MALAYO KA MAN

3 0 0
                                    

📌MALAYO KA MAN

Nakikinig ako sa music na 'Malayo ka man' ang title.

Ito ang bagong uso ngayon kaya pinakinggan ko, muling nanumbalik sa aking ala-ala ang kasintahan kong si Heal.

Malayo rin kami sa isa't-isa pero alam kong magkakasama din kami sa tamang panahon.

Masakit minsan na hindi ko 'to mayakap o mahalikan pag nalulungkot ako.

Pero kailangan namin magtyaga dahil wala naman kaming ibang choice.

Anim na taon na kami ni Heal, hanggang ngayon di pa rin kami nagkikita.

13 years old ako at 19 na sya noong nagkakilala kami HAHAHA, napakabata ko pa noon pero nagustuhan nya ako. Hindi ko alam kung pano.

Worth it naman at healthy ang relasyon namin.

19 na rin ako ngayon, 2nd year college.

Naalala ko, nagtatanong pa ako sa kanya dati kung anong feeling ng college ngayon sya na HAHAHA.

Pag nas-stress ako, inaalalayan nya ako palagi kaya di ko maramdaman na nag-iisa ako.

Mahal na mahal namin ang isa't-isa.. pero ako, mas mahal ko yung sarili ko at ok lang yon kay Heal.

Ramdam na ramdam kong mahal na mahal ako nito, pag may away kami sya ang umaayos.. back up nalang ako HAHA.

Pero madalas ako ang nagsisimula ng usapan na maayos at sya na ang aaksyon para magkabati na kami.

Inaamin kong napaka-immature ko, wala eh.. baby nya kasi eh HAHA.

Masyado din akong spoiled sa kanya, never ko pang naramdaman na may kinampihan syang iba.. kinakampihan nya ako palagi pero madalas pinapaintindi rin sa akin ang mga mali ko, napakaswerte ko.

Ngayon na ako pupunta sa meeting place namin, sa MOA.

Pumasok na ako sa loob, hinanap ko ito.

"Naka-gray na shirt ako and black pants."

Yan ang sabi nya kaya agad ko itong hinanap, ngunit hindi ko ito makita.

"Uyyy? Asan ka naa?"

Halos maiyak na ako sa kahahanap dahil wala talaga akong makitang Heal.

Maya-maya ay may tumawag sa akin,

Si mama, "Nak, nasa MOA ka nanaman?"

"Opo ma, bakit po? Makikipagkita ako ma kay Heal.. Excited na ko ma makikita ko na sya tapos mayayakap hehe." Kinikilig na sagot ko.

"Nak.." Bakas ang lungkot sa boses nito.

"Bakit po? May nangyari ba?" Takang tanong ko.

"Nak.. si Heal.." Bumuntong hininga ito at tinuloy ang sasabihin.

'Buhay pa si Heal..'

"Ano po?" Tanong ko, di ko tinatanggal ang ngiti sa aking mga labi.

Nagbabagsakan na ang mga luha ko ngunit nakangiti pa rin ako.

"Matagal na syang wala 'nak.. Isang taon na oh, nak uwi ka na.. wala kang Heal dyan na makikita.. uwi na nak." Pagsusumamo nito.

"Ma, wag mo ngang sabihin yan HAHA kakatext nya lang sakin.. Nakagray na shirt and black pants daw sya." Nakangiti kong saad.

"Anak, maawa ka sa sarili mo.. may sakit ka.. umalis ka na dyan umuwi ka na.. ipapasundo kita sa kuya mo."

"Ayoko ma, hihintayin ko sya." Nakangiti kong pag-ayaw.

Pinatay ko na ang tawag at naglibot-libot ulit.

Nagbackread ako sa conversation namin..

"1 year na nga pala 'to.. Mahal naman eh, ang bilis mong nang-iwan.. Papakasal pa tayo eh.. Happy 6th aniversarry nga pala hehe, may flower ako dito.." Nilabas ko ang bulaklak na kanina ko pa hawak hawak.

Naka-video itong ginagawa ko, habang nagsasalita ay di ko mapigilang lumuha ng lumuha.

"Hihintayin ulit kita sa susunod na buhay natin, mahal."

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

April 4, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon