MULING PAGKIKITA

4 0 0
                                    

📌MULING PAGKIKITA.

Nakaupo ako sa upuan ng isang parke.

Habang binabalikan ang mga alala sa aking isipan.

'Baby nguso nga ikaaaww!' nakangiting ani ni Xylex.

Boyfriend ko.

'Bakit nanaman ba!? Trip mo nanaman ako eh!' nakanguso kong sabi.

Maya maya di sya sumagot at tinititigan na lamang ako.

'Baket!?' Naiirita kong sabi.

Nagulat ako ng bigla syang tumayo kaya agad ko din syang hinawakan.

'San ka pupunta babe!?' Tanong ko.

'Sa lips mo.' Sagot nya kaya agad akong pinamulahan.

'Taena mo! pakyu! HAHAHAHHAHA.' Naiilang na sabi ko.

Dumaan ang mga araw laging ganoon ang routine namin ni Xylex.

Maghaharutan at maglalambingan sabay mag aaway.

Pero lagi din namin iyong naaayos.

Ngunit dumating ang araw na di ko malilimutan.

June 18, 2017.

Ang araw kung kelan sya kinuha sa akin.

Hindi kami nakapaghanda.

Hindi ako nakapaghanda sa pag alis nya.

'babe! sorry ah! di ko nasabing may brain tumor ako.. Babe sana mapatawad mo ako. Yung sing sing babe andun kay mama! Papakasalan sana kita eh! Kaso di inabot ng hininga ko HAHAHAHAHA. Sorry babe ah sana mapatawad mo ako! Mahal na mahal kita babe! Sinulat ko ito para incase na kunin ako ni lord ay may maitago kang alaala sa akin. Sige na babe! I love youuu! Mwah mwah tsup tsup! HAHAHAHHAHA.'

Naalala ko nanaman.

Pauwi na ko ng bahay.

"Ma andito na po ako." Nakangiti kong pagpapaalam kay mama.

Nang papasok ako sa aking kwarto ay biglaang hindi ako makahinga.

Natumba ako at hawak hawak ang aking leeg.

"A-ah m-ma! D-di ako mak-kahinga!" Ngunit malayo ang aking kwarto sa kinaroroonan ni mama at tiyak kong di nya ako maririnig.

Pinilit kong labanan.

Ngunit unti unti na akong nawawalan ng malay.

'Babe! Bat sumunod ka agad?' mga boses na naririnig ko sa aking paligid.

'Nasan ako?' tanong ko sa aking isipan.

"Nandito ka sa aking kaharian, Anak." pagtingin ko sa aking likuran ay nakita ko ang panginoon.

Kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Lord, P-patay na po ba ako?" tanong ko.

"Hindi anak. Dahil nasa walang hanggang buhay ka na ngayon. Sa lugar na ito hindi ka na magugutom at wala ng hirap." Nakangiting aniya.

"Babe! HAHAHAHHAHA long time no see!" Paglingon ko ay nakita ko ang lalaking mahal ko na may luha sa mata.

"Babe!" At sabay kaming nagyakapan.

Credits to the real owner of this photo (Ctto)

✒:Zellen Smith

Nov. 15, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon