FIRST KISS

1 0 0
                                    

📌 FIRST KISS

Kanina pa ko nagmamasid ka'y Damon na parang may hinahanap sa Bag nya at nang wala syang makita ay ginawa nya nalang ang Activity namin.

Bumaba ako at nagmadaling bumili ng makakain, pakiramdam ko kasi ay nagugutom na yung bakulaw na yon.

"Oh." Inabot ko ang mga pagkain na binili ko para ka'y Damon, andito kami ngayon sa room ngunit wala ng tao kaya inabot ko na.

Tumalikod na ako at nagsulat ulit, magsasagot sana ako ng assignment ko ng may tumawag sa akin.

"Alexa!" Sa unang pagtawag ay hindi ko ito nilingon dahil alam ko namang aasarin lang ako, pero wala akong pakialam.

"Alexa! Psst!" Maya-maya ay may lumapit sa akin.

"Alexa? Sa'n galing yon?" Tanong ni Damon gamit ang mayabang nyang ngiti, pakayabang wala na ngang baon eh tsk.

"Sakin." Simple kong sagot nang hindi tumitingin sa kanya at nagpatuloy na ulit sa pagsulat.

"B-bakit?" Utal na tanong nito.

"Para magkalaman naman yung utak mo." Sagot ko at tumayo na.

"Salamat.." Nakayuko nyang pagpapasalamat sakin.

Tumango lang ako at lumabas ng Room.

-

"Good Afternoon Ma'am Dela Cruz!" Bati namin sa guro namin saka umupo.

Biglang may tumabi sa akin at tinitigan ako, si Damon.

"Lumayo ka sa'kin Damon, ayoko nang may katabi." Pagpapa-alis ko sa kanya.

"Ayoko nga.. Ba't ka ba andito sa likod?" Tanong nya kaya tiningnan ko na sya at saka sinagot.

"Eh gusto ko eh, ikaw? Ba't ka pumunta dito?" Tanong ko saka tinulak palayo ang upuan nya kaso ang bigat, lamon kasi ng lamon.

"Gusto ko rin." Nakangiting sagot nya saka ako tinitigan.

'Tss andyan nanaman yung titig nya na mala-fictional character, pa-fall tss'

"Wag ka dito Damon, andoon yung mga kaibigan mo oh!" Pagkalingon ko sa kabilang side ng mga upuan ay kanina pa pala kami tinitingnan at nakangiti pa yung mga kupal nyang kaibigan.

"Tss, umalis ka na." Pagtaboy ko pa rin sa kanya, Hinawakan ko ang mga balikat nya saka sya tinulak pero bwiset hindi man lang natinag mas lalo lang bumigat.

"Umalis ka na kasi!" Pagtataboy ko sa kanya saka sinipa ang upuan nya, tumayo na ako at babalik na sana ng upuan ko nang makita kong nakaupo doon si Stella.

No choice ako kundi bumalik sa likod, nakita ko agad ang ngiti sa muka nya.

'Mukang aso, tss'

"Babalik ka rin pala eh." Nakangiti nyang sabi saka humarap ulit sa akin.

"Lumayas ka nga kasi rito!" Pagpapa-alis ko pa rin sa kanya kahit malabo dahil ang kulit nya.

"Hmm alexa.. Ba't mo pa binigay yun? Kumain naman ako bago mag-recess.." Pagpapaliwanag nya.

"Tss wala akong pakialam." Sagot ko at dumukmo na lang.

-

'Mag-uuwian na? Ambilis tch'

"Alexa, pakopya." Biglang sulpot nanaman ni Damon kaya inis ko itong tiningnan at hinayaan nalang, wala naman akong magagawa.

"Wala kong alam." Sagot ko at naghanap ng makokopyahan.

"Marjorie pakopya ako." Pagpapa-alam ko ka'y Marjorie.

"Sige, alexa wait lang." Binigay naman nya sa akin ang papel saka ako pinabayaang kumopya.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon