CHAPTER 7: HALIK🔞

12.4K 218 53
                                    

CHAPTER 7
HALIK 🔞


Kakalabas ko lang ng bahay ng sinalubong ako ni Adam ng halik sa pisngi. Hindi lang isa, kundi pinugpog niya ako ng halik kung kaya medyo nabasa ang pisngi ko.

Natigil na lamang siya nang lumabas si tatay. Binati niya ito at nagpaalam na rin kami pareho.

Tatlong buwan na akong nililigawan ni Adam at ang pinakamarami niyang naibigay sa akin ay halik. Kung minsan ay nagbibigay siya ng chocolate at mga bulaklak pero sinasaway ko siya na hindi niya kailangan gumastos ng kung ano-ano.

Estudyante pa lang kami at mas gusto ko na kung bibigyan niya ako ng chocolate o bulaklak ay hindi galing sa pera ng magulang niya kundi mismong pinaghirapan niya.

Alam nang magulang ko na nililigawan ako ni Adam dahil siya mismo ang nagpaalam sa magulang ko na liligawan nga daw niya ako.

"Nakarami ka kaagad sa akin ah!" sabi ko kay Adam na nakaakbay habang naglalakad kami papunta sa school.

"Syempre love kita." seryoso niyang sabi at medyo natawa ako.

"Hoy Adam! Tigil tigilan mo ako sa kakornihan mo." sabi ko.

Sa sinabi kong iyon ay ginulo niya ang buhok ko kaya hinampas hampas ko siya sa dibdib para itigil ang ginagawa.

"Ikaw! Bakit hindi ka na nagpapaganda sa akin?" pangaasar sa akin ni Adam at inirapan ko siya.

"Hindi ko na kailangan magpaganda. Di ba nga, patay na patay ka sa akin?" balik na pangaasar ko at natigilan siya. Inabot na naman siya ng kahihiyan dahil totoo naman yung sinabi ko.

Nang makarating sa school ay napatigil kami sa paglalakad dahil may tumawag kay Adam, isang lalaki.

"Ito pala yung unang sweldo mo." sabi ng lalaki sabay abot kay Adam ng dalawang libo na ipinagtaka ko.

Bakit naman magtatrabaho si Adam eh may kaya naman sila? Wala sin naman siyang nabanggit sa akin na may problema sila pagdating sa pera.

Pagkaalis ng lalaki ay agad na sinilid ni Adam ang dalawang libo sa loob ng bag. "Sino iyon?" tanong ko sa kanya.

"Si Joseph iyon."

"Anong yung sweldo at trabaho na tinutukoy niya? Nagtatrabaho ka ba Adam?" kuryuso kong tanong sa kanya. Napayuko siya sabay kamit sa kanyang tainga.

"Nagtatrabaho ako." pagaamin niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?"

"Nagiipon ako para sa date natin. Hindi ba't ayaw mo na ang gamitin kong panggastos sa panliligaw ko sa iyo ay pera ng magulang ko kaya nagtrabaho ako." pakiliwanag niya na ikinagulat ko.

"Hindi mo naman kailangan gawin iyon." sabi ko.

"Eh love kita kaya hindi ko ako mapipigilan." sagot ni Adam at hinila ako para yakapin.

Matapos nun ay pumunta na kaming classroom dahil malelate na kami dahil sa kalandian namin.

Pinagsabihan ko si Adam na tumigil na siya sa trabaho pero mukhang malabo niyang sundin ang sinabi ko. Totoo nga ang sabi ng mama niya na lahat ng ginagawa ni Adam ay para sa akin.

...

Oras na ng uwian pero kasalukuyan kaming naguusap ng mga magkakaklase dahil sa gaganaping prom next month.

"Ikaw partner ko ha." sabi ni Adam na ngayon ay nakasandal ang ulo sa aking balikat.

Nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi ako sigurado kung makakapunta ako aa prom namin. Kapag ganun kasi ay gastus lamang at masasayang ang pera namin na imbes pampagkain na sana namin.

Natapos ang paguusap ay naiwan pa ang mga cleaners at isa ako doon. Si Adam naman ay nagpasyang magpaiwan kahit sinabihan ko nang umuwi dahil anong oras na pero ang sabi niya ay sabay kaming uuwi.

Nang maguwian na ay nagpaalam kami sa isa naming kaklase na siyang nakatalaga sa pagsara ng room.

"I love you Pat." sabi ni Adam habang naglalakad kani pauwi. Magkahawak ang kamay namin habang binabagtas ang daan na pauwi. Palitan niyang hinahalikan ang kamay ko at ang pisngi.

"Ang landi mo talaga Adam." sabi ko at tumawa lang siya at muli na namang hinalikan ang kamay ko.

Nagpasya muna kaming magpahinga sa isang bench malapit sa may park. Magkahawal pa rin ang kamay namin at salita ng salita si Adam ng mga kakornihan pero ako naman ay patagong kinikilig.

Nagpatagilid ako ng upo para magkaharapn kami ni Adam. Sakto naman na pagtingin ko sa kanya ay nakatitig pala siya sa akin. Ilang segundo kaming nagkatitigan at dahan dahan na lumapit ang mukha niya sa akin.

Hinalikan ako ni Asam pero hindi iyon matatawag na sinpleng halik dahil lumalim ito at may kasamang dila ang bawat halik namin.

Naramdaman ko ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko na nagbigay ng kakaibang kuryente at sensasyon. Hindi man maintindihan ang init na nararamdaman ngayon pero gusto kong ipagpatuloy ang ginagawa namin ni Adam.

Naputol ang paghahalikan namin nang makarinig ng isang tunog ng sasakyan at tsaka lamang ako nabalik sa reyalidad na nandito pala kami malapit sa park.

Nawala sa isip ko na posibleng may makakita sa ginawa namin. Mali ang ginawa namin ni Adam pero pilit iyong kinokontra ng isip ko.

"I'm sorry." paghingi ng paumanhin ni Adam. Hindi ko alam ang isasagot dahil nahiya ako sa nangyari sa pagitan naming dalawa.

"Uuwi na ako." sabi ko at hindi ko maggawang tingnan siya sa mata.

Tumayo ako at kinuha ang gamit pero biglang hinawakan ni Adam ang palapulsuhan ko. "Ihahatid na kita." aniya at tumango na lamang ako.

Pauwi na kami ay wala man lang nagsalita sa pagitan namin. Aminado kami na mali ang ginawa namin kanina pero hindi lang talaga kami makapagsalita ngayon. Naging mapusok kami at dapat hindi na iyon maulit.

"Salamat sa paghatid Adam." sabi ko.

"Sorry sa nangyari kanina." sabi ni Adam at tumango ako.

Nagusap kami ng konti at napagpasyahan na iwasan na muna namin ang mga paghawak kamay at paghalik dahil alam namin parehas ang patutunguhan noon.

Walang pagtutol doon si Adam at nangako pa siya na iiwasan at pipigilan niya ang tukso.

Nang makaalis siya ay nakahinga ako ng maluwag peei binabagabag ako ng konti dahil nga sa nangyari. Binalaan ko ang sarili ko at pigilan rin ang sariling temptasyon para sa ikabubuti ko.

Parehas kaming bata pa ni Adam at kung kaya namin na kontrahin at pigilan ang temptasyin ay dapat namin gawin. Hindi lang naman ito para sa amin kundi para sin ito sa kinabukasan namin. Para mapigilan ang anumang mangyari na pwedneg sumira sa hinaharap.

Ganun pa man, ang nangyari ngayong araw ay isang babala sa aming pareho ni Adam pero natutuwa ako sa inasal ni Adam dahil pinigilan niya rin ang sarili niya.





MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat po sa pagbasa at paghintay ng update.

Mga kabataan nga naman, kay pupusok hahaha.

Lesson learned sa mga kabataan dyan na nagbabasa. Pigilan ang sarili sa isang bagay na hindi pa dapat. Palaging alalahanin ang nga posibleng mangyari na pwedeng makaapekto sa atin at maging sa ating kinabukasan.

Mabuti nang marupok wag lang mapusok.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon