KIDNAP

3 0 0
                                    

📌KIDNAP

Nag-uusap kami ngayon ng bestfriend ko at nakaupo kami sa dulo ng room.

"Boi lakad tayo mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Sige." Maikli nyang sagot.

Tumayo na ako at lumabas upang magpahangin at mag-facebook.

Halos isang oras akong nag-cellphone sa labas ng room namin.

Pumasok na ako sa loob upang umupo.

Nang may lumapit sa aking kaklasi ko si Kate.

"Uy? Bat antahimik naten?" Tanong nya.

Nginitian ko lang sya at saka yumuko.

Nag-cellphone ulit ako ng palabasin na kami ng room upang umuwi.

Inantay ko ang kaybigan ko.

Si charles.

Habang pauwi kami ay kasama nya ang girlfriend nyang si Aiza.

Ang akala ko ay kaming dalawa lang pero may kasama pala syang iba kaya umayos ako para hindi ma-op samin ang girlfriend nya.

"Uy alam nyo ba? Meron daw.." Kwento ako ng kwento.

Para sana hindi boring.

Kaso hindi na sila tumatawa at may napansin na ako kaya nagsalita na ako.

"Uy pre! Galawan ah!" Sabay tawa ko.

"Anu yun pre?" Tanong ni charles.

"Wala,yung tindera kasi tingnan mo oh? Grabe makatingin sa lalake HAHAHAHA." Sabi ko pero nakita ko na si Aiza na masama ang tingin sa akin.

Alam kong pinagseselosan nya ako pero di naman din kami mapaglayo ng kaibigan ko dahil sa pareho kaming astang lalaki at magkasundo talaga kami.

Habang naglalakad sila ay palayo sila ng palayo.

Kaya nilabas ko ang cellphone ko.

Kunwari ay may ka-usap ako at binagalan ko na ang paglalakad.

Maya-maya'y humarap sa akin si Charles at tinawag ako.

"Pre! Bilisan mo." Sigaw nya.

Di ko sya sinagot at patuloy lang ako sa pagtipa sa cellphone ko.

Nginitian ko lang sya ng matipid.

Maya-maya ay humarap na ulit sya sa akin at sinigawan ako.

"Bilisan mo pre!" Sigaw nya ulit.

Pagtalikod nya ay saktong may paparating na Jeep.

Sumakay agad ako doon.

Naabutan ko pa silang naglalakad.

Tiningnan nila ako ng may nagtatanong na mga mata.

"Pre.. Una na ko may emergency daw kami." Sabi ko sa malakas na boses tsaka ngumiti ng pilit.

Alam kong hindi nakangiti yung mata ko dahil nasasaktan ako sa ginawa nila.

'Sana pala ay di nalang ako pumayag na mag-lakad.'

'Dapat siya yung mag-guide sa akin.. Pero sya pa yung namahiya..'

'Oo.. Napahiya ako sa sarili ko.. Hindi ko akalaing magkakaganon yung lakad sana namin'

'Nasasaktan ako kasi parang di nya ko kaibigan sa ginawa nya..'

'Di naman dapat ako pinagseselosan dahil wala naman akong pagtingin sa jowa nya.'

'Tch attitude.'

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon