CHAPTER 19: KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO

4.7K 143 43
                                    

CHAPTER 19
KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO


Papunta kami ngayon ni Adam sa school at nasa likuran niya ako at binababa. Nung una ay hindi ako pumayag dahil baka mabigatan siya pero ang sabi niya ay pagdating sa akin ay kaya niyang magtiis.

Halos magkadikit ang mukha naming dalawa dahil sa pagkakababa niya sa akin. Nang malapit na sa school ay bumaba na ako dahil baka mapagalitan kami.

Pagpasok sa campus ay magkahawak ang kamay namin. Bumibitaw lang kami kapag may teacher na nakakasalubong.

Pagdating sa room ay tinawag si Adam ng teacher namin at umalis sila dahil maiuutos daw dito.

Hindi naman ako mapakali nang kanina ko pa kasi napansin na iba ang tingin sa akin ng mga estudyante na nakasalunong namin kanina at maging mga kaklase ko.

Noong una ay hindi ko alam kung sa akin ba sila nakatingin ng masama o kay Adam. Pero tuluyan kong napagtanto na ako ang tinitingnan nila ng masama dahil nang umalis si Adam kasama ang teacher namin ay nakatingin pa rin ng masama sa akin ang mga kaklase ko.

Napalunok ako at nagulat ng may bumato sa akin ng papel na ginumos. "MALANDI!" sigaw ng isa kong kaklase at sinundan pa iyon iba kasabay ng pagbato nila ng papel na ginumos sa akin.

Hindi pa doon nagtapos dahil may isang lumapit sa akin at sinulatan ang table ko na 'malandi' gamit ang kulay pula na pen touch. Matapos nun ay sinabunutan niya ako at nagtawanan ang lahat.

Pinigil ko ang sarili na maiyak at imbes na patulan sila ay inayos ko ang sarili. Inipon ko ang mga papel na binato nila sa akin at tinapon iyon sa basurahan.

Saktong pagdating ng teacher namin at ni Adam ay nalinis ko ang tinapon nila sa akin at naayos ko na ang sarili. Nang makita kong palapit sa akin si Adam ay agad akong kumuha ng notebook at tinakpan ang ginawang pagbandal ng kaklase ko sa aking table.

"Ok ka lang?" tanong sa akin ni Adam at ngumiti ako.

Nagulat naman ako ng bigla niyang ayusin ang bangs ko. "Ang ganda talaga ng girlfriend ko." aniya at mabilis akong hinalikaan sa noo dahil baka makita kami ng teacher namin. Pagkatapos nun ay tsaka lang siya naupo sa pwesto niya.

Habang nagtuturo ang teacher namin ay kay Adam lang ako nakatingin. Hindi kasi ako mapakali sa tuwing kinakausap siya ng mga kaklase namin. Nagtataka rin ako kung bakit sinabuhan na lang nila ako na malandi.

Matapo ang klase ay tahimik lang ako habang magkasama kami ni Adam. Pansin ko naman na pinakikiramdaman niya ako. "May problema ba?" tanong niya sa akin.

Nakatulala ako ngayon sa field habang nakasandal kay Adam na nasa likuran ko na yakap yakap ako. "May iniisip lang." sabi ko at mataman na ngumiti.

"Kung may problema ka, sabihin mo sa akin Pat. HIndi lang ako boyfriend mo pero bestfriend mo rin ako." sabi ni Adam at tumango ako.

Tumagilid ako ng upo para makaharap sa kanya at hinalikan siya. Hinalikan din niya ako at matapos nun ay pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. Tumayo si Adam at inilahad ang kamay sa akin.

"Sayaw tayo." pagaaya niya sa akin at ngumiti ako. Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo na rin.

Inilabas ni Adam ang cellphone niya at pinatugtuog ang paborito naming kanta na Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.


KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO
By: Moira Dela Torre


Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko


Inilagay ko ang kamay ko sa balikat ni Adam at tumingin naman siya sa akin. Ang kamay niya ang ipinulupot sa beywang ko at mas inilapit ako sa kanya kaya halos magkadikit na ang katawan namin.


Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko


Nagsimula kaming sumayaw at hindi inalintana ang ibang estudyante na dumaan. Medyo hinangin ng malakas at agad naman niyang hinawi ang buhok kong nilipad sa harap ng mukha ko.


Ang nakalipas ay ibabalik natin
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko


Patuloy kaming nagsayaw ni Adam at sinabayan na rin ang kanta. Maganda ang boses ni Adam kahit nga boses lang niya ay mahuhulog ka na agad.


Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko


Sandali pa ay inalis ko ang pagkakahawak sa balikat ni Adam at agad siyang niyakap. Yapak namin ang isa't isa at sumasayaw pa rin hanggang matapos ang kanta

"I love you Pat." aniya at ngumiti ako.

"I love you too Adam."

"May sikreto ako Ma'am na sasabihin sa iyo." nakayapa pa rin kami sa isa't isa at inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Ano yun?"

"Palaging sa'yo ako Patricia kahit anong mangyari. Kahit tumanda na tayo, maputi man ang buhok o uugod-ugod at malilimutin na. Tandaan mo na mahal na mahal kita." sabi niya at nanubig ang mata ko hanggang sa naluha ako.

"Adam naman eh, pinapaiyak mo ako." sabi ko sa kanya at tumawa siya.

"Sobrang mahal lang kita Ma'am." sabi pa niya at pinunasan niya ang luhang lumandas sa aking pisngi.

Nang magtime ay binitbit ni Adam ang bag ko. Katulad ng nakasanayan namin ay maghawak ang kamay namin.

Bago makarating sa room ay nakasalubong namin si Dave at agad akong umiwas ng tingin. Si Adam naman ay nakangiti lang at mukhang sadyang pinakita ang kamay naming dalawa.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko at nakonsensya.

Wala pang alam si Adam.

Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin ni Adam. Bukas talaga ay aamin ako sa kanya tungkol dun sa halik na ginawa ni Dave. Mas mabuti nang maging honest ako sa kanya kaysa malaman pa niya iyon sa iba.

May hinala din kasi ako na kaya nasabi ng mga kaklase ko na malandi ako ay dahil baka may nakakita sa amin ni Dave nung gabing iyon.

Ano man ang mangyari ay wala pa rin silang karapatan na i-bully ako ng dahil sa nakita o naeinig lang nila. Hindi naman nila alam ang tunay na nangyari at posibleng nagkaroon na ng sariling bersyon ng kwento sa pamamagitan ng pag pasa-pasa ng mga salita.







MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

Since hindi niyo pa alam ang kabuuan ng kwento. May tanong ako. Sino kaya sa dalawa ang may kasalanan? Take note hindi niyo pa nalalaman yung tunay na nangyari.

THE BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon