PAPARATING NA ANG DYOS

0 0 0
                                    

📌PAPARATING NA ANG D'YOS (DELUBYO)

[TAKE TIME TO READ THIS]

[PS: Di ako masyadong maalam sa dyos, pero sana maintindihan nyo.]

"Mama! May covid-19 na kumakalat oh! Tingnan mo!" Ani ko habang tinuturo ang TV screen namin.

"Hala ano ba yan.. kawawa naman mga natamaan.. Sana mawala na yan." Tanging sagot ng mama ko at bumalik na sa pagluluto.

Ilang araw lang mula ng ibalita ang Covid-19 ay kumalat na ito, kung saan saang lugar.

Hanggang sa makaabot na ito ng pilipinas at maglockdown.

"Beh, nakakatakot yung NcoV no?" Malungkot na tanong ko sa kaibigan ko.

"Anong nakakatakot dun? Sakit lang yun, demonyo tayo HAHAHA." Nalungkot ako dahil sa naging sagot nya.

"Pinagmamalaki mo pa? Nakakahiya kaya.. anak tayo ng dyos pero demonyo tingin mo sa sarili mo." Pangangaral ko.

"Perfect ka ghorL?" Sarkastikong tanong nya kaya napairap nalang ako sa kawalan.

-

Ilang araw mula ng mawalan na ng pasok ang eskwelahan ay nag-lockdown na rin.

Naibalita na ring airborn na ang virus kaya mas lalo akong natakot.

"Mama hindi ba, nung may nangyaring delubyo dati bago mamatay din si papa jesus?" Tanong ko na ikinatango nito.

"Oo, at yung mga naniwala lang sa kanya ang nailigtas. Yung dati naman nakakamatay na usok." Pagkwento nya.

'Ngayon naman NcoV na airborn na walang lunas'

Kaya mas lalo akong napapaisip kung ito na ba ang bagong ganti sa amin ng dyos.

"Kung titingnan mas mahal na ng mga tao ang gadgets, pera, at iba pang materyal halos nakakalimutan na din nila ang dyos." Bulong ko sa aking sarili.

"Nakakalimutan na ng iba na mapalapit sa dyos at hindi na sila madalas magdasal." Malungkot na saad ko.

"Madami ng nagpapakamatay.. hindi dahil sa depresyon, dahil sa hindi sila lumalapit sa dyos.."

"Madami ng mas gustong magbarkada kesa sa pamilya nila, dahil sa pamilya walang pagmamahal na madarama.. Pero sana hindi hanapin sa iba.."

"Mas madaming tumatakbo sa kaibigan nila kesa sa dyos."

"Mas gusto pa ng iba ang materyal na bagay kesa sa bibliya."

"Nakikita lang ang halaga ng d'yos kung may hihingiin."

"Pinapabayaan ng mga tao ang mundong aking nilikha, iniregalo ko ito sa inyo upang alagaan at hindi pabayaan."

"Ngayon mag babayad kayo sa mga kasalanang ginawa n'yo, oras na para pagbayaran nyo ang lahat."

"Pero mga anak, mayroon pa kayong natitirang oras. Marami pa kayong oras para pagsisihan ang inyong mga kasalanan at humingi ng tawad sa ating dyos ama." Bakas ang lungkot sa boses nito.

Sunod sunod na sambit nito, "S-sino po kayo? Kayo po ba ang--"

"Oo ako nga, ikinagagalak kong makilala ang isa sa aking anak na hindi ako kinakalimutan." Nakangiting aniya.

'A-ang dyos!'

"Lord!" Agad akong lumapit dito at agad s'yang niyakap.

"Sorry po lord.. please po lord magbabago na ako.. Lord, nahihirapan na po yung mga tao.. kawawa po yung mga batang walang makain.." Umiiyak na pakiusap ko.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon