I LOVE YOU SO BAD

0 0 0
                                    

I LOVE YOU SO BAD

Natawa ako sa bio niya, 'I love you so bad? Pftt korni mo naman brad' natatawang bulong ko.

"Please bumalik ka na.. miss na miss na kita.." Chat niya sa'kin, imbes na bumalik ay nagalit lang ako sa kaniya.

"Ayaw ko na nga! Hindi na kita mahal Drey, tigilan mo na ako." Galit na chat ko at nag-out.

Corny niya, ayaw ko sa kan'ya! Nakakainis siya, habol siya ng habol eh hindi ko na nga siya mahal.

Inatupag ko ang video na ginagawa ko, pagtapos ko dito ay pinost ko ito.

Wala pang isang minuto ay nagcomment agad si Aldrey,

"What the fuck?! Hanggang dito ba naman? Tch." Inis na wika ko at tiningnan ang comment niya.

"Galing mo talaga kumanta mahal." Sa inis ay chinat ko ito.

"Pwede bang tigilan mo na 'ko?! Bwiset ka! Hindi na nga kita mahal, pwede bang umalis ka na sa buhay ko?! Nakakairita ka!" Chat ko at binato sa kama ko ang cellphone ko.

Ilang araw ding nawala si Aldrey, inis kong inistalk ang accpunt nito.

May shared post siya, "Heaven knows." Yan ang title, lyrics video ito.

Pinakinggan ko ito saglit ngunit di ko din tinapos, tch ang pangit ng music taste niya tss.

"Still you, please comeback to me." Natawa ako sa bago niyang bio, muka siyang tanga.

Sa bagay tanga naman na talaga siya. Sobrang tanga niya! Nakakainis!!

"Hi.." Chat ko sa kaniya, ewan ko ba! Namimiss ko pangungulit niya.

"Hello mahal! Kamusta po? Miss mo 'ko? Mas miss ka ng baby mo, pakiss ako miss na miss na kita sobra."

"I love you mahal kooooo."

"Salamat nag-chat ka."

"Pasensya na kung wala ako ilang araw ah, nagkayayaan tropa di na ako nakapagpaalam. Dalawang gabi kaming puro inom kaya need ko kisspirin mo para mawala yung hang over ng daddy mo."

Sunod sunod na chat niya, nagulat nalang ako dahil sa mga luhang pumapatak mula sa mata ko.

Inis ko itong pinunasan at sumimangot, "Bakit ka uminom? Edi hindi ka din pumasok?! Pag ikaw talaga nakita ko.. babanatan talaga kita, lasinggero ka talaga! Nakakainis ka!" Umiiyak na chat ko, sobra along nadadala ng emosyon ko.

"Banatan mo nga ako, yung nakakakilig dapat ah!" Chat niya kaya mas lalo along sumimangot.

"Imissyou.." Chat ko habang umiiyak.

"Imissyoutoo baby, wag ka ng umiyak mahal na mahal kita.. pasensya ka na.. sorry kung nagsinungaling ako mahal koo."

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinawagan siya, "Ano mahal? Kamusta ka na diyan? Open cam ka tingin ako ng baby ko." In-opem cam ko nga ngunit nakasimangot pa din ako.

Nagpupunas pa din akong luha, gusto ko siyang yakapin kaso ang layo niya.

Kaysa pigilan ang mga luha ko ay umiyak nalang ako ng umiyak sa harap niya, "Ang sakit ng puso ko, hindi ko alam kung bakit." Umiiyak na wika ko.

Yumuko ito at lumapit sa camera niya, akala ko'y may gagawin ngunit nilapit niya lang ang labi niya.

"Kiss nalang kita.." Maluha-luhang aniya, lumapit din ako sa cam ko at pumikit.

Never pa kaming nagkita, it's been a year.

Yung mga memories di ko pa mabura, hindi ko alam kung paano makakaalis.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon