BABALIK KA PA BA?

0 0 0
                                    

📌BABALIK KA PA BA?

"Babe! Gusto kitang bilhan nito! Kaso wala kong pera!" Turo ng Boyfriend ko at nakaturo sa dress na nakahanger sa mall.

"Ok lang yan, babe. Marami akong damit di mo na ko kailangan bilhan.. Itabi mo nalang yung pera mo para sa inyo." Nakangiti kong sagot.

Ngumiti lang ito saka hinawakan ang kamay ko at naglakad ulit.

"Babe! I love you! Happy 7th month sa atin!" Nakangiting bati ni Ken.

"Happy Monthsarry din babe!" Sagot ko at humalik sa pisngi nya.

"Babe.. Sorry ah ito lang nakayanan eh.." Nagakakamot ng ulong sabi ni Ken.

Nginitian ko sya ng matamis saka hinalikan at niyakap.

"Thank you babe! Waaahh! Kakakilig! HAHAHAHAH salamat dito! Sa'n mo gusto pumunta?" Tanong ko rito.

"Wala akong pera ngayon babe.." Sagot nito at yumuko.

Hinawakan ko naman ang baba nito at pinagtapat ang mata namin.

"Ok lang babe! Ako gagastos ok? Mwah!" Nakangiti kong sabi at hinalikan sya sa noo.

"Nakakahiya na babe.."

"Ano ka ba! Pagtanda natin magkakaroon rin tayo ng pera!" Sagot ko ng tumatawa.

"Babe naman..."

"Ok lang babe! Halika na!" Hinila ko sya at pumuntang mall.

"Picture tayo!" Pagyaya ko at tinapat ang camera sa mukha namin.

Nakangiti naman si Ken pero may lungkot sa mata nya.

"Babe? Bakit ang lungkot mo?" Tanong ko ka'y Ken habang nakanguso.

"Di ah!" Sagot nito at ngumiti at pinisil ang pisngi ko.

Ngumuso ako saka hinabol ang labi nya.

"Andamot!" Pagmamaktol ko ng di nya ako hinalikan.

"Wag kang makulit brianesia ah! Nakakarami ka na! Baka marape mo na ko mamaya!" Tumatawang sabi ni Ken habang titig na titig sa mukha ko.

Nagulat ako ng bigla itong umupo sa tabi ko.

"S-san punta mo?" Tanong ko, Agad namang umupo si Ken sa tabi ko at niyakap ang bewang ko.

"B-bakit babe? May problema nanaman ba sa inyo?" Tanong ko at niyakap ang ulo nyang nasa balikat ko.

"Wala babe.." Sagot nito.

Hinarap ko ang mukha nya at ang lungkot ng mga mata nya kaya maluha luha ko syang niyakap.

Naaawa ako sa Boyfriend ko, Sya kasi ang nagt-trabaho sa pamilya nila at sya nalang ang inaasahan, Mukang may nangyari nanaman.

"Babe.. Sorry." Biglang bulong nito at naramdaman ko ang luha nya sa balikat ko.

"Babe naman.." Pabulong kong sagot.

"Babe may 3 Days nalang ako.." Nakangiting sabi nito.

"Huh?" Taka kong tanong.

"May cancer ako.. 3 days nalang ako babe.." Sagot nito at pinunasan ang luha ko.

"Babe.. Babe naman.. A-ayoko marinig yan.." Sagot ko at yumuko.

"Shh.. Kahit naman ganun lagi mo pa rin akong makakasama." Nakangiting sabi ni Ken at hinalikan ang ulo ko.

"Babe.. Di pa ko handa.. Ayoko pa.." Umiiyak kong sagot habang diretsong nakatingin sa mga mata nya.

"Kailangan mo babe maghanda." Nakangiti nyang sabi at pinunasan ang mga luha ko at hinalikan ako.

"Babee! Ayoko pa!" Sumisigaw kong sagot.

"Babeee! Wag mo akong iwan! Please?! Di pa ko ready! Babe! Ayoko pa please! Please! Bumalik ka na!" Nagmamakaawa kong sigaw.

"Lea! Nagha-hallucinate nanaman si Qeia! Tulungan mo ko dito! Nandito ako sa taas!" Natatarantang sigaw ni Angel sa pinsan naming si Lea.

"Qeia.. Naalala nyo nanaman ba si Ken?" Nagaalinlangang tanong nito.

"O-Oo." Sagot ko at umiyak.

Dumating na sila Lea at agad akong pinuntahan.

"Kumalma na sya Lea.." Pagsabi ni Angel.

"I love you.. Maging maayos ka na babe, Please? Mahal na mahal kita." Bulong sa tabi ko at agad ko naman itong nilingon.

"B-babe! Bumalik ka?" Tanong ko at niyakap sya ngunit pagtayo ko ay nasa hagdanan na pala ako at pilit inaabot si Ken.

"Qeia!!"

Written by: Zellen Smith.

Jan. 24, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon