SORRY

0 0 0
                                    

📌SORRY.

Nakaupo sa aming higaan iniisip kung san ba kami nagkamali at nawala ang aming iniingatan?

Lumuluha dahil sa trahedyang nangyari.

"B-babe.. Sorry, Di ko iningatan eh.." Pagbasag ni Jein sa katahimikan.

"It's ok babe.. di naman natin ginusto." Sagot ko at hinalikan ang kanyang noo.

"S-sana may karga-karga na tayo nga-ngayon kung buhay si Maxine.."

"Oo nga babe.. Kung nabuhay siguro ang anak natin siguro'y maganda ito.. Kasing ganda mo." Sagot ko saka ngumiti at tumingin sa kanyang maamong mukha.

"Bolero ka talaga haha." Sagot nito at hinampas ako.

"Totoo yun babe HAHAHAHA, Siguro yung anak natin na iyon ay hindi talaga para sa atin.." Pagbukas ko nanaman ng usapan tungkol sa anak namin.

"Siguro nga.. Pero ang sakit babe eh.. di man lang naranasan ni baby na makita yung mundo, mayakap tayo, na dumede saken, palitan mo ng diapers, at mahalikan naten." Malungkot na saad nito.

Humiga nalang ako at saka natulog.

Sa mga dumadaan na araw ay nakakarecover na kami ni Jein at masasabi kong bumabalik na kami sa dati ngunit may mga nagiba.

Simula ng magkita sila ng kanyang kaybigan, Kaybigang lalaki.

Masakit man sa akin na makita syang masaya sa iba ay ayos lang makita ko lang na masaya sya.

Ngunit dumaan ang isang taon at iba na ang kanyang pakikitungo sa akin.

"Anu ba Neil?! Aalis lang naman ako saglit!" Bulyaw nya sa akin dahil pinipigalan ko syang umalis.

Alam kong makikipagkita lang naman sya sa kanyang kaybigan na si James.

"A-ahh sige lang.." Sagot ko at binitawan sya.

Masakit.. Oo dahil alam kong makikipagkita lang sya ka'y James.

"S-sino mga kasama mo b-babe?" Tanong ko.

"Wala ka ng pakialam doon!" Sagot nya at padabog na lumabas ng bahay.

Nag-asikaso na ako para pumasok, balak ko sanang lumabas kasama si Jein dahil 3rd Anniversary na namin ngayon kaso mukang nakalimutan nya na.

"H-hello, M-ma?" Sagot ko sa kabilang linya.

"A-anak.. Ang papa mo.. W-wala na sya.." Umiiyak na sagot ni Mama.

Parang namanhid ang aking katawan at parang hindi halos mag sink-in sa akin ang sinabi ni mama.

"A-ano?" Tanong ko ulit.

"Wala na si Papa mo.." Pag ulit nito.

"N-nasan kayo?"

"Maya maya ay iuuwi na ang katawan ng papa mo sa bahay kaya umuwi ka nalang sa atin." Sagot nito kaya umuwi nalang ako.

Pinatay ko ito saka lumuha.

"B-bat nawalan nanaman ako ng mahal sa buhay?" Tanong ko sa aking sarili.

Tumayo na ako at saka nagbihis.

Pag-uwi ko sa bahay ay nanduon na ang kabaong ni Papa.

"P-pa.. Bat mo kami iniwan? pano na si mama?" Umiiyak kong tanong sa bangkay ni Papa.

Niyakap ako ni Mama at pareho na kaming umiiyak ngayon.

Niyakap ko ito saka pinunasan ang kanyang mga luha.

-------

Ginabi na ako umuwi sa bahay namin ni Jein.

"San ka galing?! May babae ka noh?!" Bungad sa akin ni Jein saka ko sinampal.

"Wag mong ibintang sa akin ang gawain mo." Sagot ko at ngumiti.

Nagbihis na ako saka nahiga.

Di na nagtanong si Jein, Dun ito natulog sa sala.

Pagkatulog ni Jein ay binuhat ko na sya agad saka nilipat sa kwarto namin.

"S-sorry babe.. I love you." Pagkausap ko sa kanya saka hinalikan sa noo.

"I love you Love, Goodnight sleep tight." Dugtong ko saka sya kinumutan at iniwan sa kwarto.

Dito ako sa sala matutulog dahil alam kong nanlalamig na sa akin si Jein.

-------

"Maghiwalay na tayo!" Bulyaw ni Jein sa kabilang linya.

Hindi ako nakasagot kaya umalis ako sa burol ni Papa.

"Sawang sawa na ako!"

"Ayoko na! Pagod na ako!"

"Sigurado ka? Di mo na ba ako mahal? Pag pinakawalan ba kita sasaya ka ba ka'y James? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Dire-diretsong tanong ko.

Hindi agad nakasagot si Jein.

"O-oo!" Sagot nito.

"Nakalimutan mo na ba? Nung niligawan kita, Kung pano kita pinasaya, Kung pano tayo nakabuo ng anak." Pag papaalala ko rito.

"Oo! Pero di na kita mahal!" Sagot nito kaya ngumiti ako.

"Sige.. Pinapalaya na kita. I love you babe!" Sagot ko.

Pinatay ko na ang tawag saka umiyak ng umiyak.

'Andaming nangyari!'

'Di ko kayang matanggap lahat!'

Maglalakad na sana ako pauwi ng may makita akong babaeng akmang tatalon sa tulay ngunit nahawakan ko ito.

Umakyat ako sa tulay saka sya inalalayan umakyat ngunit ng makakaakyat na sana sya ay bigla nya akong hinila.

"Nangengealam ka! Kaya samahan mo ako!" Nakita ko ang mga namumulang mga mata nito at maiitim na kuko.

Sa paghila nya sa akin ay sabay kaming nalaglag.

-------

"B-babe! Gising na! Wag ka matulog jan!" Narinig kong sigaw ni Jein nakita ko itong humahagulgol sa harap ng kabaong.

"Sorry babe! Sana di nalang kita hiniwalayan para di ka nagkaganyan!" Humahagulgol na saad nito.

"Lumayas ka dito! Ansama mo! Dahil sayo namatay ang anak ko!" Hinahampas ni Mama si Jein kaya akmang haharangan ko sana ito ng tumagos sa akin ang mga kamay ni Mama.

Pagtingin ko sa kabaong ay nakita ko ang katawan kong nakahiga.

✍:Zellen Smith

Jan. 8, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon