AYOKO NA

0 0 0
                                    

📌AYOKO NA

Nakaupo ako sa hapag kainan at tinatanggap ang masasakit na salita na aking naririnig sa aking mga magulang.

Sobrang sakit dahil sa mismong magulang mo pa iyon maririnig.

Pagkatapos naming kumain at pagkatapos rin nila akong sermunan ay pumunta na akong kwarto at natulog.

Nandito na ako sa school papasok sa room ko ay nandyan nanaman ang grupo ng kalalakihan.

"Hello wirdo?" Nakangiting ani ng kanilang pinuno.

Tumabi nalang ako at papasok na sana.

Nang bigla nya akong sinapak.

Wala na akong ginawa at pumasok nalang sa loob ng room.

Pagtingin ko sa kamay ko ay may dugo.

Kumuha nalang akong towel at pinunasan ang aking muka.

'Napapagod na ako.'

Dumaan ang walong oras at uuwi nanaman ako para mapagalitan.

Walang alam ang magulang ko sa nangyayari sa akin sa school ang alam kasi nila ay basagulero ako.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nagsimula nanaman si mama sa pagdaldal nya.

"Mabuti naman at nandito ka na! Anung oras na? siguro ay naggala ka pa!" Sigaw ni mama.

Yumuko nalang ako at nagmano.

Ngunit tinabig nya ang kamay ko.

Kaya umakyat nalang akong taas upang magbihis.

'Bakit kaya sila ganon?'

'Ano kayang tingin nila mama sa akin?'

'Naiintindihan kaya nila ang sitwasyon ko?'

'Pano kaya kung wala na ako? Matutuwa kaya sila?'

'Ikasasaya na kaya nila?'

Mga tanong na bumubuo sa aking isipan.

Nakatulog akong lumuluha.

'Gusto ko ng mawala..'

'Pagod na pagod na ako..'

'Magpapahinga na ako...'

Kinuha ko ang patalim ko sa aking bulsa at itinapat sa aking dibdib at saka itinarak iyon.

Unti unti akong nahihirapang huminga.

Hangang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako.

Nagising ako at sobrang init ng paligid.

Hindi ko kaya.

Sobrang sakit sa pakiramdam.

Para akong sinusunog.

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang madilim na paligid at maapoy.

'H-hindi maaari..'

Namatay ako.

Patay na ako.

At nakikita ko ang mga magulang kong umiiyak sa lupa.

"A-anak bat mo ito ginawa?" Iyak ni mama.

Nakikita ko si papa na nakatayo lang at lumuluha.

Maya-maya'y may kinuha si mamang papel.

Papel na pinagsulatan ko bago ako mamatay.

"M-mama, Papa pasensya na po kung maaabutan nyo akong hindi na humihinga.. ma? pakatatag kayo ni papa ah? ok lang ako atleast ok na kayo at wala ng pabigat sa inyo, Mama, Papa gusto ko sanang makapagtapos kaso hindi ko na kaya.. Pagod na ako.. Di ko na kayang lumaban.. Alam mo ba ma? Lagi akong binubully sa school pero binabaliwala ko iyon kasi gusto kong makakuha ng matataas na grado.. Dumating yung araw sinaksak ako ng lapis sa likod pero binaliwala ko iyon ma.. Kasi kawawa mga magulang nila.. Nung sabi mong late ako lagi umuwi? May tinutulungan kasi akong matanda sa bangketa ma.. Tinutulungan ko sya makabenta.. Nung sinabi nyo rin pong bat dumudugo ilong ko? Di ako nakipagsuntukan nun ma.. Sinapak ako nung pagkapasok kong room.. Pasensya na kayo kung wala kayong alam.. Mas gusto ko kasing wala kayong stress sa buhay nyo eh.. HAHAHAHAH ayokong tumanda kayo agad kaya di ako nagsusumbong.. Sana ma gabayan kayo ng dyos mahal na mahal ko kayo.. Paalam." Basa ni mama sa aking isinulat.

Pagkatapos nun ay may humila sa aking malalaking tao at isinama ako sa isang itim na palasyo na may nagbabagang lawa.

Itinapon nila ako doon sa nag-aapoy na lawa.

At pagkatapos kong makaahon ay pinugot nila ang aking ulo.

'Ngunit di ako namamatay..'

Ito ang parusa sa aking kasalanan.

Paulit-ulit ang nangyayari.

Paulit-ulit na pinapatay ang aking kaluluwa.

"Iyan ang kabayaran sa iyong kasalanan."

✒:Zellen Smith

Nov. 26, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon