami. Kaya pasensya na kung napagkamalan kitang si Nelia." Nakayukong paliwanag niya.

Napayuko ako dahil sa sinabi nito, sino kaya iyon?

"Gusto mo bang tulungan kitang hanapin siya?" Suhestyon ko rito.

"Pwede ba? sige." Blangko lang ang expression nito kaya di ko alam kung natuwa ba s'ya.

Hindi ko alam na ito na pala ang simula.

A/N: Ito po yung gagawin kong story sa wattpad sana po suportahan niyo.

May 22, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon