GANGSTER!

1 0 0
                                    

📌GANGSTER!

"Just focus on my eyes." Basa ko sa caption nya sa profile pic nya.

'Kala mo naman ang gwapo pandak naman!'

Kasalukuyan akong nangs-stalk ng marinig ko ang tawag sakin ni Mama.

"Jai! Baba na! Kakain na tayo!" Pag-tawag sa akin ni Mama kaya bumaba na agad ako.

"Ba't ka nakangiti ha?" Tanong nya pagbaba ko.

"Masama bang ngumiti? Panira mood ka ma, Palibhasa wala kang lablayp!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Baket lumalab layp ka na ha?! Pag ikaw nabuntis ng maaga ewan ko lang sayo!" Nagsimula nanaman sya magdakdak HAHHAHAHA.

"Kailangan ba gabi?" Tanong ko ng naka-kunot noo.

"Piste ka talagang bata ka!" Gigil na sigaw sakin ni mama kaya pumunta na agad ako sa hapag kainan.

-

Naglalakad ako papuntang school, Pinagtransferan ko.

Andaming sasakyan sa kalsada at sobrang siksikan dahil 2nd day palang ngayon.

Nakayuko ako dahil malaki akong babae at ayokong mabulag ng maaga dahil sa mga payong ng mga pandak.

Pag-angat ko ng tingin merong pandak na lalaki sa gitna at tingin ko Grade 10 ito.

Nung dumaan sya ay nagsi-alisan yung mga estudyante.

'Wow Hari, hari ng mga pandak.'

Nasa gitna rin ako at tinititigan sya, Wala kong paki sa pag daan nya ano? ako pa mag-aadjust.

Pagtapat nya sa harap ko ay tiningnan nya pa ko ng masama kaya tinaasan ko syang kilay.

Magkasalubong na ang mga kilay nya at parang napipikon na kaya gumilid na lang ako, Duh! Gentle dog kaya ko!

Sinangga nya pa ang balikat ko kaya hinabol ko sya ng tingin at tiningnan rin ng masama.

'Panget mo! Pandak!

-

Naalala ko nanaman yung una naming pagkikita, hanggang ngayon fresh pa rin yun sa utak ko sing-fresh ko.

June 4, 2019! Hanggang ngayon naalala ko pa rin yung date HAHAHAHHAHA.

February 4, 2020 na ngayon at foundation day namin kaya lahat ng grade level ay nanduon sa school, magkakasama SANA OL MAGKASAMA!

"Dria! Halika samahan mo ko bili tayo sa labas ng pagkain na totomguts na ako eh!" Pagyaya ko kay Dria saka sya hinila.

Pahirapan pang bumaba dahil sa dami ng estudyante.

Paglabas namin ay bumili na agad kami, pero pagbalik namin wala na kaming upuan! Parang sya! PAGBALIK KO MAY IBA NA!

Napairap nalang ako sa kawalan at umupo nalang sa court kasama yung mga Grade 10.

"Ano papabili ka?" Tanong ng lalaki duon sa mga kasama nya.

Tiningnan ko ito ng masama dahil di ko na nakikita yung pinapanuod sa stage.

"Can you please sit down?" Pagtatanong ko sa kanya saka sya inirapan, at ngumuya nguya ulit.

"Tsk."

Umalis na ito naka-cap sya kaya di ko nakita yung muka.

Tumayo na rin ako dahil magtatapon ako ng basura ko, Saktong pabalik na yung pandak na lalaki kaya nabunggo ako nito.

Pinabayaan ko nalang ito saka sya inirapan.

P-pero may napansin ako! Shit sya yung gangster!

Sinundan ko agad ng tingin yung lalaking yon at sya nga!

'Makakaganti rin ako sayo!'

-

Valentine's Day ngayon kaya may pakulo ang mga SSG officers.

May marriage booth, Jail booth, Horror booth at kung ano ano pa.

Inabot kami hanggang alas-syete ng gabi pauwi na sana ang mga estudyante ng biglang namatay ang ilaw.

Biglang naghiyawan yung mga estudyante at di na ko nag-abalang humarap pa.

Pero biglang lumiwanag sa kinatatayuan ko.

Mabilis nalang akong naglakad pero sinusundan ako nito.

"Kukunin na ba ako ni Lord?" Nagtawanan ang mga estudyante sa sinabi ko kaya inirapan ko sila.

"Funny yon?" Tanong ko sa kanila kaya nagsitawanan sila lalo, Pero biglang tumahimik.

May pandak na naglalakad ngayon sa gitna na may dala-dalang Bouquet at chocolate! Wow romantic din pala si Gago.

Inirapan ko ito at naglakad ulit.

Pero hinila ako nito kaya napasubsob ako sa dibdib nya.

"Naks bango mo dude ah! Lacoste?" Tanong ko sa kanya saka sya tinulak.

"Tsk! Ang engot mo." Dahil sa sinabi nya ay sinamaan ko ito ng tingin.

"Ma's engot ka wag kang papatalo." Sagot ko saka sya tiningnan ng masama.

"Wag ka ngang magulo!" Sita nya sakin dahil lalakad nanaman sana ako palayo.

"Problema mo?" Tanong ko rito saka sya inirapan.

"Ikaw! Antagal tagal kitang hinanap! Ilang buwan kahit nasa isang school tayo ang hirap mong hanapin! Para kang invisible eh ang hirap makita." Mahabang sagot nya at tiningnan ako ng masama.

"Parang pagmamahal ko sayo, parang invisible ang hirap mong makita." Banat ko saka unti unting ngumiti HAHAHAHHA.

Namula naman ang tenga nya sa sinabi ko.

"Woaahhh! Panis ka Crick! HAHAHAHAHA."

"WOAAAHHH! ANG HAROT!"

"WALANG POREBER!"

"Alam ko may sinabi ba kong meron? Wala naman talagang poreber, gaya ng buhay mo gusto mo gilitan na kita ngayon? Para may patunay na tayong walang poreber?" Nakataas na kilay na tanong ko.

Nagtawanan yung mga estudyante dahil sa sinabi ko.

"ATTITUDE KA GHORL!"

Napairap nalang ako dahil sa sinabi ni Leo.

"Tapos mo na ba silang patulan?" Tanong ng engot na toh pagharap ko.

"Uwing uwi na ko! Anu bang kailangan mo ha?" Tanong ko rito.

"Liligawan kita, Nagpapaalam lang. Sa ayaw mo o gusto liligawan kita."

"Pakihanap ng pake ko?" Sagot ko ng pabalang.

"Ouch!"

"Fuck! Ansakit nun! HAHAHHAHAHA."

"Gago! Binusted!"

"Binalewala nya ko dahil sayo~"

"Sana sinabi mo! Para di na umasang may tayo pa sa huli~"

Lalong nag-ingay ang mga estudyante kaya biglang dumating ang principal namin.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng principal.

Natahimik ang lahat kaya tumingin ako sa lalaking nasa harap ko.

Nagsumbong naman ang mga pabida.

"Bukas, Pumunta kayong dalawa kasama ang mga magulang nyo." Utos ni Principal saka umalis.

Nalaglag ang aking panga dahil sa sinabi nya.

'Kasama ang mga magulang nyo.'

'Kasama ang mga magulang nyo.'

'Kasama ang mga magulang nyo.'

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi ng principal namin.

Di na ko uuwi! Lagot ako ka'y Mama!

"AgE DoEsN't MaTtErR."

Written by Zellen Smith.

Feb. 4, 2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon