TEACHING YOU HOW TO LOVE ME

5 0 0
                                    

TEACHING YOU HOW TO LOVE ME

"Hoy Gleia, lutang ka nanaman." Natatawang banggit ni Sir John, napangiti lang ako ng tipid at nagiwas na ulit ng tingin.

Naiilang ako sa kan'ya.

"May problema ka ba? Lagi kang tulala." Aniya at tumabi sa gilid kong upuan, break time ngayon kaya kaming dalawa lang ang naiwan. Ayaw ko rin namang lumabas.

Umiling lang ako at nagbaba ng tingin habang pinaglalaruan ang mga kamay ko.

Nga pala, kaedad lang namin halos si sir 21 kami halos lahat at 23 naman si Sir.

Graduating na rin ako at sa susunod ay malapit na din akong magturo.

"Sabihan mo lang ako pag may problema ka, Prof n'yo ko. 'Wag kayong mahiya magsabi, hindi ko kayo huhusgahan." Aniya at tumayo na at nakapamulsang lumabas ng room.

Napabuntong hininga nalang ako at dahan dahan ng nagsipatakan ang nga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nangyari nanaman yung pinaka iniiwasan ko.

Pinasok nanaman ako ng tiyuhin ko sa kwarto namin ng mga anak n'ya kagabi.

Nakikitira lang ako sa tita ko at sa asawa n'ya, maagang nawala sila mama't papa. 10 years old palang ako naiwan na ko kila lola, noong namatay na din si lola ay pinaalis na ako ng totoong may ari ng bahay namin na tinitirhan.

May anak na dalawa ang tiyahin ko, isang 10 years old at isang 12 years old they're both girls.

Kasama ko sila palagi, mabuti nalang ay mabait sila.

Ngunit hindi ang asawa tatay nila, sa t'wing lasing ito'y lagi ako nitong pinapasok sa kwarto at pinipilit ako sa bagay ba gusto n'ya.

Kagabi ay hindi ko na s'ya napigilan, nahawakan n'ya ako sa private parts ko.

Pakiramdam ko'y ang dumi dumi ko na dahil sa ginawa n'ya.

Sa t'wing ipipikit ko ang mata ko'y naaalala ko ang ginawa n'ya sa akin kagabi.

Kung paano n'ya ipinasok ang mga kamay n'ya sa loob ng damit ko, gustohin ko mang sumigaw alam kong hindi ako kakampihan.

Magmumuka lang akong sinungaling.

Wala akong ibang titirhan, kaya nagtitiis ako hangga't makatapos ako.

Nabalik ako sa wisyo ng may nag-abot sa'kin ng Panyo, "Kung ano man ang nangyari sa'yo o kung ano mang pinagdadaanan mo, hindi 'yon kabawasan ng pagkatao mo. Sabihin mo lang sa'kin kung anong nangyayari sa'yo, handa akong protektahan ka. 'Wag ka ng umiyak." Aniya at ngumiti.

Napakurap ako ng tatlong beses at nagpunas ng luha, ngumiti lang ako sa kan'ya. "Thank you." Ani ko at yumuko.

Nakatulog pala ako, pagangat ko ng ulo ko'y nagtuturo pala si Sir John. Napalingon ito sa'kin at ngumiti.

Napatingin lahat ng kaklase ko sa'kin at tumawa, "Hala lagot ka! Galit na galit kanina si Sir kasi tulog ka." Naramdaman ko naman ang pamumutla ng muka ko dahil sa narinig, paano kung ibagsak ako? Isang taon nalang ako. Hindi pwede.

"S-sir sorry po." Ani ko at yumuko. Ngumiti lang si Sir at umiling.

"Hoy sira, di ka talaga pinagising ni Sir. Siraulo 'to si Ruby." Wika ni Elisha.

Napahinga naman ako ng malalim.

Hayy salamat.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay ay nagbihis muna ako at nagsimula na maglinis, mabuti nalang wala pa dito si Uncle Junjun.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon