LOVE QUARREL

1 0 0
                                    

"Ba't hindi ka nanaman kumain?! Ba't ka kumain ng tsitsirya?!" Pasigaw na tanong ko dahil kumain nanaman daw ng bawal si Jenny.

"Bakit?! Masama ba?! Gusto ko eh!" Palaban na sagot nya kaya mas lalo akong napikon.

"Eh paano kung magkasakit ka nanaman?!" Nagaalala kong tanong.

"Edi magkasakit! Sakit lang yon! Alien ako!" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa sagot nya.

"Ang tigas ng ulo mo! Pag ikaw talaga nagkasakit! Ewan ko lang sayo!"

"Hindi nga kasi ako magkakasakit!" Sigaw nito pabalik kaya naman tumalikod ako at kumuhang damit nya para makapagpalit na sya, dahil kagagaling lang sa practice.

-

"Tingnan mo! May sipon at ubo ka! Softdrinks ka kasi ng softdrinks! Sinabing bawal ka doon eh! Tapos nagpapatuyo ka ng pawis! Tsk ewan ko sayong babae ka!" Pagsermon ko sa kanya.

"Hatchuu~" Bumabahing sya ngayon dahil sa sipon nya, tss.

Namumula tuloy sya at nakatalukbong din ng kumot dahil malamig daw.

Hinipo ko ang noo nya, mainit kaya agad akong tumayo at kumuha ng gamot.

"Oh eto, kulit mo kasi eh." Pag-abot ko sa kanya ng gamot.

"Halika nga dito! Kulit kulit mo kasi ehh.. Yan tuloy may sakit ikaw.. Sa susunod baby, wag ka ng kain ng kain ng mga junk food saka softdrinks.. Nagkakasakit ka eh, ikaw rin kawawa." Pagba-baby talk ko sa kanya, Ito lang makakapagpa-amo sa kanya. Feeling baby eh.

"Opwo.." Nakanguso nyang sagot, See? Isip bata.

Hinalikan ko sya sa noo saka isinandal ko sa balikat ko.

"Anong gusto mo? Gawa tayo ng champorado?" Tanong ko.

"Sige." Nakangiting sagot nito kaya pumunta na akong kusina.

Gumawa na nga ko champorado nya saka ko sya sinubuan.

"Ansharap!" Parang bata nyang puri kaya napangiwi ako, isip bata talaga.

"Tsk, kumain ka na nga lang para gumaling ka na at makagawa na tayo ng bata." Nakangiti kong pang-aasar.

Agad nya naman akong hinampas at inirapan.

"Bastos!" Inagaw nya sa akin ang pagkain saka sya mag-isa ng kumain kaya tumayo na ako at kumuha ng towel, pupunasan ko sya dahil ang kalat lumamon parang baboy.

"Kumakain pa ko! Mamaya na yan." Pag-angal nya dahil pinunasan ko na sya.

Pinatapos ko na sya kumain saka ko sya pinunasan saka pinatulog dahil maggagabi na rin.

-

"Good morning baby! Gising na." Pag gising ko ka'y Jenny.

Hindi ito nagising agad kaya pinugpog ko ng halik ang muka nya.

"Ano hindi ka pa gigising?" Nakangiti kong tanong.

"Gising na baby ko, Bangon na dyan papasok pa tayo." Nagising naman na sya ng may ngiti sa labi kaya naman tinulungan ko itong bumangon.

Binuhat ko sya palabas, pake nyo? Baby ko to eh.

-

"Sino yung lalaking yon?" Nagseselos kong tanong dahil may kasamang lalaki kanina si Jenny, nakipag up here pa sa kanya.

"Si kuya, abnormal." Sagot nya at humawak sa kamay ko, Oo nga pala si kuya pala yun HAHAHA.

-

"Sige na kumain ka na."

"Ayoko! Papagalitan mo ko pag kinain ko to eh." Nakanguso nyang sagot.

"Sige na kumain ka na, Subuan pa kita?" Tanong ko kaya naman namula sya at agad na inagaw sa akin ang pagkain.

Nagda-date kami ngayon dito sa Mall dahil boring daw sa bahay kaya dinala ko sya dito.

-

"Hoy panget!" Pang-aasar nya.

"Hoy! Taba!" Pang-aasar ko rin kaya tumakbo ito palapit sa akin saka ako sinakal.

"Kung hindi mo kasi ako pinalamon ng pinalamon hindi ako tataba!" Inis na paninisi nya kaya tumawa ako.

"Para wala kong kaagaw, tanga." Sagot ko saka sya binitbit na parang sako.

-

Get a man na kaya kang ihandle, kaya kang alagaan at lambingin, Papagalitan ka kung may nagawa kang mali hindi yung walang pakialam, at ituturing kang asawa hindi pansamantala. Hindi puro landian lang ang alam. Kaya kung ako sayo? Sayo na ko.

Written by ZELLEN SMITH.

Credits sa may-ari ng picture.

Feb. 29, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon