BATANG INA'T AMA

10 0 0
                                    

📌BATANG INA'T AMA

Ako'y isang 2nd year collage at ang boyfriend ko naman ay 4th year collage na.

May anak kami.

Nagbuntis ako sa edad 17 at naging ina sa edad na 18.

Nag-aaral pa kami noon ng naging magkasintahan kami ni jared.

Lumipas ang isang taon nagbunga ang aming pagmamahalan.

Masaya naman kami kahit nasa murang edad pa lamang.

Nung una ay di matanggap ng mga magulang namin dahil nga sa bata pa kami.

"Di ka pa nakakapag tapos ng pag aaral Clariza! Tapos magbubuntis ka? At jan pa sa lalaking wala ring trabaho! Ano ang ipapakain nyo sa magiging anak niyo!?" Bulyaw ni papa sa akin.

Humahagugol na ko sa mga oras na iyon.

"Hon wag mo ng pagalitan ang bata baka maka epekto pa sa magiging apo natin." ani ni mama, buti nalang at mabait ang mama ko kaya huminahon si papa.

"Pumasok ka na sa kwarto mo nak." sabi ni mama kaya pumasok na rin ako sa aking kwarto atsaka umiyak ng umiyak.

"Pasensya na baby ah? Nadamay ka tuloy.. Don't worry baby pag labas mo magiging ok rin sila lolo mo."

"Pag labas mo lahat ay gagawin namin ni daddy mo para maging maayos ang buhay mo."

"I love you baby." At nakatulog ako sa kakaiyak.

Lumipas ang siyam na bwan naipanganak ko ang aking munting anghel.

Napakaganda ng kanyang mga mata at maliit ang ilong at may mapupulang labi.

"Love ang ganda ng anak natin manang mana sa iyo." Pang uuto ni jared HAHAHAHAHA.

"Ma's mana sa iyo wag kang papatalo HAHAHAHAHA." pambabara ko sa kanya.

"Basta kayong dalawa ang pinakamagandang babae para sa akin." saka nya ko hinalikan sa labi at saka hinalikan ang anghel namin.

Maayos naman ang buhay namin dahil pareho kaming may trabaho ng asawa ko.

Sya ay crew at ako naman ay sales lady.

Working student kami pareho para matustusan ang pangangailangan ng anak namin.

Di naman kami nahirapan dahil gumagabay pa rin ang mga magulang namin sa pamilyang nabuo namin ni jared.

Si papa naman ay nawala ang galit pag labas ni Akeila ang anak namin.

Sa totoo lang ay tuwang tuwa sila sa unang apo nila at kung pwede lang ay dun nalang sila sa tabi ng kanilang apo HAHAHA.

Di naman ako nahirapan sa pamilya ni jared dahil mababait sila sa akin at sa anak namin.

Lumipas ang Tatlong taon at nakapag tapos na kaming pareho at successful na rin.

Si jared ay engineer at ako naman ay chef.

Pareho kaming nagtatatrabaho ng maayos at meron na kaming sariling bahay at sariling sasakyan.

Ang relasyon namin ay masasabi kong perpekto dahil kahit sa murang edad pa lamang kami naging magulang ay pareho naman kaming naging maayos dahil na rin sa inspirasyon na dala ng baby Akeila namin.

Naging maayos ang lahat kaya wala ng problema.

Nagtatrabaho nalang kami para sa kinabukasan ng aming anak at para na rin sa mga magulang namin na tumatanda na.

Ang papa ko ay proud na proud sa amin at ang mama ko.

Wala na kong maihihiling pa.

Salamat sa diyos dahil dumating ang aming munting anghel at naging daan patungo sa magandang daan patungong magandang buhay.

Credits to the real owner of this photo (Ctto)

✒:Zellen Smith.

Nov. 17, 2019.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon