TIME OF DEATH

0 0 0
                                    

📌TIME OF DEATH 9:13 P.M.

From: Liliene

"Happy monthsarry love! I love you!"

✓Seen.

Huh? Anung trip nito? Matagal na kaming break ah..

To: Liliene

"Huh? Pinagsasabi mo lien?"

✓Sent message.

...Typing

"Mahal na mahal kita Jaycee.. Please balik ka na sakin? :<"

✓Seen

Agad akong nagtipa at natatawa habang hinahanda ang sarili ko.

'Nakamove-on na ko mga dude! 90% Siguro, Tapos babalik sya? Edi back to 0 nanaman tayo, tch.'

Alam kong pinaprank nya lang ako dahil mahilig sya sa pranks.

"Wag mo na kong guluhin Lien.. Sorry pero nakamove-on na ko."

Pagchat ko at saka humiga.

*Bzzz, Bzzz*

Nagvibrate ang cellphone ko at nagulat ako sa nakita ko.

Mga picture ni Liliene na buntis at maya-maya may mga sumunod na baby pictures.

Matagal kong tinitigan ang muka ng batang babae sa litrato dahil hawig ko ito sa labi, mata, ilong at kilay.

From: Liliene

"Anak nga pala natin.. Pasensya na kung di ako nagparamdam sayo nun, Napaghigpitan talaga ako ng todo noon kaya nakipag-break nalang ako.. Saka di ko alam ang gagawin ko nun kaya hiniwalayan kita.. Iniwasan ko ring ma-stress ng sobra para sa ikabubuti ni Abriana Isabelle Ramos haha.. That's her name.. Di ko naman hiniling na panagutan mo kami.. Pero gusto ko lang ipakilala sayo si Briana.. Kasi may karapatan ka rin."

Napaluha ako dahil sa nabasa ko..

Luha ng saya ng malamang may anak pala kami.

--------

"B-break na tayo Brian! Ayoko na please? Pakawalan mo na a-ako!" Umiiyak si Liliene habang sinasabi iyon.

Bigla syang natumba at nawalan ng malay.

Agad ko syang binuhat at dinala sa clinic.

"Nurse.. I-check mo naman sya.. Nahimatay kasi eh." Maluha-luha kong sabi saka tumalikod.

Bumili ako ng makakain namin saka tubig para pagbalik ko ngunit pagbalik ko ay wala na si Liliene.

"N-nurse? Asan po yung girlfriend ko?" Nag-aalala kong tanong.

Sinabi nya lang sa akin na lumabas daw ito at may pinuntahan.

Tumakbo agad ako palabas at hinahanap sya ngunit kahit saan ko hanapin ay hindi ko sya makita.

Umuwi akong luhaan sa bahay dahil sa nangyari.

Binuksan ko ang facebook ko para sana i-chat si Liliene pero naka-block na ako at kahit saan ay hindi ko na ito ma-contact.

Para akong namatayan dahil sa nangyaring iyon kaya halos parang hindi na ako humihinga.

Nabuhay ako sa lungkot ng halos isang taon dahil sa nangyaring hindi ko matanggap.

Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.. Umaasa na sana bumalik sya kahit isang araw lang.

Pero umabot ng ilang buwan at hindi ko na talaga sya makita kaya unti-unti na akong sumuko.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon