MABAIT SI PAPA

9 0 0
                                    

📌MABAIT SI PAPA

Naglalakad kami ni papa papunta sa bahay namin dahil tapos na kaming kumain kaya oras na para matulog.

Ako'y apat na taon pa lamang.

Ang nanay ko daw ay isang Anghel,mabait daw si mama at maganda.

Namana ko daw sa kanya ang aking muka at kutis kaya sa twing nakikita ako ng mga tao ay lagi akong pinupuri dahil sa maamo kong muka.

Ang papa ko naman ay isang Demonyo sabi ni Lola sa akin.

Kaya lagi syang nakatago.

Nagaaral na ako at twing papasok ako'y lagi akong mag isa dahil sila Lola at Papa ay hindi karaniwang tao kaya hindi sila pwedeng makihalubilo sa mga mortal.

Minsa'y naiinggit ako sa mga kaklase ko dahil hinahatid sila ng Mama nila o kaya minsan kasama nila ang kanilang Tatay.

Mahirap para sa akin dahil gusto kong gumaya sa kanila ang mabuhay ng buo ang pamilya.

Pero hindi pwede kasi si Mama ay wala naman.

At si papa ay hindi pwedeng humabilo sa mga tao.

Minsa'y napapatanong ako dahil anng sabi sa akin ni papa ay mabait daw si Mama dahil anghel ito ngunit bakit siya ang wala sa tabi ko kung mabait sya?

Ang Papa ko ang laging andyan at hindi ko matatawag na masama ang papa ko dahil sya ang laging tumutulong sa akin.

At mahal na mahal ako ni papa.

Para sa akin si Papa ang mabait at hindi si Mama.

Pinagpalit nya kami sa isang Anghel sa langit at hindi nya man lang kami ipinaglaban.

Nung pagka-anak nya sa akin iniwan nya agad ako kay Papa.

Nakikita ko ang sakit sa mata ng Tatay ko twing paguusapan namin si Mama.

Mahal na mahal nya si mama at ipinaglaban nya ito kahit bawal.

Sana'y hindi ko nalang sya naging nanay.

Kung iba sana ang minahal ni papa siguro buo kami ngayon at masaya di tulad sa Nanay ko.

Nandito na kami ni papa sa bahay namin.

Matutulog na at muling gigising para bukas.

Dumating ang araw na g-graduate na ako ng elementarya.

Ang nagsuot sa akin ng medalya ay ang aking guro.

'Sana si papa nalang, Para sa kanya ito.'

Ako'y nag-aral sa sekondarya at naging mas mabuti ang pag-aaral ko.

Dumating ulit ang araw na g-graduate ako kaya pinapunta ko si papa dahil madami akong awards.

Tinawag ang aking pangalan at saka ako tumayo at umakyat.

Maya-maya'y dumating si papa at isanabit sa akin ang aking mga medalya.

"Waaahhh! Demonyo!" Sigawan ng lahat dahil sa takot.
"Demonyo ang tatay ng batang iyan!" Sigaw nila kaya nagsimula ng mamuo ang galit sa dibdib ko at parang nagliliyab ang nararamdaman ko.

Bigla akong lumutang at saka tiningnan sila isa isa.

"HINDI DEMONYO ANG TATAY KO." Kahit ako ay nagulat sa boses ko dahil bigla itong lumaki.

At ang mga mata ko'y biglang naging itim.

Lahat ng andoon ay napatay ko.

'Oo napatay ko.'

"P-pa! Hindi ko po iyon sinasadya!" Pagkatapos kong matauhan tsaka ako humagulgol at yumakap kay papa.

"Wala kang kasalanan anak. Pasensya na at nagulo na ang buhay mo.." Malungkot na saad ni Papa.

Umuwi kami noon at simula noon ay di na ako sumama sa mga mortal.

✒:Zellen Smith

Nov. 23, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon