THE ONE THAT GOT AWAY

0 0 0
                                    

📌THE ONE THAT GOT AWAY

"Boo? Asan ka na?"
"Boooo! Psh antagal mo mag-online!"
"Hyysshh! Asan ka na boo? Antagal mo po pwamis :<"
"Boo imissyou :'<"
"I love you :'>"
"Mag-iingat ka lagi mahal ko."
"Hintayin kita, manunuod muna ako."

Sunod sunod na chat sa akin ni Maxine.

Hinayaan ko lang ito saka nireplyan si Lanie, Nakaturn-off chat ako ngayon kaya di nya makikita kung online ako.

"Bakit babe? Sino ba yon? Ba't ka nya hinawakan? Kung nandyan lang ako baka nasapak ko na iyon! Tss." Inis ko na reply dahil may nanghipo daw kanina ka'y Lanie.

"Hindi ko kilala, babe eh." Reply nito.

"Hayaan mo na, sa susunod pag mag-kasama na tayo map-protektahan na kita." Pagpapagaan ko sa loob ni Lanie.

"Boo.. Goodnight mag-iingat ka ah? Matutulog na ako.. 5:30 am na eh.. Tutulog muna ko mga 2 hours para mamaya may lakas ako para maka-reply sayo." Chat bigla ni Maxine.

Naiirita ako ka'y Maxine dahil masyado syang patay na patay sa akin.

Binibigay nya lahat ng oras nya sa akin na hindi naman kailangan tsk.

Hindi ko ito nireplyan saka na ako natulog.

-

"Boooo! Goodmorning! Kain ka na ah? I love youuu :>"
"Maligo ka na boo! Pag-gising mo HAHAHA panigurado may laway laway ka sa muka mo."
" I love you.."
"Boo, imissyousomuch :'> pero ok lang.. Naintindihan kita boo."
"Mag-aral kang mabuti ah? Mahal na mahal kita."
"Boo Anniversary na natin bukas :> Yieehh! Natupad na rin sa wakas yung wish ko! Yung umabot sa 1 year relationship."
"Booooo"
"Wala lang, kausap ko sarili ko HAHAHAHHAHAHA."
"Ok lang yon, mahal naman kita."

Pagbasa ko sa chat nya.

Sa totoo lang naaawa na ako sa kanya.

Hindi sya napapagod kahit binabalewala ko na sya.

Hinihintay ko nalang syang mapagod.

Bukas ko planong makipag-break sa kanya para makamove-on na rin sya.

Ayoko na syang lokohin pa.

"Babe! Good morning ily ( ◜‿◝ )" Pag-chat ni Lanie.

'Shit!'

Di ko mapigilang ngumiti habang nagta-type.

"Hello babe! Good morning! I love you too!" Bati ko rin.

"Babe.. Malapit na 5th monthsarry natin 2 days nalang." Pagpapa-alala nya.

"Oo nga eh.. Ano kayang magandang gawin?" Tanong ko.

"Secret, hintayin mo babe." Chat nya, kinakabahan ako na nae-excite dahil parang kakaiba.

Sobrang mahal talaga ako ni Lanie HAHA.

"10:00 pm na pala." Pagtingin ko sa aking orasan kaya natulog na ako.

-

MAXINE'S POV

Masyado na akong nasasaktan.. Pagod na ako, sumusuko na ako kaya hinihintay ko nalang na mag-12:00 am.

Sobrang saya ko dahil natupad yung wish ko na umabot sa 1 year relationship.

Pero malungkot kasi dito na rin kami magtatapos.

-

"Hello Maxineee!" Biglang may nagchat sa akin na lalaki, Chinitong moreno pero gwapo.

"Hi? Hehe sino ka po?" Tanong ko.

"Ahh.. Ka-batch mo ako, nag-transfer ka kasing ibang school kaya di na kita nakikita."

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon