FIRST LOVE

1 0 0
                                    

📌FIRST LOVE

First love, dyan ko natutunan magseryoso.
Dahil dyan ako'y tumino.
Tunay na pagmamahal aking naramdaman,
Sa unang babaeng aking inalayan.

"Hi bria." Nakangiting bati ko kay Bria, long time crush ko HAHAHA.

"Uyy, hello hehe." Nakayukong bati nito pabalik.

Papasok na kami kaya agad kong kinuha sa kamay nya ang Bag nya.

"Ako na, ang bigat pala nito eh." Nakangiti kong saad.

"H-hala, kaya ko na yan.. akin na." Namumulang pagbawi nito ngunit di ko binigay.

Nakarating kami sa Room nila kaya agad kong inabot ang bag nya at nagpaalam na.

Sa simpleng batian, dyan nagsimula,
Nagsimulang maramdaman ang hindi maipaliwanag na nararamdaman.
Nang dahil dyan ako'y ginanahan sa lahat ng bagay.
Nakangiti na palagi ang aking mga labi.

"Jero, gusto mo sabay na tayong umuwi? Tulungan kita sa assignment. Wala ka kasi kanina.. madali lang naman iyon." Nakangiting alok n'ya.

Ngumiti ako at tumango, nautusan kasi kami ng teacher kanina.

Dumiretso kami sa Library pagkatapos ng Last subject.

"Gan'to gagawin mo dito, it-times mo tas divide then yun na yung sagot." Nakatitig lang ako sa kanya habang sya'y nagsasalita.

"Ang dali 'no?" Nakangiting tanong nya at tumingin sa mga mata ko.

'Sana ganun ka din kadaling abutin'

"Oo.. Salamat Bria ah?" Nakayukong pagpapasalamat ko.

Ika'y laging andyaan sa t'wing ako ay nangangailangan.
Hindi maiwasang ako'y mahulog sa iyo.
Sa iyong mga ngiti ako'y napanganga,
Kay gandang ngiti na ngayon ko lang nakita.

"B-bria.." Kabadong tawag ko dito.

Humarap naman ito at lumapit sa akin.

"Hi Jero, Goodmorning. Ano yun?" Nakangiting tanong mo.

"May aaminin sana ako.." Nakayukong sambit ko.

"A-ano yun?" Tanong n'ya.

Nanginginig ako sa lamig at sakit ng t'yan na nadarama.

"N-natatae ako." Sagot ko at mabilis na tumakbo.

WRITTEN BY ZELLEN SMITH.

April 12,  2020.

The Untold Story of Us: (One shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon